“IKAW ba iyong kumakanta?” tanong ni Mama nang bigla siyang pumasok sa aking kwarto. I was about to hit my high notes — halos nandoon na ako — pero nabitin ako. Hindi ko in-expect na bubuksan niya ang pinto nang walang katok, kaya napahinto ako. “PO?” Sunud-sunod akong umiling, parang nahuli sa isang kasalanang hindi ko alam kung bakit ko ikinakahiya. “H-hindi PO,” dagdag ko, halatang kinakabahan. “Sigurado ka? Parang boses mo ang narinig ko eh. Akala ko pa naman ay kumakanta ka na ulit, anak.” “Ma, naman. Hindi na ako marunong kumanta, okay?” Pilit kong tinatawanan ang usapan pero may bahid ng inis sa tono ko. “Ang tagal na nang huli akong mag-videoke, 'di ba? Saka, hello? May mapapala ba ako kung kakanta ako?” Mula pagkabata ay hilig ko na ang kumanta. Namana ko iyon kay Amang, ga

