Chapter 24 Isang linggo makalipas nang makabalik sila Luna at Martin sa Maynila, masaya naman ang dalawa. Ngunit nagtaka na lamang si Luna nang isang araw, hindi siya tinext o tinawagan ni Martin buong araw. Wala rin ito sa katabing apartment niya. Nag-aalala na siya dahil naisip niyang baka may nangyari nang masama sa nobyo. Hindi nga siya mapakali. Ngayon lang niya naisip na kilala na nito ang kaibigan at buong pamilya niya pero siya, hindi man lang niya alam kung ano ba ang trabaho nito at kung saang opisina ito pumapasok. She never ask Martin about his life. Palaging si Martin ang nagtatanong sa kanya at interesadong-interesadong malaman ang lahat sa kanya. She never did the same for him. Bakit? Siguro kasi iniisip niya na ayaw niyang masyadong ma-attach sa lalaki noon. Pero ngayon, h

