11TH STOP- Sister's Love

2013 Words

GUMALAW-GALAW nang bahagya ang hinliliit na daliri ni Zandro. Ganoon din ang nakasaradong talukap ng kanyang mga mata. Biglang bumukas iyon kasabay ng mahaba niyang pagsinghap. Tila kagagaling lang niya sa isang napakahabang pagkakatulog. Tumayo siya mula sa pagkakadapa. Nanlilisik ang mga mata na tiningnan niya ang mga sugat na natamo niya mula sa baril ni Catherine. Sa pamamagitan ng kanyang daliri ay inumpisahan niyang dukutin ang bala na nakabaon sa kanyang balikat at dibdib. Bakas ang sakit sa kanyang mukha habang ginagawa niya iyon. Isa sa mga kakayahan nilang mga aswang ay ang pigilan ang pagtibok ng kanilang puso. Sa pamamagitan niyon ay nalinlang niya si Catherine. Naging matagumpay naman si Zandro na alisin ang bala sa kanyang balikat ngunit bigla siyang nakaramdam ng panghih

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD