Nagmamadali ako na bumalik sa pool area. Nagsalin ako ng tubig sa baso at mabilisan na nilagok iyon. Nakapa-confident ko pa naman na walang tao sa mansiyon ng mga Silvejo. Nilingon ko sina Paris na nagtatawanan pa. Nagbabasaan sila ng tubig. Kinagat ko ang labi ko nang kawayan niya ako para papuntahin doon. Ngumisi ako at dahan dahan na lumapit doon. Hinawakan niya ako sa braso at walang sabi na hinila ako sa tubig. Napasigaw ako roon. Inabangan niya ang pagbagsak ko at hinawakan ako sa baywang. Hindi ko naiwasan na hampasin siya sa kaniyang braso. Natawa siya sa kalokohan niya. Matigas ang braso at ang abs ni Paris na damang dama ko ngayon sa aking tiyan. Sa totoo lang, napaka-fit niya. Pero hindi masiyado napapansin iyon dahil sa malambot na features ng kaniyang mukha, hindi gaya

