Nagpunta kami sa hotel para sa lunch na hinanda para sa amin. Maingay ang venue kung saan kami kumakain dahil sa mga player na nagbabatian lalo na at ngayon lamang nagkita-kita. May ilan din na bumati sa akin. Javier sat beside me at si Alena naman ay ganoon din. They were civil to each other at mukha namang naka-move on na silang dalawa. As expected, naroon din sa lunch si Cairo na inanyayahan ng mga organizer. Gusto ko na lamang umirap dahil panay ang tingin niya sa banda ko. Javier must have seen him too. Inakbayan ako ni Javier at ngumisi sa akin. Hindi ako kumibo at nagpatuloy lang sa pakikipag-usap sa ilang nasa table namin. “Huy, kayo ha? Kayo rin naman pala ang magkakatuluyan!” sabi ni Joan, galing sa ibang university. Tumawa ako at umiling. “Hindi naman kami. Magkaibig

