Naligo na ako sa banyo at inisip nang mabuti ang mga nangyari. Pilit ko na pino-proseso iyon sa aking utak. Naabutan kami nina Laura at Cairo sa ganoong puwesto. Mabuti na lamang at may dala akong extra damit sa aking kotse. May mga toiletries din naman sa hotel kaya hindi na ako nahirapan pa. Binisita ko rin ang cellphone ko. Maraming texts mula kay Shira, at may isang mensahe mula kay Edan na sinasabi na may breakfast appointment si Cairo kaya huwag na ako na mag-abalang magluto. Sinampal sampal ko ang pisngi ko dahil namumutla ang aking mukha. Huminga ako nang malalim bago ako bumaba sa hagdanan. Bihis na si Javier nang tiningala ako sa may hagdanan. Naligo na siya sa babang toilet at gaya ko, halatang nagulantang din siya sa mga nangyari. Tumikhim siya at lakas loob na tumitig sa

