Natulala ako habang si Mama naman ay nagmamadali na nilinis ang kinakain niyang mga chip habang nanonood ng telebisyon. Palaisipan sa akin kung paano niya nalaman ang bahay namin? Wala akong maalala na binigay ko ang address ng aming bahay sa kaniya. “Naya, ano ba? Papasukin mo ang bisita.” ani Mama nang mapansin na nakatayo pa rin si Cairo roon. Huminga ako nang malalim at mas nilakihan ang bukas ng pintuan para makapasok siya. Pumasok si Cairo bilang paggalang sa anyaya ni Mama. Naghanda si Mama ng plato para sa kaniya. Wala na akong nagawa pa kung hindi tulungan si Mama na ayusin ang mesa. Lumunok ako at umupo sa tapat ni Cairo. Panay ang tingin sa akin ni Cairo pero hindi ko magawang pansinin iyon. Hinayaan ko na kumuha siya ng pagkain. “Bakit ka napadpad dito, Cairo?” tanong

