Hindi pa rin ako makapaniwala. Alam ko na Aspen ang pangalan ng kapatid sa labas nina Paris at Cairo pero hindi ko inakala na babae ito. Now, to think of it, may pagkakahawig si Aspen sa features nina Cairo at Paris. Bakit ngayon ko lamang na-realize ito? Nagbihis din si Paris matapos iyon. Gaya ng mga kapatid niya, nakasuot na rin siya ng kulay damit na kulay itim at pants. Hindi na siya nakauniporme gaya kanina. He was socializing with the Lunas. Nakita ko na kausap siya ni Agape Luna sa isang tabi pati na rin ang nakakatandang kapatid ni Bernice na si Andres Luna. Bernice was quiet beside her father and is just looking at her phone. Cairo was nowhere to be found. Si Aspen naman ay nasa labas at kausap ng ilang mga kaibigan ni Senyor Verado. Seryoso ang kaniyang mukha habang pinapa

