Chapter 20

2694 Words
Chapter 20: Pippa Zhynly's POV Naglakad ako papasok ng bahay nila Twilight habang nakapantay ang mga bodyguard sa labas na dati ay wala naman. Membro sila ng Darklight ayaw na ni Boss iwan ang kanyang Reyna at ang kanyang Prinsesa ng nag-iisa. Lalo sa panahong na dilekado ang mga ito. Ang mga kalapit nila Twilight na bahay ay ilan sa pag-mamay ari ni Tito Dark. At sigurado ako hindi pa yun alam ni Twilight dahil masyado siyang abala sa kanyang training. Nakatira sa mga bahay na malapit sa kanila ang ilang myembro ng Darklight para bantayan ang pamilya ng aming boss. "Hi! Tita Ninang!" lapit ko kay Tita Ninang para makipag-beso. "Si Cous po?" tanong ko. Gusto ko lang kamustahin ang date niya sa kanyang first crush. Akala ko binibiro niya lang ako ng sabihin niya na si Cloude pa lang ang unang crush niya. Akala ko isa kanila Jacob at Homer ang naging crush niya pero mali pala ako. Kaibigan lang kasi ang tingin niya sa dalawa. "Nasa underground pa" "Nagta-training po sila ni Tito Ninong?" I asked. "Hindi, siya lang mag-isa. Wala ang Tito Ninong mo ngayon may meeting siya ngayon. Tunkol sa event ng Mafia Assassin" "Ahh!.. Ganun po ba?. Tita, pwede po bang akong pumunta sa underground?" nakangiting tanong ko. "Oo naman. Tara, sasamahan na kita" naglakad na kami papunta sa malaking painting. "Ang mama mo nasa Hospital ba?" "Wala po, nasa safe house. Tinitiganan niya ang mga nasugatan sa nakaraang ikwentro. One week na pala yun" I pouted. "Oo nga eh! buti daplis lang ang nangyari sa akin, mabuti wala dito si Twilight nang nangyari yun" nakangiting sabi niya. Bumukas ang elevator at mabilis kaming nakababa sa underground. "Akyat na ako sa taas, ikaw na ang bahala kay Twilight ha?" "Yes, Tita. Magpahinga kana rin muna" Alam kong hindi lang daplis ang tama ni Tita dahil narinig ko sila Mama at Papa na maraming siyang nawalang dugo. "May alam ka ba?" "Narinig ko lang po kala Mama at Papa. Sorry po" yuko ko. "Wag mo lang sasabihin kay Twilight, alam na rin ni Dark 'to. Mas mabuti pa na hindi niya malaman. I trust you, Zhynly" "Yes, Tita" tango ko. Lumabas na ako ng elevator at umakyat naman si Tita. Tinext ko muna si Mama para makapunta siya dito at ma-check up na rin ang kondisyon ni Tita Sunlight. Naglakad na ako papunta kay Twilight at nakita ko siyang pawis na pawis, habang sinusuntok ang malaking punching bag sa kanyang harapan. "Nandito ka pala Zhynly, anong ginagawa mo dito?" seryoso ang mukhang tanong niya. May problema ba sya?. "Gusto lang kitang makitang magtraining. Wala pala si Tito 'no?" Nakita kong maraming pasa siya sa katawan. Mahirap talaga ang training kay Boss hindi basta-basta na tulad sa ibang nagturo sa akin noong papasok pa lang ako sa Darklight. "Ahh! Gusto mo bang lumaban sa akin?" "Lumaban sa iyo? you mean? Sparing tayo?" "Kung gusto mo lang naman. Pero kung ayaw mo, may kilala ka ba na pwede mong tawagan para makalaban ko? Gusto ko lang kasing makita ang kakayahan ko" "Kung gusto mo sa safe house maraming magagaling na assassin doon. At doon " "Gusto ko sana kaso, walang kasama si Nanay" "Pupunta si Mama dito, kung gusto mo hintayin na natin sya tapos pumunta na tayo doon" "Bakit may nangyari ba kay Nanay?" alalang tingin niya sa akin. "Okey lang si Tita 'no?!" I lied. "Pupunta lang dito si Mama para kamustahin si Tita Ninang. Masyado kang namang worried" "Sige hintayin na lang natin si Tita" Naglakad na sya papunta sa may pinto. "Dyan ka lang?" "Ofcouse not. I'll go with you" lakad ko papunta sa kanya. ~~~ Nang makaakyat na kami naglakad si Twilight papuntang kwarto niya kaya sumunod ako sa kanya. "Bihis lang ako" pasok niya sa banyo. Naupo naman ako sa kama nya habang nakatingin sa cellphone ko. * * * * * * Amber Ice's POV Tanghali na pero hindi ko pa rin nakikita si Dad at Cloude na bumaba. "Amber, Anong problema mo?. Bakit ganyang ang mukha mo?" tanong ni Mom. "Where's Dad and Cloude?" "Ahh! Yung Dad mo may inaasikaso kasama si Grayson. Si Cloude maagang lumabas. Baka nasa safe house lang" Last time na ganitong kaaga si Cloude umalis pumunta ng safe house ay first death aniverssary ng girlfriend. Kung dead ba talaga. "Mom, can I go there?" "Pwede naman, nandito naman ang ibang tauhan ng Dad mo" she said and smile at me. "Okey" I kissed her cheek. "Bye!" "Wag mo munang sasabihin sa kanya" tingin sa akin ni Mom. "Yes. Mom!" lumabas na ako at sumakay sa sasakyan ko. ~~~ Pagkarating ko sa safe house nakatingin sa akin ang lahat ng tauhan ni Dad. "Problem?" taas kilay ko sa kanila dahil hindi naman sila ganito kapag dumarating ako. "Sorry Miss Amber Ice, si Mr. Cloude po kasi, nasa loob at binugbog halos lahat ng tauhan nyo" Mr. Ab explained. "WHAT?!" Agad akong naglakad papasok at nakita ang mga nakahandusay na tauhan mga tauhan ni Dad. Bugbog silang lahat dahil ba nirerespeto nila si Cloude o talagang malakas lang siya ngayon?. "What's your problem, Future Leader?" lapit ko sa kanya at agad sinipa sya sa mukha nya na madali namang nakaiwas. "Are you insane?" Ang aga-aga pa pero amoy alak na siya, pero mukhang matino pa naman ang pag-iisip nya. Siguro?. "I-I am not your future leader!" "You're right, dahil wala kang kwentang maging leader kung ganyan ka" sundok ko sa mukha niya. "Tss!" hawak niya sa pisnge nyang natamaan. "Tell me! what is your problem? or else I will hit your face until it worse!" Sipa ko sa bewang niya, sa mukha niya at kung saan-saang parte ng katawan niya. Pero hindi siya umiiwas sa mga sundok at sipa ko. "Sinabi ko kay Twilight na I like her" Napahinto ako sa sinabi niya. At Basted siya? "I'm sorry" punas ko sa mukha niya may dugo. He likes Twilight, I like her too pero bakit namomoblema sya? Basted ba sya?. Napag-alaman kong anak si Twilight ng isang Mafia Assassin Leader. Hindi ko 'yun inaasahan malaman, dahil naghahanap lang ako ng impormasyong tungkol sa mga Harwell pero isa ang impormasyon nya sa nalaman ko. "Anong problema? Nabasted ka?" "But I still love Sky. At nasabi ko rin yun sa kanya" sabi nya na ikinagulat ko. Malakas na sampal ang ibinigay ko sa kanya pagkatapos kong marinig ang sinabi niya. "Tanga ka ba talaga?" "Yes, I think I am. Narinig ko rin ang sinabi nya na, like ko lang sya pero I still love Sky. Hindi ko alam ang gagawin ko, mali yatang sinabi ko pa sa kanya." "Buti na iintindihan mo ang mga katangahan mo. Tss!." tulak ko sa kanya. "Answer me, Do you still love Sky, Cloude?" tingin ko sa mata niya. "Of course" "Okey, pwede mo namang sabihin kay Twilight na you like her. Pero ang sabihin mo sa harapan niya na mahal mo pa rin hanggang ngayon si Sky pagkatapos mong sabihin na gusto mo siya. Aba! Cloude, ano yun, pinasaya mo tapos sinaktan mo?!. Big time!. Kung ikaw ang nasa kalagayan ni Twilight alam mong masasaktan ka rin. Ang tanga!" Gusto ko pa siyang sapakin pero naaawa na ako sa mukha niya na duguan na at lalo nasa pinagdadaanan niya ngayon. Naguguluhan lang siya sa nararamdaman nya ngayon. "I think I love her" bulong niya. "Sino si Sky?" I rolled my eyes. "Smith" Tumumba na sya at saktong tumama ang ulo nya sa tuhod ko. I sighed. "Help me! guys!" I shouted. "Miss Amber Ice, pinatay nyo po si Cloude?" lapit ni Rexie sa amin. "Damn you. Gusto mong ikaw ang patayin ko. Buhatin mo si Cloude!" utos ko. Ginawa niya naman. "Sa hospital na lang natin sya dadalhin" lakad ko palabas. "Tawagan nyo ang private doctor para gamutin ang lahat ng nandito" 'I have a plan' nangiti ako sa naisip ko. * * * * * * Twilight Sky's POV Hindi ako natutuwa sa mga tauhan ng Darklight, mukhang pinagbibigyan lang nila ako dahil ako ang anak ng Boss nila. Kunwari lang yata sila nasasaktan kaya mabilis akong nagpapalit ng kakalabanin. "Wag nyo na ako pagbigyan. Nakakainis naman eh!" nakasimangot na tingin ko sa kanila. Gusto kong ibigay ang buong lakas ko pero sumusuko agad sila sa akin. "Cous, hindi ka nila pinagbibigyan. Masyado kanang malakas!" sabi ni Zhynly. "Ibig sabihin mahihina lang ang tauhan ni Tatay?-- I'm sorry guys" Napatingin ako sa mga tauhan ni Tatay, pero umiwas lang sila ng tingin sa akin. Alam kong mali ang sinabi ko sa kanila. Hindi ko nga rin alam kung bakit ako nagkakaganito, parang ang init ng ulo ko. "Ako na lang muna ang lalaban sa'yo" lapag ni Zhynly sa gamit niya. Nakatingin ako sa kanya habang papaakyat ng ring. "Young Lady" yuko niya. Ibig bang sabihin niya kakalabanin niya ako bilang anak ng boss nila. Yumuko rin na ako. Nakatingin kami sa isa't isa para alamin kung sino ang unang susugod sa amin. Nauna akong sumugod sa kanya at agad siyang umiwas kasabay ng pag-siko niya sa tagiliran ko. Sobrang sakit kaya napatingin ako kay Zhynly na mukhang seryoso talaga sa laban. 'Wag mong ipakita na nasasaktan ka sa mata ng kalaban' naalala ko ang sinabi ni Nanay. Tumingin ako sa mga mata ni Zhynly at nakita kong biglang naiba ang mga mata niya. Nakita ko ang takot na nakatago doon at bigla siyang sumugod sa akin, na madali kong naiwasan. Sinipa ko siya sa hita niya na naging dahilan ng pagka-out of balance niya. Madali akong umikot sa likod niya at inikot ang mga braso niya papunta sa likod. Nakadikit na ang mukha niya sa sahig at mukhang wala na siyang laban. "We're not done yet" She said. Malakas ang persa binigay niya kaya nawalan ako ng balanse. Nakalayo siya sa akin at mabilis niya akong sinipa ng malakas. At nang makalapit siya sa akin siniko niya ako. * * * * * * Pippa Zhynly's POV Nakakawala ako sa kanya pero nalalasahan ko na ang dugo ko labi ko. Hindi ako makapaniwala na ganun siya kalakas, mabilis niya rin naiiwasan ang suntok at sipa na pinapakawalan ko. Alam kong nasasaktan ko siya sa mga tama ko, pero napapagod na ako dahil buong lakas kong binibigay sa laban namin. Bigla siyang sumipa at hindi ko naiwasan kaya tumumba ako. Napamaan ang mukha ko kaya may nalasahan akong dugo dahil tumama ang sipa niya sa mukha ko. "Zhynly?..." kita ko ang pag-aalala sa mukha niya kaya agad ko siyang sinipa sa mukha. Alam ko na gusto niyang malaman kung gaano siya kalakas at ganun rin ang gusto ko. Gusto kong makita ang lakas niya pero sa tingin ko hindi ko na kaya. Bugbog na ako at ilang tauhan na rin ang dumaan sa kanya pero bakit ganun pa rin siya kalakas. * * * * * * Duke Piter's POV (Pippa Zhynly's Father) Hininto ko ang sasakyan sa tapat ng safe house. Kakatapos lang ang online meeting ni Dark kabilang na ang ibang leader ng organisasyon. Gumawa na rin kami ng plano para sa kaligtasan ng anak niya. Kabilang sa mga nagplano ay ilang sa membro ng Darklight. Base sa meeting ni Dark, pupunta ang lahat ng membro ng Mafia Assassin Organization. "She's here?" tanong ni Dark. Napatingin ako sa sasakyan ni Twilight. Mabilis siyang pumasok kaya sumunod kaming dalawa ni Jacob. Napahinto ako sa paglalakad ng makita ko ang magpinsan na naglalabanan sa loob ng boxing ring. Nakatingin lang si Dark sa pinapakitang kilos ng anak niya at mukhang hindi nila napansin na nanonood na rin kami. Nakita ko na nakakasabay si Pippa sa pinsan niya pero halatang nahihirapan na siya at mukhang pagod na rin. Nanlalaki ang mata ko ng makita ko ang pagsuka ni Pippa ng dugo. Hinihintay kong ipahinto ni Dark ang laban ng dalawa. "Twilight, stop it!" Malakas na sabi ni Dark. Tumahimik ang lahat kaya tumakbo ako papalapit kay Pippa. "Papa" nakangiti siya habang nakatingin sa akin. * * * * * * Twilight Sky's POV "Papa" nakangiting tingin ni Zhynly kay Tito Dark. Bigla akong natauhan sa mga nangyari lalo na nang makita ko ang dugo sa labi ni Zhynly. "Zhynly!" lapit ko sa kanya. "Sorry" "Okey lang ako, ang lakas mo" nakangiting sabi nya. "Tara pumunta na tayo sa Mama mo" tinayo ni Tito si Zhynly. Lumapit rin si Jacob kay Zhynly para alalayan ito. "Jacob" tingin sa kanya ni Zhynly. "Cruz, fight with her. Gusto kong makita kung may natutunan ba sya sa training namin." nakatingin sa kin si Tatay. "Mukha pagod na po sya" sabi naman ni Jacob. "Gusto ko pong makita Papa ang laban nila" sabi ni Zhynly. "Pero--" "Sige na, Jay! hindi pa naman ako pagod promise" sabi ko kay Jacob. "Dalawang linggo na ang nakalipas ng magtraining kami. Gusto kong makita kung gaano na sya kalakas at hanggang saan kakayahan nyang makipaglaban. Kung manalo sya, ikaw ang matuturo sa kanya kung paano gumamit ng mga baril." Nanlaki mata ko sa sinabi ni Tatay, tuturuan na niya ako kung paano gumamit ng baril?. Tinignan ako ni Jacob at parang nagdadalawang isip pa rin. "Sige, Boss" kamot ni Jacob. "Young Lady" yuko niya. "Wag mo ako pagbibigyan, mas lalo kang masasaktan sa akin" sabi ko at yumuko. Nagpapakiramdaman kaming dalawa ni Jacob kung sino ang unang susugod. Nakakainis dahil pakiramdam ko gusto niya ba ako ang maunang sumugod. Lagi nalang ba ako ang mauunang susugod?. Medyo masakit na ang katawan ko dahil sa laban namin ni Zhynly. Kailangan kong manalo para makahawak na ako ng baril. Inambahan ako ng suntok ni Jacob kaya agad kong hinuli ang kamay niya at hinala ito. Ngunit malakas siya at malaki ang katawan niya sa akin kaya mabilis siyang nakawala sa pagkakahawak ko sa kanya. Nakalagay na ang kamay ko sa likod ko at nasa likod ko na si Jacob na hawak ang isang kamay ko. "Sumuko ka na lang, Bella" bulong ni Jacob sa tenga ko. Tumagilid ako para sikuhin siya sa dibdib kaya nakawala ako sa kanya. Mabilis kong inapakan ang magkabilang hita niya at agad siya tinuhuran sa mukha niya. 'I like you' bigla kong naalala sa bulong ni Hollis sa akin. Hindi ko namalayan na nahulog na pala ako at naramdaman ko ang kirot sa likod ko. Tumayo ako pero naramdaman ko ang pagsipa ni Jacob sa tagiliran ko na ikinatumba ko. 'Yes. I loved her so much, and I know she's my angel now'. Pinilit kong tumayo at laban si Jacob sa abot ng makakaya ko. * * * * * * Pippa Zhynly's POV Maganda ang pinapakitang laban nila Jacob at Twilight. Kita ko naman na hindi siya pinagbigyan ni Jacob at pero maingat pa rin si Jacob na hindi gaanong masaktan si Twilight. Tinamaan ni Jacob si Twilight pero nakatayo pa rin ito at mukhang ibinubuhos na ni Twilight ang lahat ng lakas niya para labanan si Jacob. Napansin ko na biglang nag-iba ang tingin ni Twilight kay Jacob. Mukhang malalim ang nasa isip niya, napansin kaya yun ni Tito Dark? Tumingin ako kay Tito Dark habang seryosong nanonood sa dalawa. Binalik ko ang tingin ko sa dalawang naglalaban. Pareho silang mabilis ang kilos, iwas, sipa, tadyak, at suntok ang pinapakawalan nila sa isa't-isa. Hanggang sa masipa ni Twilight si Jacob sa mukha at lumapit pa siya dito para suntukin. Sumenyas na si Jacob na suko na siya pero mukhang hindi yun pansin ni Twilight. "Stop! Twilight!" malakas na sigaw ni Tito Dark. Napalingon si Twilight sa kanya at tumingin kay Jacob. Kita ko ang gulat sa mukha niya ng makita ang kalagayan ni Jacob. "Panalo na po ba ako?" nakangiting tingin ni Twilight kay Tito na parang hindi ramdam ang mga tama niya sa katawan. "Yes. Let's go home" lapit ni Tito kay Twilight. Nilagay ni Tito Dark ng jacket si Twilight at inalalayan ito na lumabas. "Ang lakas ni Twilight, kakaiba na siya" lapit sa akin ni Jacob at ngumiwi. Maga ang mukha niya dahil sa sundok ni Twilight. "Pero, napansin ko na may malaking iniisip si Twilight habang naglalaban kami" "Napansin mo rin pala" Ano ba kasing nangyari sa isang yun?. Ano yung iniisip niya habang nakikipaglaban siya kay Jacob?. * * * * * * . #20 Thank you! #TMAPAP #EllyM.E. IAmElainah ===Elainah M.E===
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD