Chapter 21:
Twilight Sky's POV
Bumabyahe na kami papunta sa bahay para magpagamot kay Tita Mama. Nakasunod ang sasakyan nila Zhynly sa amin at ganun rin ang sasakyan nila Athan at Kelly. Bali limang sasakyan ang nakasunod sa amin ni Tatay.
"What's wrong with you, Twilight?" tingin sa akin ni Tatay habang nagdadrive siya. Galit ba siya dahil nakipaglaban ako ng walang paalam?.
"Hindi ako galit" nagulat ako sa sinabi niya kaya napatingin ako sa kanya. Paano nya narinig ang nasa isip ko? "Alam kong may problema ka at alam mo bang nakita ko yun habang nakikipaglaban ka?"
'Yes. I loved her so much, and I know she's my angel now'.
"W-wala po, Tatay" tingin ko sa labas ng bintana. Bakit ba kasi naiinis ako kapag naiisip ko yung sinabi niya?.
~~~
Nang huminto ang sasakyan sa tapat ng bahay namin agad akong bumaba ng sasakyan para pumunta sa sasakyan ni Zhynly para alalayan siya. Pagkababa nila binuhay ni Tito Duke si Zhynly at lumapit ako sa kanya.
"Sorry talaga, Zhynly" hindi ko akalain na ganun ang mangyayari sa kanya ng dahil sa akin.
"I'm fine, Cous" Naglakad na sila papasok ng bahay. Nakita ko naman si Jacob na paika-ika sa paglalakad papunta sa akin habang naka-alalay sa kanya si Kelly.
"Jacob, I'm sorry"
"Ayos lang ako, wag kang umiyak dyan" akbay niya sa akin kaya nilagay ko yung kamay ko sa bewang niya para alalayan rin siya. Maga pa ang mukha niya dahil sa ginawa ko.
"Hindi naman ako umiiyak eh!" hawak ko sa mga mata ko. "Sige na, Kelly ako bahala sa isang 'to" ngiti ko.
"Sige po, Young Lady" Pumasok na kami sa loob ng bahay para ipagamot sila kay Tita. Tumulong na rin ako sa pag-aasikaso sa kanila.
"Sweetie, magbihis kana. Kanina ka pa dito tumutulong marami ka rin naman mga pasa" sabi ni Nanay.
"Ayos lang ako, Nanay. Magbibihis na lang po ako"
"Sige, dalian mo at bumalik ka agad dito" sabi niya. Naglakad na ako papunta sa kwarto ko.
~~~
Pagkatapos kong makapagbihis napansin kong nagba-vibrate yung phone ko sa ibabaw ng drawer. Lumapit ako para tignan kung sino ang tumatawag. Amber Ice
Paano siya nagkaroon sa akin ng number. "Hello!"
"Hi! Twilight"
"Ate Ai, ikaw ba 'to?"
"Yes my dear. How are you?"
"I'm fine, thank you"
"Hahaha! Your so cute talaga"
"Bakit ka napatawag Ate Ai?"
"Si Cloude kasi" 'Yes. I loved her so much, she's my angel now'. Tss!
"Si Cloude kasi nasa hospital, pwede ka bang pumunta dito?" Paano sila Zhynly at Jacob?. Ayokong iwan sila dahil ako ang may kasalanan ng nangyari sa kanila.
"Sorry Ate Ai, hindi ako makakapunta"
"Ahh! Okey. Why ba?"
"May emergency rin kasi dito sa bahay, pakisabi na lang kay Hollis magpagaling sya"
"Okey! bye"
"Bye"
Lumabas na ako sa kwarto ko.
* * * * * *
Cloude Yule's POV
Nakapikit lang ako nang marinig ko si Ai na may kausap.
"Si Cloude kasi nasa hospital, pwede ka bang pumunta dito?" sino bang kausap?
"Sorry Ate Ai, hindi ako makakapunta" Napadilat ako ng marinig ko ang boses ni Twilight. Lumayo si Ai sa akin.
"Ahh! Okey-"
Nakatingin ako kay Ai ng lumapit na siya sa akin.
"Anong sabi ni Miss Twilight?" tanong ni Rexie.
"Hindi sya makakapunta. Siguro galit sya kay Cloude, kung anu-ano kasi ang sinasabi" She rolled her eyeballs.
"Ano ba kasing ginawa mo, Cloude?" Mike asked me.
Hindi ko sinagot si Mike sa tanong nya, tumingin lang ako sa bintana ng hospital. "I want to go home" tingin ko kay Ai at nagulat ako ng makita ko si Sky.
"S-Sky?" napaupo ako sa kama.
"Babe!" lumapit siya sa akin at niyakap ako. I hug her too.
"Am I dreaming?"
"Of course not. I'm here, I missed you!. I'm sorry if I left you without a word." yakap niya sa akin.
"You don't need to be sorry. I'm glad you're here again." Tinignan ko ang mata nya at ang mukha nya. My Sky.
"Lalabas muna kami"
"Akala ko patay kana, akala ko--" She kissed me.
"I'm alive and that's all that matters." tingin niya sa mukha ko. "Do you still love me? right?"
'I like you' bigla kong naalala si Smith kaya napaiwas ako ng tingin kay Sky. Anong gagawin ko?
"Ehemm! Excuse guys!. And who are you, b***h?" turo ni Ai kay Sky.
"I'm Sky, Ate Ai. Don't tell me nakalimutan mo na ako?" She stood up and looked at Ai.
"Oww! Gusto ko nga sana eh!" nakangiti pa si Ai.
"Ai, shut up!" masamang tingin ko sa kanya. Hindi naman siya ganyan kay Sky noon.
"Bakit ang rude mo sa akin? May mali ba akong ginawa sa'yo Ate Ai?"
"I'm sorry, Skyler. Kung ikaw nga talaga iyan, o kung ikaw pa ba talaga ang kilala kong Skyler. May mga taong nagpapabago ng mukha para makuha ang gusto nila" tingin ni Ai sa akin.
"Believe me, I'm your only Sky, Babe." tumingin sya sa akin. "I didn't say goodbye to you dahil hindi ko alam kung anong nangyari sa akin. I don't remember you. But now I remember my boyfriend so I came back, for you." 'Paano kung hindi naman pala sya si Sky? Masaya akong makita sya ngayon, pero bakit parang may mali sa nararamdaman ko?'
"I am happy to see you... Still alive." hawak ko sa kamay niya.
"I'm sorry, Sky" sabi ni Ai at niyakap nya pa si Sky.
"It's okey, Ate Ai."
"Paano mo nalaman na nandito ako?"
"To my sister, kay Autumn" I know her.
"Paano naman nya nalaman na nandito si Cloude?" tanong ni Ai.
"Uhh--I don't know" Lumapit siya sa akin at niyakap ako. "I missed you"
"I missed you too" I hugged her back. Mas lalo akong naguguluhan ngayon sa nararamdaman ko. Paano kapag nalaman ni Twilight na buhay pa si Sky?.
* * * * * *
Kelly Ann's POV
Abala kami sa pag-aasikaso ng ilan sa mga tauhan ni Boss. Pagkatapos kasi nang pakikipaglaban nila sa Young Lady ay nabugbog sila nito. Humanga kaming lahat sa pakikipaglaban niya, huli na nang makita ko iyon sobrang galing niya sa pakikipaglaban. Tama nga ang binigay niyang pangalan sa pangalan. Assassin Princess. 'She is indeed an Assassin Princess'
Napatingin ako kay Jacob na bugbog ang mukha pero mukhang masaya pa rin ito habang nakikipagkwentuhan kay Zhynly. Napabuntong hininga na lang ako at umiwas sa kanila ng tingin.
"Kelly Ann, let's talk" hila sa akin ni Lady Sunlight. Pumunta kami sa taas kung nasaan ang library nila. "May impormayon ka bang nakuha?"
"Tungkol po sa anak ni Mr. Harwell, bumalik na po siya sa bansa. At nalaman ko rin po na balak niyang magkipagkita sa anak ni Mr. Hollis. May nakapagsabi rin po sa akin na alam na ng mga Hollis ang tungkol sa anak ni Mr. Harwell" paliwanag ko. Ang akala ng lahat na patay na ang panganay na anak ni Mr. Harwell ngunit tinago lang nito ang anak sa ibang bansa.
"Salamat sa impormasyon mo. Ipagpatuloy mo lang ang pagsunod sa kanila lalo na't nagiging malapit na si Twilight sa kanila"
"Hindi ninyo po ba sasabihin ito sa Young Lady?"
"Hindi muna. At sana sa atin muna ito"
"Opo" Napatingin ako sa kanya dahil namumutla siya. "Lady Sunlight, kailangan nyo na po siguro-- Lady!" agad syang natumba, mabuti na lang at nahawakan ko siya.
"What happened?" Agad binuhat ni Boss si Lady Sunlight. "Papuntahin mo si Sunshine sa kwarto namin"
"Opo" tumakbo na ako papunta sa baba.
* * * * * *
Twilight Sky's POV
Gusto ko sanang puntahan si Hollis sa hospital para malaman kung anong nangyari sa kanya. Kaso, gusto ko munang masigurado na okey na sila Zhynly at iba pang mga tauhan ni Tatay. Gusto kong magpunta kay Nanay na nasa library kasama si Kelly, para magpalam na pumunta kay Hollis dahil mukha okey na naman sila Zhynly. Nagkwe-kwentuhan na nga sila at parang walang iniindang sakit.
"Cous, hindi ka mapakali dyan?" nakaupong sa couch tanong ni Zhynly habang magkalapit sila ni Jacob.
"Nasa hospital daw kasi si Hollis" nakita kong napatingin silang lahat sa akin. Mga chismoso naman ang mga ito.
"Gusto mong puntahan ang superhero mo?" Asar niya sa akin. Sinabi sa akin ng Gossip girls na si Hollis pala ang taong sumalo sa akin noong sinambunutan ako ni Autumn. Siya ang dahilan kaya hindi ako napahiga sa sahig.
"Oo sana!"
"Ikaw ha? Luma-lovelife kan, Bella" ngiting lapit sa akin ni Jacob.
"Luma-lovelife ka dyan!. Gusto ko lang kamustahin yung tao!"
"Edi, mag-paalam ka kay Tita at Tito" Napatingin ako kay Kelly na bumaba sa hagdan at hindi niya na kasama si Nanay. Nakita kong bumulong siya kay Tita Sunshine at nagmamadali silang umakyat sa hagdan.
Bigla akong kinabahan. "Cous!" tawag ni Zhynly.
"O?" tingin ko sa kanya.
"Ayos ka lang?"
"Oo, magpapaalam lang ako kay Nanay at Tatay" madali ako naglakad pataas.
"Damn you Harwell! I kill you!" rinig kong sabi ni Tatay. Harwell?.
"Tatay..." lapit ko sa kanya. "Si Nanay po? gusto ko sanang magpaalam--" Parang may mali?.
"She--" naglakad ako papunta sa pinto ng kwarto nila at binuksan ito. Nakahiga si Nanay at namumutla ang mukha niya.
"Nanay... Tita Sunshine, ayos lang naman sya diba?"
"She's fine" sabi ni Tatay na nasa likod ko. Ngumiti ako at hinawakan ang kamay ni Nanay.
"Kailangan lang niyang masalinan ng dugo. Nagpakuha kana ba, Dark?." napatingin sa akin si Tita. "Don't worry, she'll be fine."
"Yeah! I know my Nanay. She's a strong women"
"What did you say again?" tanong ni Tatay. Si Hollis, nasa hospital pero mas kailangan ako ni Nanay ngayon.
"Wala po, tatay" iling ko. Itetext ko na lang kay Hollis, kung kumusta na sya. "Wait lang po" lumabas ako at pumunta sa labas.
To: Hollis
Uy! Babaita, sorry hindi kita pinuntahan, may emergency kasi. take care.
Sent.
After five minutes wala pa rin syang textback.
To: Hollis
Uy! Lalaking mukhang babae, wag kanang magalit.
Sent
Hinintay ko ang text niya pero wala. Kahit hindi naman kami magkakilala noon nagrereply sya agad at nangungulit pa siya. I decided to just call Ate Ai.
"Hi! Dear"
"Ate Ai, kamusta na si Hollis?"
"His fine"
"Tulog ba sya?"
"Hindi naman. Why did you miss him?"
"Hehe! Nagtext kasi ako sa kanya, nabasa nya kaya? Pupunta sana ako kaso si Nanay kasi..."
"What happened to your mother?"
"Ahh! ehh--" gusto ko sanang ikwento sa kanya kaso may narinig akong boses na nagkikipagharutang babae. Si Hollis ba yun? "Ate, may maharot bang babae dyan?"
"W-What?. Kakalabas ko lang kasi, baka yung mga tao dito"
"Ahh!..."
"My daughter" tawag ni Tatay nang sumilip sa akin at agad rin naman pumasok sa loob.
"Sige, ate tawag na kasi ako ni Tatay, sabihin mong sa kanya na--"
"That you love him too?"
"Ate Ai, hindi. Sabihin mo basahin niya yung text ko tyka magreply siya at magpagaling siya agad. Bye ate"
"Bye, Dear" I hang up my phone.
Bago ako naglakad papasok tinignan ko muna kung may nagtext sa akin pero wala kahit isa. Pumasok na ako sa kwarto nila Nanay at nakita ko na wala pa rin siyang malay. Kailangan kong malaman kung sino si Harwell, bakit niya ito ginagawa? may galit ba siya kay Tatay?.
* * * * * *
Amber Ice's POV
Naiinis ako kapag nakikita ko si Sky ngayon, alam ko na may tinatago siya sa amin at lalo na kay Cloude. Kailangan ko pa tuloy makipag-plastikan sa kanya. Grr!
"Babe, may tatawagan lang ako ha?"
"Okey" nakita kong ngumiti sa kanya si Cloude at tumalikod na siya. Nakita ko ang kakaibang ngiti niya habang naglalakad papuntang pinto.
'Let's play! Plastikan na 'to!' "Babalik ka agad ha?" ngiti ko sa kanya na may halong kaplastikan. "Baka kasi ma-miss ka ng kapatid ko"
"Yes, ate Ai." sagot niya at lumabas.
Tinignan ko ang ilalim na pinto para nasigurado na wala na siya at lumapit ako kay Cloude. "Nagtext daw sa'yo si Twilight"
"What?!" agad siyang napatayo at hinanap niya ang cellphone niya na nasa gilid lang ng kama niya. "Wala naman syang text" tingin niya sa akin ng masama. "Niloloko mo ba ako?"
"Hindi ha? tumawag pa nga sya akin o? tignan mo" pakita ko sa phone ko. "Magpagaling ka daw agad. May emergency lang sa kanila kaya hindi sya nakapunta"
"Emergency?"
"Yes, may nangyari yata sa Nanay nya, kaya itext mo na"
"But- wala syang text?"
"Hay nako! my little brother, mag isip ka kaya" I rolled my eyes. "Duh! Akala ko naman kumukuha ka ng information about sa-- Tawagan ko lang si Clarkson"
"Anong ibig mong sabihin?"
"Find out." lumabas na ako, nakasalubong ko naman si Sky. "Ikaw muna mag-alaga sa kapatid ko ha?"
"Of course, ate"
"Your so sweet" I hug her. Sweet na nilalangam. Yaks!.
"Guys! tara na" baling ko sa tatlo. "Alis na kami" tingin ko kay Sky.
"Ingat kayo" kaway nya. She had an angelic face pero may tinatagong masama.
"Okey" naglakad na kami paalis habang nakasunod sa akin ang tatlo.
"Rexie, bantayan mo si Cloude, baka lasunin ng babaeng yun. Alam ko magaling ka dyan" Hindi ko kasi siya napapansin minsan, kaya sana magamit nya yun.
"Sabi na kaplastikan lang yun eh" Mike said.
"Travis, more information about Harwell's daughter"
"At ikaw naman, bantayan mo si Autumn Lacson"
"Yun ba yung umaaway kay Miss Twilight ha?"
"Yes, wag mo syang sasaktan, babantayan mo lang sya"
"Ayoko nga!"
"Anong ayoko nga?!. Sige na!" pagtataboy ko sa kanila para maghiwalay-hiwalay na kami. Pagkapasok ko sa sasakyan ko tinawagan ko si Clarkson.
"Hon" sagot niya.
"Nasaan ka?"
"N-Nasa bahay, pupunta ka dito?"
"Hindi, kinakamusta lang kita"
"Bakit ganyan ka makipag usap?"
"Wala naman"
"Tell me, did something happen?"
"Nothin, bye! I missed you"
"I love you" sabi ko. Pagkatapos ng pag-uusap namin ay ninaandar ko na yung sasakyan paalis sa hospital.
* * * * * *
Cloude Yule's POV
Pinagmamasdan ko lang si Sky habang nakaupo siya sa upuan nasa gilid ng kama ko at pinaglalaruan niya ang kamay ko. There's something different about her now.
"Yule, is there a problem?" tingin niya sa akin.
"Nothing" iling ko. Napatingin ako sa phone ko nang maalala ko na hinawakan iyon ni Sky sandali at binalik rin. Kung totoo man na nagtext sa akin si Smith, maaaring si Sky ang nagbura ng text message ni Smith. Pero bakit naman niya buburahin ang text message ni Smith?. Nagseselos ba siya tulad noon? Pero, Smith lang naman ang nakalagay sa pangalan?.
Kamusta kaya si Smith? Ano kayang tinext sa akin ni Smith? Nag-aalala kaya siya sa akin?. Napatingin ako kay Sky na may sinasabi siya sa akin.
'Find out.' bigla kong naalala ang sinabi ni Ai. Malalaman ko rin kung ano ang ibig niyang sabihin. Alam kong may nalalaman siya na hindi ko alam.
"Hey! Are you listening?"
"Ha?"
"Wala, surprise na nga lang. You want to eat?" she asked.
"Hindi na, magpapadischarge na ako dito. Gusto ko nang umuwi" I said.
"Yule, Do you love someone else?" I looked at her, she was like that when she was jealous.
"Meron akong gustong tao" I said. Gusto lang ba?.
"I understand, matagal na naman akong nawala eh! It's normal. But I know, you still love me, right? Yule?"
"Yes, I love you"
"Great! I love you too" Niyakap niya ako. "Sino naman yung gusto mo?" she whispered. "Sino naman yung like mo? please, tell me"
"Wag na" ngiti ko sa kanya. Baka guluhin pa niya si Twilight dahil sa selos niya.
"If that's what you want. What matters to me is that you still love me." she hugged me and I hugged her.
* * * * * *
.
#21
#TMAPaP
#EllyM.E.
IAmElainah
===Elainah M.E===