Aayusin ko muna ang sarili ko bago umuwi. Para hindi mag-alala sa akin ang mga tao sa bahay. Para hindi nila mahalata na para na naman akong paulit-ulit na pinatay at muling binuhay, sugatan at basag. Ilang taon na ang lumipas pero ang sakit—ang pangungulila—ay parang kahapon lang. Hanggang ngayon, ramdam ko pa rin ang bigat sa dibdib, ang kirot na hindi ko maipaliwanag. Hanggang ngayon, tinatanong ko pa rin ang langit: Bakit? Bakit ni minsan, hindi ko man lang nasilayan ang anak ko? Bakit hindi ko man lang s’ya nayakap? Bakit hindi ko man lang s’ya nahalikan? Bakit hindi ko man lang nasabing “Mahal kita” bago siya kinuha sa akin? At higit sa lahat—bakit hindi ko man lang siya naipagpaalam? Napapikit ako, pilit nilulunok ang pait ng alaala. Nanginginig ang dibdib ko sa biglaang sipa

