TAKBO lang ng takbo si Jhovie at tila wala siyang balak na tumigil kahit na sobrang pagod na siya. Ang nasa isip lang niya ay ang makalayo sa Sitio Monstrum at ang mailigtas ang sarili sa mga taga-roon. Puro matataas na puno at mga halamang ligaw ang kanyang nadadaanan. May pagkakataon na nasusugatan ang kanyang binti dahil sa mga matutulis na sanga ngunit hindi niya iniinda iyon. 'Tulungan Niyo po ako. Diyos ko! 'Wag niyo po akong papabayaan...' dasal pa niya habang tumatakbo. Takot na takot pa rin si Jhovie. Alam niya na sa oras na iyon ay alam na ni Kapitan Zandro na tumakas siya at maaaring hinahanap na siya nito. Hanggang sa bigla siyang natumba dahil sa sakit na naramdaman niya sa kanyang kanang paa. Nang tingnan niya iyon ay doon niya nalaman na nakaapak pala siya ng isang matuli

