Ganoon ang naging routine naming sa linggo na iyon. Pumapasok pa rin si Cairo sa hotel pero kumpara noon, maaga na siyang umuuwi. Tuwing matatapos ang shift ko sa restaurant, dumadaan ako sa mansiyon. Paris accepted the death of his father as the days passed by. The Lunas came every night, too. Minsan kasama si Bernice at ang kapatid nito pero madalas si Agape Luna lamang at ang kaniyang asawa. Alam ko na matalik na magkaibigan sina Mr. Agape Luna at si Senyor Verado, pero masiyadong nakakapagtaka na araw-araw pumupunta si Mr. Luna kahit na sa Manila pa siya nanggagaling. The last night came. Mas marami ang tao ngayon kumpara noong mga nakaraang araw. Naroon na naman kami nina Wilmet, Alex at Baste. Nagkaroon ng isang program na nagbibigay pugay para kay Senyor Verado. May ilang mga k

