Guys sorry po CHAD po talaga at hindi IEOUS ang character sa chapter twenty five sorry nalito. In-edit ko na po. DEANNE Nabalot ang paligid ng katahimikan. Walang kumikibo sa aming dalawa ni Chad sa loob ng kotse. Gusto ko mag salita pero naiilang ako sa kaniya, yung tipo pati sumulyap sa kaniya hindi ko magawa kaya nakatingin lang ako sa labas. Walang tumatakbo sa isip ko, parang hangin lang laman ng utak ko ngayon. "Bakit siya na sa school mo?" Nilingon ko si Chad. May bahid ng inis ang boses niya pero halatang sinusubukan niyang huwag ito ipakita masyado. "Mag-uusap sana daw kami." Sagot ko. "Kung hindi ka sana dumating." Pasimpleng dagdag ko at umiwas ng tingin. "Then why did you come with me?" Hindi na niya tinago ang inis na nararamdaman niya, ipinarinig na niya ito kasabay

