Hindi mapakali si coach nang dumating ako sa court. Missy and Grace pointed at me kaya tumawag ng substitution si Coach. Pumito ang referee. Nagsilapitan ang mga ka-team ko sa akin. Hinihingal sila. I looked at the scoreboard. Tambak ang score namin. Nakatingin ang kalaban na team sa amin. “Naya! Saan ka nanggaling? Hindi ka namin makita!” sigaw ni Missy. Lumunok ako. Wala sa mood at galit na galit si Coach na lumapit sa akin. “Na-lock ako sa banyo sa second floor. Kakalabas ko lang.” sagot ko. “Palma! You better perform well. Paalis na sana ang recruiter. Mabuti na lang at napakiusapan ko na maghintay hanggang matapos ang first set.” sabi ni Coach. Nilingon ko ang isang matandang lalaki na nakatingin sa banda namin. Tumango ako. Nilingon ko si Paris. His game will start in a bi

