I never looked at Cairo that whole night. Hindi rin ako lumalapit sa mga lugar na naroon siya. Hindi ko inaasahan na magkabalikan kami because the truth is we both grew up and moved on, but at least he should have some decency to not make me feel regret for choosing him. Niyakap ko si Paris bago ako sumakay sa aking sasakyan. Madaling araw na at nagkasundo kami na umuwi na magkakaibigan dahil halos lahat kami ay may mga trabaho pa mamaya. Malungkot ang mga mata ni Paris na pinanood ako. May dalang sasakyan si Wilmet at Alex, habang si Baste naman ay dala ang kaniyang big bike kaya mag-isa ako na uuwi dahil sina Mama at Kuya ay kanina pa umuwi. “Magpahinga ka, Paris. Galing ka pa sa duty at alam ko na wala ka pang tulog.” sabi ko. Tumango siya at binuksan ang pintuan ng kotse ko. “I

