Nagpasalamat ako kay Attorney at kinuha na rin ang numero ni Cairo para i-save iyon sa aking cellphone. Nagluto ako para sa engagement party nina Paris at Bernice. Nakangiti ako na pinanood si Paris na nakikipagtawanan sa ilang kakilala niya. Well, kahit dito man lang… alam ko na masaya siya ay ayos na ako. Nagpasalamat sa akin si Madame Andrea na tinanggap ko lamang. Buong party ata nina Paris, pinipilit ko na lumayo sa pamilya nina Laura. May ilang attempts pa kasi si Mr. Valentino para kausapin ako pero agad ko na pinipigilan iyon. Sa hotel naman, hindi rin kami masiyadong nakakapag-usap ni Cairo. Dahil papalapit na ang summer tournament, mas naging busy na siya at halos hindi na nga ako nagluluto dahil puro meeting siya according to Ethan. I would be participating for a whole

