Nahuli ko si Papa isang araw na sumama ako sa mga kaibigan ko na mag-skiing sa Colorado. May kasama siyang isang babae na nasa edad lamang ng kapatid kong si Paris. Kahit na nakasuot panlamig si Papa ay alam ko na siya iyon. May tungkod siya, pero inaakbayan siya ng babaeng iyon. Pinagmasdan ko sila na pumasok sa diner kung nasaan ako. Mahigpit ang hawak ko sa mug. Walang sinabi si Mama na pupunta si Papa sa US. At kung pumupunta man siya, palagi niyang kasama si Mama o ‘di kaya ay dadaan siya sa bahay namin sa Los Angeles para kamustahin ako. Kinutuban na ako. I hired a private investigator at pinaimbestigahan ang babaeng kasama ni Papa. Doon ko napagtanto na matagal na kaming niloloko ni Papa. Mayroon kaming kapatid sa labas at Aspen ang pangalan niya. “Are you sure you won’t com
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


