Deanne "Pinasa na ba yung homework kay Ms. Cornes?" Narinig ko na tanong ng kaklase ko habang sinasagutan ko pa lang yung assignment ko. Napalingon tuloy ako. "Oo kanina pa, bakit?" "Hala hindi ko napasa yung akin." Napabuntong hininga yung isa kong kaibigan. "Ayos lang daw, sabi niya bukas na lang daw. Hindi naman siya nag klase, in-announcw lang na may meeting sila tapos kinuha na eh hindi kumpleto kaya ganun." Alam ko yun. Andito ako peri hindi ako nagpasa kasi wala akong nagawang assignment. Andami na masyadong nangyayari sa buhay ko, naaapektuhan na ang pag-aaral ko. Wala akong mapag labasan ng nararamdaman ko at napagdadaanan ko, kahit pa siguro andito ang bestfriend ko na tuluyan ng umalis ng school na ito. Lubusan akong nagulat sa mga pangyayari at sitwasyon na pinasok ko. Ma

