DEANNE Kaba at nerbyos ang dumadaloy sa aking katawan. Mga kamay ay nanlalamig at nanginginig dahil ala ko na walang kasigaraduhan ang gagawin ko. Hindi ko alam ang kahihinatnan nito pero siguro oras na para mag kausap kaming dalawa, hindi habang buhay ay iiwas ako sa kaniya at sa asawa niya. Gusto ko na matapos ito, hindi lang para sa sarili ko, sa kanila, at sa pamilya ko. Para rin ito kay Chad. Nakakahiya man na isang tulad ko ang magugustuhan ni Chad pero hindi ko na kayang bitawan si Chad. Magiging sakim na ako pagdating sa kaniya at handa akong mag bago para lang sa kaniya. "You're so cold." napalingon ako kay Chad na nasa driver's seat. Hindi ko namalayan na hawak na niya pala ang kaliwang kamay ko. "Do you want me to turn off the aircon?" suhistyon niya dahil nag-aalala siya s

