Chapter 40 Hindi na-contact ni Martin si Luna habang nasa biyahe siya pabalik sa Maynila. Dumiretso kaagad siya sa Condo unit na nilipatan nito. Wala pa siyang tulog pero hindi 'yon ang importante sa kanya ngayon. Nagdoorbell kaagad siya sa harap ng pinto ng Condo ni Luna. Naka-ilang pindot pa siya bago may magbukas sa kanya. "Ano ba 'yon?! Halos kakatulog ko pa lang," reklamo ni Luna. Naka-pajama, todo medyas at bonnet pa ito ngayon. Mukhang lamig na lamig ito sa aircon. "Pinag-alala mo 'ko," sabi ni Martin sabay hatak payakap kay Luna. "May sasabihin ka ba? Bilisan mo, inaantok ako. Nakakapagod 'yong biyahe," reklamo pa rin ni Luna. "Wala akong sasabihin. Sige na, matulog ka na. Babantayan kita," sabi ni Martin habang hinihila na papasok si Luna. "Wait. Dito lang ako sa sala natu

