Chapter 18:
Twilight Sky's POV
Naglalakad ako papunta sa room at pansin kong may mga taong nakatingin sa akin. I wore a black jacket and black pants. Siguro hindi nila ako nakikilala?.
"Smith, read this" abot sa akin ni Hollis ng papel at sumabay siya sa akin maglakad. Napatingin ako sa paligid siya pala yung tinitignan at hindi pala ako. Napatingin ako sa kanya at huminto na rin ako sa paglalakad dahil sa napansin ko.
"What?" hinto rin niya.
"What do you think?"
"I don't want to think? so? tell me?" bagot na sagot niya. Nakakainis!. Kasi naman eh! gaya-gaya siya nang porma. Naka-black jacket rin siya at may white t-shirt nga lang siya sa loob.
"Read that" turo niya sa hawak ko.
"Ito ba yung report natin? Ang bilis naman?"
"Yes." Lakad niya.
"Paano nangyari yun? Sure ka ba na maayos yun?" sunod ko sa kanya.
"Yes. trust me" tingin niya sa akin. Bakit parang may kakaiba sa kanya? Nawala ang kagandahan niya.
"Why are you looking at me like that? May dumi ba ako sa mukha?"
"W-Wala naman. Naninibago lang ako sayo, kaso hindi ko alam kung saan?"
"Tss! Maybe with my hair?"
"Oo nga your hair. Mukha ka nang lalaki ngayon. Gwapo!" sundot ko sa tagiliran niya. Sandali, sinabi ko bang gwapo sya?.
Napatingin ako sa kanya, bakit namumula siya? Nakainom ba siya?. Nilapit ko ang ilong ko sa mukha niya para amuyin siya. Hindi naman siya amoy alak pero bakit siya namumula?.
"Smith, what are you doing?" Napatingin ako sa mata nya na nakadilat. Napatingin ako sa mukha nya. Gwapo nga siya. Medyo napalayo ako sa kanya ng kaunti dahil ang lapit ko na pala sa mukha niya.
"A-Akala ko kasi nakainom ka, namumula ka kasi. Hehe"
"Tss!" iwas niya ng tingin.
"Tara nga, sabay na tayong pumasok sa room" yaya ko sa kanya.
"Cat!" nakita ko si Homer sa harapan namin na lumapit naman sa akin at agad akong niyakap.
* * * * * *
Cloude Yule's POV
She so close to me. Para siyang may hinahanap na kung ano sa akin. But she's cute while doing that. ' No. No. No, she's not cute.
"Smith. Hey! Smith, what are you doing?" tinignan niya ako at para pinag-aaralan ang mukha ko. Tumingin sya sa mata ko. "Gwapo nga sya" She said. f**k! What the?. Halata naman nasambit niya ang dapat nasa isip niya lang. Buti na lang hindi na niya ako tinawag na 'lalaking mukhang babae'.
Nilayo nya ang sarili nya sa akin. Siguro, napansin nya na ang lapit ng mukha nya sa akin. "A-Akala ko kasi nakainom ka, namumula ka kasi. Hehe" She smiled.
"Tss!" iwas ko nang tingin.
"Tara nga, sabay na tayong pumasok sa room" yaya niya.
"Cat!" Nakatayo ang lalaki sa harap namin. Cat?. Lumapit siya kay Smith at niyakap nya ito. What the!?. I'm annoyed.
"Homer..."
"I'm sorry, Cat"
"Sorry para saan?" tanong ni Smith.
"I'm sorry for what I told you"
"Nakalimutan ko na yun. Ano ka ba?"
Naglakad na ako palayo sa kanila. 'Akala ko sabay kami? Bakit nakikipag-usap pa sya doon?. Tss!. Why do I feel annoyed? Tss!'
"Cloud-"
"Shut up! Perez!" nilagpasan ko siya. I'm so frustrated!
* * * * * *
Mike Winz's POV
Nakita ko si Cloude, na bagong bago ang itsura. Nakataas ang buhok. Wow!... Ano kayang meron?
"Cloud-"
"Shut up! Perez!" Agad niya akong nilagpasan. Mainit ang ulo. Bakit kaya?
"Si Hollis?"
"Miss Twilight?" parehas ba sila nang ayos o namamalik mata lang ako?
"Hoy! kaibigan mo diba si Hollis?" sabi niya.
"Ahh! Oo, nandoon sya" sagot ko.
"Ahh! sige, ano nga bang pangalan mo?" Ilang beses na kaming nagkikita hindi nya pa rin ako kilala.
"Mike Winz Perez" sagot ko.
"Ahh! sige, Mike" kaway niya at naglakad na paalis.
"Hoy!" napatalon ako sa gulat sa paghawak ni Rexie sa balikat ko. Bwisit! "Kung ako sa'yo wag mo nang pormahan si Miss Twilight" akbay niya sa balikat ko. Ano bang pinagsasabi ng taong 'to?
"May alam ako. Gusto mong malaman?" taas pa niya na kilay.
"Gawin ba akong tsimoso, bahala ka nga dyan. Mamaya na tayo mag usap may klase pa ako" taas kamay ko at naglakad na paalis.
* * * * * *
Kelly Ann's POV
Nararamdaman ko ang init ng araw sa mukha ko. Aray! Ang sakit ng ulo ko, Ano bang nangyari? Dinilat ko ang mata para makabangon na. I blicked my eyes. Tinignan ko ang buong paligid. Hindi ko to kwarto? Agad akong naupo sa may kama. Nasaan ako?
"Hi! gising kana pala" sinundan ko ang boses na narinig ko. Nakita ko ang isang lalaking nagbibitones ng kanyang suot.
"Sino ka?"
"Hindi mo na kailangan malaman, Miss" sagot niya.
"Tell me what happened?" Alam kong wala naman nangyari sa akin na kakaiba.
"Lasing ka lasing ka" tingin niya sa akin. Naghintay pa ako nang sasabihin niya pero hindi na siya nagsalita. Napahawak ako sa ulo dahil bigla iyon kumirot at may bigla akong naalala. 'Mahal ko yung taong may taong may mahal na.'
"Mahal mo yung taong may mahal nang iba? Tama ba?"
"Tumayo kana dyan, magbreakfast na tayo. Kung anu-ano ang sinasabi mo"
"Tama naman ako ha? Sinabi mo yun kagabi"
"Tama na yan, Miss Brokenhearted" sabi pa niya.
"Sige na nga baka umiyak ka pa" sabi ko.
"Ikaw nga yung umiyak kagabi alam mo ba yun? Isang baso pa lang nang alak wala kana" sabi niya.
"Hindi naman ako sanay uminom, pero teka? Bakit ang sakit ng ulo ko?" tanong ko.
"Dahil mas marami ka pa yata ang naiyak kaysa nainom mo. Tayo na dyan. Ayun yung gamit mo" turo niya sa bag ko.
"Yung sasakyan ko?" tanong ko ng maalala ko ang sasakyan ko.
"Nasa parking lot. Ang sasakyan mo nalang ang ginamit ko para hindi kana mahirapan bumalik doon" Kinuha ko ang gamit at tumayo sa kama nya. Sa pagkakausap ko sa kanya mukha naman syang mabait.
"Wag mong isipin na mabait ako dahil hindi ako mabait"diin nya sa salitang 'hindi'. Lumabas siya sa kwarto.
"Okey!" malakas na sabi ko sa kanya. Naglakad na ako papunta sa may banyo nang makita ko ang pamamaga nang mga mata ko. Nakakahiya naman 'tong mga mata ko.
"Hey! Dalian mo, kailangan ko nang umalis" Kaya pala ang sakit ng mata ko, babae pa rin talaga ako. Binuksan ko ang pinto ng banyo nang makita ko syang nasa harapan ko.
"Ah! eh-- sorry" tingin ko sa ibaba.
"Nakita ko na yan" sabi niya.
"Ano?!"
"Yung mata mo kaya wag mo nang itago, tara na at makaalis na dito" turo niya sa mata ko.
"condo mo ba ito?" pagbabago nang topic.
"Yes. Kailangan ko na kasi umalis"
"Wag na tayong mag-almusal okey--"
"No! Let's eat" yaya niya.
"Sige na nga" naglakad na pasunod sa kanya. Ngayon na lang naman kami magkikita.
~~~
"Salamat sa pagkain, Ano nga palang pangalan mo? sabihin mo na!" tinignan ko sa kanya.
"Grayson"
"Sure?"
"Yes"
"Kelly"
"Are you sure?"
"Oo, My I.D" abot ko sa kanya.
"Darklight group?" Nagulat ako nang bigla niya akong tinutukan ng baril. "Spy, uh?"
"Ano?!" Tiningan ko siya sa mata. Sino ba siya?
"I'll kill you" he said.
"Hindi ako spy, tyka-- membro ka nang anong group?" I asked.
"Umalis kana! Dalian mo" tutok pa rin niya sa akin ng baril. Tumayo na ako at naglakad palabas ng unit nya. Paano nyang nalaman na Darklight ako. s**t! I.D ko sa safe house pala ang naibigay ko. TANGA!
* * * * * *
Grayson's POV
Kailangan ko pa bang ipaalam 'to?. s**t! pinapasok ko ang kalaban sa loob ng unit ko.
Boss calling...
"Y-Yes Boss?"
"Pumunta ka sa bahay, bantayan mo si Amber"
"Yes. Boss"
=*FLASHBACK*=
Pumunta ako sa Elle's na isang resto bar at uminom. Medyo nakakarami na ako nang may tumabi sa aking babae.
"Kuya isa ngang nakakalasing na alak dyan" napatingin ako sa kanya na mugto ang mga mata. Brokenhearted.
"Ito, Miss" pagkaabot sa kanya agad niya ito ininom. Niyuko niya yung mukha niya sa may lamesa at biglang siyang umiyak na ikinagulat ko..
"Miss" hawak ko sa balikat niya, ewan ko kung bakit bigla ko siyang nilapitan.
"Bakit ganun, ilang beses kong gustong sabihin sa kanya na gusto ko sya pero hindi ko nagawa, tapos ngayon nasasaktan ako kasi may tao nang malapit sa kanya" Umiyak siya ng umiyak.
"Ako... Mahal ko yung taong may mahal na" sabi ko. Hindi lang pala ako sa araw na ito ang ganitong nasasaktan.
Napalingon ako sa kanya ng tumawa siya. Yumuko ako sa lamesa dahil medyo hilo na ako dahil kanina pa ako umiinom at hindi ko na nabilang kung nakailang baso na ako ng alak.
"Sir, magsasara na po kami" rinig ko. Tinaas ko ang kamay para malaman niyang narinig ko. Tumayo na ako at napansin ko yung babae na nakasubsob sa lamesa.
"Sir, kasama nyo po ba sya?" Napatingin ako sa paligid nakita ko ang isang lalaking masamang nakatingin sa kanya. Halata sa mukha.
"Yes, kasama ko sya" Inabot ko yung 3K sa lalaki para sa nainom ko kagabi. Binuhat ko na yung babae nang makita ko ang susi ng sasakyan.
=*END OF FLASHBACK*=
Kinuha ko na yung mga gamit at lumabas na. Kailangan ko pa palang kuwain yung sasakyan ko sa bar.
* * * * * *
Twilight Sky's POV
Biglang naging masunget si Hollis sa akin. Ano na namang meron sa kanya?. Ang bilis magbago ng ugali niya.
"Omygosh, couple wear?" lapit sa akin ni Zhynly. Kanina pa sila nagkakaganyan. Tss!.
"Zhynly, gaya-gaya lang sya" yan yung lagi kong sinasabi sa kanila. Mas suminget pa siya ng mapansin ng iba yung suot namin. Kasalanan ko bang gaya-gaya sya?.
"Sunget! Asan na yung presentation?" Hindi niya talaga ako pinapansin. Abay!.. Siya na nga gaya-gaya dyan sya pa ang galit. Tumayo ako at lumapit sa kanya. "Hoy! sunget! Ano bang ini-eemote mo dyan?" upo ko sa tabi niya. Akala ko naman close na kami.
Kinuha niya lang yung laptop nya at binuksan. Sinasak niya yung flashdrive. "Naks! Ang ganda ha?" tingin ko sa kanya ng mapansin ko ang ginawa niya sa presentation namin.
"Y-Yeah" tingin nya sa akin. Tumango na lang ako at ngumiti.
"Bakit nagsusunget ka?" tanong ko.
"I'm not"
"Nag iba ka lang nang hairstyle feeling mo naman hindi mawawala yung kagandahan mo, mukha ka pa nga rin namang babae" sabi ko sa kanya.
Tumingin siya sa akin ng masama, yung parang gigilitan na niya ako ng leeg. Nakakatakot. Binibiro ko lang naman siya eh! Hindi ba siya marunong magjoke o hindi niya rin ba alam yung joke time.
"Joke lang, gwapo ka nga eh! Kita mo na ginaya kita, Idol nga kasi kita. Yiie!.. Smile na" sundot ko sa pisnge niya. Nakasimangot pa rin.
"tss! go back to your seat" Tumingin sya sa ibang lugar.
"Smile muna" pangungulit ko.
"You want to die"
Sabi ko nga eh!
"Sabi ko nga babalik na ko?" tayo ko sa upuan ko. Alam ko naman na joke lang yung sinabi niyang papatayin niya ako noon. Mukha naman siyang mabait na bata.
"Close na kayo?" tanong ni Zhynly.
"Hmm! Hindi yata" tingin ko kay Hollis na nilalagay yung laptop niya sa lagyanan. "May pagkamasunget kasi yung isang yan"
"You're so cute when you're inlove" Inlove?
"Ako ba?" tumango siya. "Hindi ako inlove no?!"
"Okey, sabi mo eh!. Siguro madali ka lang talaga makipag-close sa mga guys no?"
"Siguro?. Para sa akin kasi mas enjoy kasama ang mga lalaki. Kahit takot ka, minsan pipilitin ka nilang harapin ang takot mo, at katulad nila Jacob at Homer lagi lang silang nakasuporta sa akin" Bigla kong na-alala si Homer may gusto nga pala siyang sabihin sa akin at halatang may pinagdadaanan rin siyang problema. Halos isang buwan rin kaming hindi nagkausap dahil sa training ko kay Tatay. Si Jacob alam niya ang dahilan ko pero si Homer, wala siyang alam.
Pagkapasok ng Professor namin agad niyang napansin ang halos parehas namin na damit ni Hollis. Syempre sinabi ko pa rin ang sinabi ko sa iba na gaya-gaya si Hollis.
* * * * * *
Someone's POV
"Welcome back to the Philippines, Miss"
"Thanks" sabi ko. I'm back. "Where's my Dad?" I asked.
"My Princess!" I heard his voice. Napangiti ako at lumapit sya sa akin para mayakap ako. Pinadala nya ako sa London para doon mag-aral at kalimutan ang mga nakaraan sa buhay ko.
"Dad!" niyakap ko sya. I missed him so much. "Ilang taon rin akong nawala dito, I miss this country." Humiwalay na ako sa pagyakap sa kanya.
Kung hindi lang siguro ako ni Dad pinapunta sa London siguro nalibot ko na buong ang bansa. "Namiss ka rin ng mga tao dito" Namiss na rin nya kaya ako?. No!. Baka kinalimutan na nya ako.
"Naayos ko na ang pagkikita nyo" Napatingin ako sa kanya. Pagkikita namin?. "Let's go?"
"Yes. Gusto ko na rin makita ang sister ko. Is she good?" Magka-akbay kami ni Dad.
"Y-Yes? I don't know" He answered.
"Dad?!..." Alam kong hindi sila malapit ng sister ko, pero alam ko naman inaalagaan nya ito para sa akin.
"She's fine"
"Thanks, Dad" He nodded. Marami akong natutunan sa iba't-ibang bansa na napuntahan ko. May mga taong tumulong rin sa akin doon para maging malakas ako at na maaaring kong magamit sa pagkikita namin. Ulit.
* * * * * *
.
#18
#TMAPaP
#EllyM.E.
IAmElainah
===Elainah M.E===