Magarbo ang bawat float ng mga school. Nakita ko pa roon si Stacey na nakatingin lamang sa amin. Umirap siya nang nakita niya ako roon. Hindi ko siya pinansin. Dahil open ang design ng aming float at wala akong hahawakan, medyo nahirapan ako sa balanse. Wala kaming imikan ni Cairo simula ng parada. Hindi ko naman kasi napaghandaan na mapapunta ako rito ngayon. Dahil hindi gaanong kagandahan ang mga concreted roads sa Palanca, halos matumba ako kung hindi ako hinawakan ni Cairo. Mahigpit ang mga hawak niya. Para naman ako na napapaso sa paglapat ng magaspang niya na kamay sa akin. Nagkatitigan kami. He slowly placed my hand doon sa braso. “Hold onto me tight.” sabi niya at tumingin na sa daan. Tiningnan ko ang kamay ko na nasa braso niya. Nasa loob ng mga bulsa niya ang kaniya

