AELIX POINT OF VIEW Matapos akong magbihis, pumasok si Cendric sa kwarto habang naka-yuko sa isang sulok. “Anong balita?” tanong ko, pinipigil ang pagka-irita sa boses ko. Nag-angat siya ng tingin, halatang kinakabahan. “Ah, Sir… wala po. Nagtanong po ako kanina sa manager ng bar, pero hindi niya daw alam kung sino yung babae.” “Impossible!” napabuntong-hininga ako at napangisi sa inis. “Paanong hindi niya alam? Siya mismo ang manager ng bar na ito!” “Pinilit ko po siya, Sir, pero hindi niya daw alam,” paliwanag ni Cendric, halos nanginginig ang boses. “Tinanong mo ba kung sino ang may-ari nito?” tanong ko, tumitibok ang puso ko sa galit at pagka-intriga. “Umiiling po siya, Sir… sabi, mysterious po ang may-ari at ayaw magpakilala sa tao. Tanging mga tauhan lang ang nakakaalam,” sa

