thirty four

1490 Words

DEANNE Nagising na lang ako at wala na si Laica. Nawalan ako ng malay dahil sa sari-saring emosyon na aking naramdaman sabi ni Chad. Lubos daw ang pag-aalala ni Laica sa akin at siya pa ang nag suhestyon na idala ako sa ospital. Buti na lang tumanggi si Chad. Sang-ayon ako sa kaniya na dala lang sa stress ang naramdaman ko. Nakakahiya kay Laica at dinagdagan ko pa siya ng problema. Tinikman ko muna ang tsokolateng tinimpla sa akin ni Chad. Nang masarapan ako ay ininom ko ito hanggang sa maubos ko. "Feel better?" Tanong ni Chad sa akin. Suminghot ako at tumango. Ibinigay ko sa kaniya ang mug na siyang nilapag niya sa mesa. Sumandal siya sa tabi ko. Nakatitig lang kami sa isa't isa. Walang nag sasalita. Walang umiimik. Pakiramdam ko naghihintayan kami na may mag salita sa aming dalawa.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD