DEANNE Hindi ako mapakali at palakad lakad ako sa sala ni Chad habang hinihintay siyang bumalik. Sinundo niya si Laica sa baba. Sobrang kaba at nerbyos ang nararamdaman ko. 'Yong tipong sasabog na, natatakot ako sa mga posibleng mamgyari. Sa posibleng sabihin niya sa akin. Iyong sobrang sakit na baka bumaba ang tingin ko sa sarili at marinig pa iyon ni Chad. Pero bago pa niya sabihin ang mga masasakit na salita ay handa na ako at tanggap ko sa sarili ko iyon. Na isa akong mamabang klase ng babae at masamang tao. Totoo naman iyon pero hindi pa lumalabas sa kaniyang bibig ay kumikirot na ang dibdib ko. Habang nakatayo ako at patuloy ang palakad lakad ay bumukas ang pinto at narinig ko ang mahihinang boses ng lalaki at babae. Lumingon ako. Nakita ko si Chad na kausap si Laica habanh pinag

