TAIMTIM na nagdadasal si Catherine sa harap ng bangkay ni Jhovie. Gusto niya sana itong ilibing kahit papaano ngunit wala naman siyang bagay na maaaring gamitin upang gumawa ng hukay. Inihiga na lang niya ito sa mga tuyong dahon. "Sana, mapatawad mo ako, Jhovie. Sana ay matahimik ka na kapiling ng ating mga magulang... Aasahan ko na balang-araw ay magkikita at magkakasama ulit tayo," at tinapos niya ang pagdarasal sa pagsa-sign of the cross. Muli niyang tiningnan si Jhovie at hindi niya naiwasan ang pagpatak ng kanyang mga luha. -----***----- "KAPITAN ZANDRO, ano ang dapat nating gawin? Paano kung maubos tayong lahat ng babaeng iyon?" "Oo nga po. Nalalapit na ang Gabi Ng Pag-Aalay? Paano na tayo nito? Dalawang sunod na buwan ba tayong walang iaalay?" "Kailangan na po nating kumilos,

