HAWAK ang isang kopita na may lamang dugo ng tao ay dumulog sa hapag-kainan si Zandro. Uminom siya doon at ninamnam ang dugo sa kopita. Tiningnan niya ang nakahain sa kanya para sa pananghalian. Isang plato ng laman ng tao na inuuod na. Sa isang plato naman ay isang puso na wala nang kulay. Maputla na. Hindi na sariwa. Walang ekspresiyon ang kanyang mukha. Kinuha niya ang laman ng tao at kumagat doon. Nalaglag pa sa mesa ang ilang uod na kanina pa nagpipiyesta doon. Habang ngumunguya siya ay masama ang kanyang mukha. Hindi siya nasasarapan sa kanyang kinakain dahil nabubulok na ang laman na iyon. Hindi na sariwa. "Aaahhh!!!" sigaw niya at tinaob niya ang lamesa. Tumilapon sa kung saan-saan ang kanina ay nasa ibabaw niyon. Noong nakaraan na Gabi Ng Pag-Aalay ay wala silang na-ialay na p

