Chapter 19:
Third Person's POV
Ilang araw ang lumipas. Marami nang natutunan si Twilight sa tulong nang kanyang magulang. Sometimes she just wants to give up dahil sa mga sakit at sugat na nakukuha niya. Hindi nga naging madali ang training nila, katulad ng sinabi ng kanyang ama, pero kinaya naman ni Twilight ang lahat. Sa tuwing naalala niya ang ilang taon pag-propotekta ng mga magulang sa kanya ay nagkakaroon siya ng lakas ng loob upang ipagpatuloy ang lahat ng kanyang nasimulan. Para maprotektahan ang kanyang sarili at maprotektahan ang mga mahal sa buhay.
Alam ni Twilight na alam na ng kanyang ama kung sino ang nasa likod ng ikwento sa bahay nila na naging dahilan kaya nabaril ang kanyang ina. Kahit nakita na niyang gumaling ito, hindi pa rin nawawala sa isip niya ang namumutla nitong mukha dahil sa sugat na natamo nito. Sa tuwing naalala niya ang mukha ng ina, gusto niyang gumati sa taong iyon kahit hindi pa kilala kung sino iyon.
Ngunit sa kabila ng lahat ng kanyang kagustuhan makaganti, hindi ipinaalam ng kanyang ama kung sino ang nasa likod ng lahat ng pangyayari. Pinag-pokus siya nito para mapalakas ang kanyang katawan at maging matibay ang kanyang loob kung ano man ang mangyari sa hinaharap.
Kahit tanungin ni Twilight sa kanyang pinsan at kaibigan kung sino ang taong nasa likod ng ikwentro, tikom ang bibig ng mga ito. Alam niyang takot ang mga ito sa kanyang ama, at hindi niya naman masisisi ang mga ito dahil iyon ang ito ng kanyang ama. Nang kanilang Boss.
~~~
Mag-isang lang si Twilight sa garden ng kanilang campus habang binabasa ang binigay sa kanyang topic ni Cloude. Maaga siyang pumasok para pag-aralan ulit ito kahit nanakit ang katawan niya.
Napalingon siya sa taong tumabi sa kanya at nakita niya si Cloude. "Uy! Hollis" tingin nya rito at binuksan lang nito ang laptop. Bumuntong hininga lang siya at binalik ang tingin sa papel.
"Are you ready?"
"Oo naman, binabasa ko lang ito, para wala akong makalimutan." taas niya sa papel. Napangiti ni Twilight dahil sa paglipas ng araw nagiging malapit na ito sa kanya at ang mga kaibigan nito. Kahit ilang araw pa lang ang nagdaan, kapag nakikita kasi siya ng mga ito sa school binabati o nginigitian siyq ng mga ito. "Baka magalit ka pa kapag nagkamali ako"
"Don't worry, hindi ako magagalit sa'yo." ngumiti si Cloude. Tumawa si Twilight, dahil nawe-weirdan na naman siya sa katabi. "Why?" tingin nito sa kanya.
"Wala lang ang weird mo lang ngayon"
"I'm not weird"
"Oo na nga lang" hinarap ni Twilight yung papel sa mukha niya.
~~~
Nakatingin si Cloude sa suot ni Twilight, mainit kasi ang panahon pero naka-jacket ito. "Hindi ka ba naiinitan?" tanong niya rito.
"Hindi naman" tanggal nito sa papel. "Mahangin naman ah!" lingon ni Twilight sa paligid.
"Oh! Yah!" He nodded.
"Madaldal ka ngayon, anong meron?" Twilight said.
"Nothing. I just want to know about you, all about you"
Inalis ni Twilight yung papel sa mukha niya. "A-all about me? Bakit naman? Ayan na ba yung plano mong patayin ako. Pagkatapos--" tingin ni Twilight na ng masama kay Cloude.
"No. Ofcourse not."
"Eh! Bakit nga?" tanong ni Twilight. "Hindi mo na ako papatayin? Nagbago na ang sinabi mo?"
"Because-- I kinda--" napahinto si Cloude sa gusto niyang sabihin kay Twilight. Naisip niya na baka maka-apekto ito sa gagawin nilang presentation mamaya. Hindi rin naman siya masyadong sigurado sa nararamdaman sa mga nadaang araw. "Wala, kalimutan mona" sabi niya at sinara ang laptop niya at tumayo niya.
"Uy! Hollis!" tawag ni Twilight pero naglakad lang si Cloude paalis.
Alam ni Cloude na may espesyal na syang nararamdaman para kay Twilight. Hindi man niya ito pinapansin 'nung una pero habang tumatagal kahit anong gawin nito kapag malapit ito sa kanya, napapangiti na lang siya. Kaya hindi niya alam kung sasabihin ba niya kay Twilight ang nararamdaman para dito dahil sa tuwing gusto niyang sabihin dito ang nararadaman, naalala niya si Sky. May pangako pa siya dito, kailangan pa niya itong ipaghiganti.
Alam nya gusto nya si Twilight, pero alam nya mapapahamak lang ito lalo na kapag mas mapalapit pa sya dito. Maaari itong matulad kay Sky na hanggang ngayon hindi para rin niya nakakuha ng hustisya.
Iniisip niya pa lang na mangyayari ito kay Twilight ayaw na niyang lumapit dito para sa kaligtasan nito. Pero hindi niya mapigilan ang kanyang sarili kapag nasa mapalapit lang dito. Dahil sa tuwing lalapit ito sa kanya, kakausapin at bibiruin siya nito mas lumalalim ang nararamdaman niya para dito. Sa tuwing lumalayo naman siya dito, mas lalong gustong-gusto niyang mapalapit dito. Naguguluhan pa rin siya sa nararamdaman kaya hindi niya alam kung sasabihin ba dito ang nararamdaman o wag na lang muna.
~~~
Malakas ang palakpakan sa loob ng kanilang classroom pagkatapos mag-report nila Cloude at Twilight sa harapan ng mga kaklase nila.
"Great Job!" palakpak ng kanilang professor dahil natuwa ito sa ginawa ng nilang dalawa.
"Ang galing mo, Hollis" hawak ni Twilight sa balikat nito. Napansin nyang namula ito pero hindi niya na lang sinabi ang kanyang napansin dito.
"Go back to your seat" sumunod naman silang dalawa. "Next meeting we have a quiz. I know you learned a lot from Miss Smith at Mr. Hollis. Class, dismiss" sabi nang professor nila.
* * * * * *
Twilight Sky's POV
I never imagined na mangyayari 'yun sa klase namin. Nagalingan sa amin ang Professor namin at narinig ko pang pinagsasabi niya ito sa ibang professor. Ang galing rin naman kasi ni Hollis dahil lahat ng tanong ng Professor namin ay may sagot siya at lahat ng binigay niya sa akin pag-aaralan ko ay naging madali lang intindihin dahil marami rin siyang binigay na example.
"Cous, tara na. Baka naghihintay na sa labas sila Jacob at Homer" Si Homer na sumasama na uli sa amin pero dahil lagi rin siyang tinatawag ni Autumn para sumama dito, kaya hindi rin namin siya halos nakakasama.
"Ahh! Oo nga pala, pero mauna kana sa labas" sabi ko habang inaayos ko ang suot dahil may tinatago akong pasa.
"Smith!" napalingon ako at tumingin sa kanya. Hindi ko alam kung bakit biglang may nag-iba. Kapag kasi siya ang tumatawag sa pangalan ko may weird akong nararamdaman. Hindi ko alam kung ano yun, pero masaya naman sa pakiramdam. 'Because--I kinda--' bigla kong naalala ang sinabi niya na hindi na itinuloy. Ano kaya yun?.
"A-Ang galing mo talaga kanina" mahinang siko ko sa kanya. 'Aray!' may sugat nga pala ako sa siko.
"Thanks. Ikaw rin naman" tingin niya sa akin at ewan ko kung bakit ako napaiwas ng tingin.
Tumawa ako para takpan ang pagkailang ko. "Wew?. Ano nga pala yung sinabi mo kanina? nagusto mong malaman about sa akin?" gusto kong malaman kung ano yun at bakit. Baka may alam siya na kasali ako sa grupo o baka alam niya ang organisasyon ng Mafia Assassin?.
"Nothin'. Forget it" sabi niya.
"Bakit may tinatago ka ba sa akin, Hollis?" tingin ko sa kanya. May pakiramdam kasi ako na may gusto siyang sabihin at alamin tungkol sa akin.
"Wala" sagot niya. Tinignan ko siya sa mga mata niya at alam kong meron talaga siyang tinatago.
"Wala ba talaga?" sabit ko ang bag sa balikat ko. Nagsisinugaling siya dahil nakikita ko yun sa mata niya. Hindi ko alam kung saan ko nakuha ang kakayahan na makapangbasa ng nasa loob ng tao. Nakikita ko kung nagsisinungaling ba sila o may tinatago sila.
Maraming pang naituro sa akin sila Nanay at Tatay na mas lalong nagpadali sa akin na kumilatis ng tao.
Maglalakad na sana ako palabas ng bigla siyang magsalita. "Smith, are you mad?"
"Mad? me? hindi ha?!, hindi naman nagagalit sa mga taong may tinatago" lakad ko.
"Ako ba yun?" tanong niya.
"Akala ko ba wala kang tinatago? At bakit naman naisip na nagagalit sa'yo?" Bakit ko ba kasi pinipilit na meron siyang tinatago, baka wala naman talaga?. Tss! Baka mali lang ako?.
"Grrr!" palo ko sa ulo ko. Kung anu-ano na naman kasi ang pumapasok sa isip ko. Pati tuloy ibang tao napag-hihinalaan ko na. "Hehe! Sorry na, kalimutan mo na lang ang sinabi ko. Ang dami ko lang iniisip, gusto mo libre kita?" pagbabago ng mode ko.
"Sure" ngiti niya. Sa tuwing ngumi-ngiting si Hollis, ewan ko, pero parang may kakaiba talaga sa kanya. Siya pa lang rin ang sinabihan kong gwapo pero para talaga sa akin mukha siyang babae. Lalaking mukhang babae! "Tara na nga" Ang dami ko na naman iniisip.
Pagkalabas naming dalawa nakatingin sa amin sila Jacob, Homer at Zhynly. Lumapit ako sa kanila, para makapag paalam na hindi ako makakasama. "Hindi ako makakasama sa inyo, ililibre ko kasi si Hollis" tingin ko kay Hollis.
"But?--" Jacob.
"Okey lang naman diba?" tanong ko.
"Okey lang, Cat. May next time pa naman ei" sabi ni Homer.
"Okey! Cous, I-celebrate nyo na yung pagka-great job nyo. Kadate mo si Crush mo" bulong ng magaling kong pinsan. Crush lang naman eh! . First time na nga lang magka-crush ng aasar pa. Crush, gusto diba yun? Crush ko siyang asarin ng lalaking mukhang babae kasi ang cute niya kapag naasar. Yun lang naman yun.
"Thanks guys! bye" Naglakad na ako punta kay Hollis.
~~~
Nasa labas na kami ng campus, naghahanap ako ng pwedeng kainin yung masarap.
"Bananaque, Kamoteque, turon bili na kayo"
"Gusto mo ba ng bananaque, kamoteque, turon bili na kayo" panggagaya ko sa bata. "Teka masarap ba yung bili na kayo?"
"Pfft- hindi yun pagkain. Bili na kayo. It means--" ipapaliwanag niya pa.
"Hahaha! Oo, oo. Alam ko na" tawa ko.
* * * * * *
Cloude Yule's POV
"Pabili nga bata, magkano ba isang stick?" She asked.
"Ate, libre po yung stick pagbili yung bananaque"
"Niloloko mo ba ako, bata?" masamang tingin niya.
"Hindi po, Ate"
"Pabili ng anim" Abot ko sa five hundred pesos.
"Kuya, wala po akong papalit dyan"
"Bumibili naman siya hindi nagpapalit" sabat niya.
"Ate, ba't ang slow mo?" abot niya sa akin ng bananaque.
"Bakit ang gulo mo kausap?" She asked.
"Stop it! Let's go." hila ko sa kanya. "Keep the change, kiddo."
"Sabi ko, ako ang malilibre bakit ikaw nagbayad?" pagrereklamo niya.
"Kumain ka lang" inabot ko sa kanya yung bananaque. Tinignan ko ang babanaque na mukha namang masarap.
"First time mo lang ba makakain ng bananaque?"
"This?" taas ko sa kinakain ko. "Yes?" kumain na ako.
"Masarap ba?"
"Oo." sagot ko. "I have something to tell you, Twilight" tingin ko sa kanya.
"First time mo yata akong tawaging Twilight? Ano ba yun sasabihin mo?" She looked at me with a smile.
"That-- I-I l-like you"
Tumawa siya. "Totoo ba yan?"
"I'm not joking, anyway. Yes, I like you, Twilight" I look at her eye to eye. Nakita ko ang pagkailang sa kanya.
"Ano bang dapat kong sabihin?... Ahh!... Bibili lang ako ng panulak ha? Sandali lang. Wag kang susunod!" Naglakad siya ng mabilis patawid ng kalsada. 'Did I say something bad? or Am I too fast to tell her that I like her?. Damn! I don't know!'
Nakita kong may humintong van sa tapat ni Smith kaya hindi ko siya matanaw. Nakita kong masama ang tingin ng driver ng van sa akin. Hinanap ko si Smith pero hindi ko siya nakita, kaya tumakbo ako patawid. 'Asan na sya?' Umandar ng mabilis ang sasakyan ng marinig ko ang malakas na tawanan ng nasa loob.
'Damn it! Where is she?' Tumingin ako sa buong paligid pero wala, hindi ko siya makita. Tumakbo ako papunta sa direksyon ng van para habulin ito dahil baka kinuha nila si Smith.
"Hollis!... Hollis!..." Napalingon ako ng makita ko syang papatakbo papunta sa akin. "Saan ka pupunta? Sino hina--" I hugged her tightly. Hindi ko alam kung bakit ganito ang kaba na nararamdaman ko. Maybe, natatakot ako na baka may masamang mangyari sa kanya. Habang yakap ko siya, parang nawawala na ang takot ko kanina ng hindi ko siya makita.
"Aray! Wag madiin, Hollis" Ngumiti ako. Parang gusto nya ang yakap ko sa kanya.
"You like my hug? huh?" I asked her with a smile.
"Oo, parang hug ni Tatay"
"I'm not your father"
"Ikaw talaga, syempre ikaw lang si lalaking mukhang babae. Hindi ikaw ang Tatay ko no? Gwapo ang tatay ko. Hayy! Bitiwan mo na nga ako. Chansing ka rin eh!" Ngumiti na lang ako sa sinabi niya. Inakbayan ko na lang siya at napatingin sa paligid. Nakatingin na pala sa amin ang mga tao. "Nakakahiya!" bulong niya.
Napatingin ako sa isang babaeng nakatayo sa malayo na nakatingin sa akin. "Sky?" parang huminto ang mga tao sa paligid ko habang nakatingin sa kanya.
"Ha?" napatingin ako kay Smith na nagtataka siguro sa narinig niya. Binalik ko ang tingin sa babaeng kamukha ni Sky pero wala na ito, hindi ko na siya makita.
Pinapaalala niya kaya sa akin ang paghihiganti kay Alvert Harwell? Gusto niya ba ng hustisya sa pagkamatay niya?. "Don't worry, hindi ko nakakalimutan ang justice para sa'yo, Sky"
* * * * * *
Twilight Sky's POV
"Sky?" rinig ko sabi nya. Sino si Sky? alam kong hindi ako ang tinutukoy niya.
"Ha?" Tumingin lang siya sa akin at ibinalik ang tingin niya sa kung saan. Bakit may kirot akong nararamdaman dahil sa binangit niyang pangalan?. Tss! Ang arte ko! Wala lang siguro 'to.
"Hollis!" tawag ko sa kanya at hinawakan ko ang mukha niya. Tumingin naman siya sa akin. "Sino si Sky?" tingin ko sa mata niya.
"My ex-girlfriend" His ex? Hindi pa rin ba siya maka-move on sa ex niya? Pero sinabi niya sa akin na like niya ako. Like lang naman yun, maliit na bagay!. Bakit naiinis ako?! Masaya naman ako na like ako ng crush ko, pero bakit may inis pa rin akong nararamdaman?! Tss! Ewan!!
"Nakita mo ba uli sya?" tanong ko habang tinitignan ang tinitignan niya.
"I don't know. Two years na syang wala, she passed away" malungkot na sabi niya.
"Ahh!..." Pero bakit bigla niya itong tinawag? Nagpakita kaya sa kanya yung girlfriend niya?. 'Baka may third eye siya.'
"No. Wala akong third eye, alam kong may gusto lang syang ipaalala na dapat kong gawin" Gustong ipaalala na dapat niyang gawin? Ano naman yun?.
"Hala ka! Anong bang ginawa mo sa girlfriend mo, noong nabubuhay pa sya? tinorture mo? pinaluhod mo sa munggo o asin para mura?. May ginawa kang masama sa kanya?"
"What? I love her, I love her too much, ayoko nga sya nakikitang nasasaktan. Sa tingin mo kaya ko syang saktan?" Aray!. Bakit parang bigla akong nasaktan sa sinabi niya?.
"Ahh!... siguro binabantayan ka na nya, siguro mahal na mahal ka rin nya. Minahal mo siya ng sobra sobra 'no? kaya matagal mo syang makalimutan o hindi mo siya makakalimutan?" tingin ko sa kanya.
"Yes. I loved her so much, and I know she's my angel now" Napangiti ako ng mapatingin siya sa langit habang iniisip siguro si Sky. Love kay Sky, Like lang sa akin. But it's okay, parehas naman namin like ang isa't-isa. Siguro, doon na lang 'yun.
"Uuwi na pala ako, Hollis" biglang paalam ko sa kanya. Nakaramdamn ng pagod na parang gusto ko ng matulog at magpahinga.
"Hatid na kita"
"Wag na may sasakyan naman ako eh! Sige" naglakad na ako agad. Nagulat ako ng may humawak sa bewang ko.
"I like you" bulong niya.
"Thank you. At alam kong mahal mo pa sya" ngiti ko sa kanya at alam kong peke ang ngiti na 'yun. Hindi ko alam kung anong dahilan. Nakatingin lang siya sa akin na parang gusto nya pa akong tanungin. "Kumain kana wag mo na lang akong intindihin, pagod lang siguro ako. Kainin mo na yang bananaque sa inyo, masarap yan. Hindi ako nakabili ng panulak" nakangiting sabi ko. Alam ko naman na nakakagulat ang sinabi ko kaya nagmadali akong pumunta sa parking lot.
"Tama naman ako ha? Love dun kay Sky, Like lang sa akin. Love at Like, magkaparehas man ang una at ang huling letter. Magkaiba na kapag binasa at kinuha ang meaning." I smirked. Nanlaki ang mata ko sa bigla kong nasabi. "Grabe! Ang lalim ng pinanghugatan ko" napailing na lang ako.
Nararamdaman ko ang pagsunod sa akin ni Hollis pero ayoko na siyang lingunin dahil baka hindi ako makauwi ng maaga. Pagkapasok ko sa sasakyan ko agad ko nang pinaharurot ang sasakyan ko paalis.
* * * * * *
.
#19
#TMAPaP
#EllyM.E.
IAmElainah
===Elainah M.E===