Chapter 23 Maagang umalis para bumiyahe sina Luna at Martin dahil mahaba-habang byahe pa ang tatahakin nila. Ilang beses pa ngang hinalikan si Luna ng kanyang iba bago ito tuluyang umalis. "Mag-seatbelt ka, ha? Pwede kang matulog muna. Gigisinging kita kapag stop over," bilin ni Martin kay Luna. "Ayos lang. Hindi pa naman ako inaantok," tugon naman ni Luna. "Huwag kang mag-alala, hindi ako makakatulog habang nagda-drive. You are safe with me," assurance pa ni Martin. "Wow, tingin mo ba takot akong ma-deads? Saka malamang, mag-ingat ka. Dalawa tayong mapapahamak kung hindi," taas-kilay naman na sabi ni Luna. "Ito naman, hindi makaramdam na nilalambing ko eh. Alis na tayo, magrelax ka lang diyan," nakangusong sagot naman ni Martin. "Sus, kunwari pang nagtatampo. Halika, iki-kiss na

