Chapter 29 Dalawang araw nang walang balita si Martin kay Luna. Hindi niya alam kung lumipat na naman ba ito ng tinutuluyan? Pero hindi naman ito pumapasok sa hotel ngayon. Ang nasagap lamang niyang balita ay naka-indefinite leave daw ito. Ang dahilan daw nito sa Boss nito sa trabaho ay health condition pero hindi naman ito nag-resign kaya naguguluhan si Martin. He's been thinking hard. At isa lang naman ang naisip niyang lugar na pwedeng uwian o pagtaguan ni Luna. Ang probinsya nito. Wala na siyang ibang maisip pa. Pinasundan niya ang kaibigan ni Luna na si Eli, pero wala siyang napala. Hindi sila patagong nagkikita ni Luna. Ang naisip niya kasi noon ay baka itinatago lang ni Eli si Luna, pero wala. Bumiyahe siyang muli pauwi sa probinsya nila Luna. Mahaba-habang biyahe ang lalakbayi

