Candice Pontevedra POV
Nang malaman ko na si Marvin ang muntik ng makabangga sa akin at bumuhat pa sa'kin upang dalhin sa klinika ay napaisip akong talaga. Dahil sa dinami dami ng tao sa mundo ay si Marvin pa talaga.
Parang sinadya naman ng kapalaran na paglandasin pa ang daan na aming tinatahak ngayon.
Sa ginawa niya sa akin noon ay hindi ko na gustong makita pa siyang muli. Nasaktan ako ng labis ng dahil sa kanya.
Nakapag move on na ko eh! pero ng makita ko siyang muli akala ko lang pala yon, dahil bumalik ang sakit na nararamdaman ko sa puso ko.
Biglang kong naalala ang panahon na pinaglaruan at pinaasa lamang niya ko. Dahil bigla na lamang siyang naglaho na parang bula, Kung kailan naging sentro na siya ng buhay ko noon. Na sa bawat plano ko sa sarili ko ay kasama siya. Pero iniwan niya ko nang hindi ko man lang nalalaman ang dahilan.
"Hoy bru, anong eksena yon ha!?" curious na tanong ni Donna.
"Magkwento ka dali!, makikinig kami kahit pa kasing haba yan ng San Juanico Bridge bru. All ears kaming tatlo para sa iyong makapagdamdaming broken hearted story." si Julie na dinadaan sa biro ang usapan.
"Ang daya mo naman Candice, akala ko dalawa tayong di pa nagkakalove life yun pala ako na lang ang hindi pa talaga." angal ni Rizza na ikinatawa namin tatlo sa sinabi nya.
"Kaya nga wala pa ko sinasagot kina Mark at Christian kase hinihintay kong mauna ka mag boyfriend eh! Yun Pala, matagal ka ng nagkaroon. Nakakainis ka hindi mo sinabi sa amin." pagsisimyento pa niya at nagpapapadyak ng paa na akala mo batang gustong maglumpasay sa sahig, na lalo lang naman ikinatawa nila Julie at Donna sa pag iinarte niya.
"My gosh Rizza Espiritu, really!? na isip mo talaga yan? meaning to say nakikipagkompetensya ka sa akin na paunahan sino unang magboboyfriend sa ating dalawa? You are so unbelievable bru! " palatak kong hindi makapaniwala sa confession niya sa amin kanina.
"Hindi sa ganon yon!, kase naman maraming gusto na manligaw sayo, pero lahat binabasted mo agad. Kaya naisip ko na wala ka pa ring naging boyfriend. Tapos, tapos wala ka ring naikukwento sa amin, kahit kanino sa amin wala kang pinagsabihan. Kaya ayun, sabi ko sa sarili ko di ko muna sasagutin ang isa sa manliligaw ko na wala ka pa ring nagiging nobyo. Ganun kase kita kamahal friend, ayokong maramdaman mo na ikaw na lang ang di pa nagkakalove life tapos kaming tatlo nagkaron na tapos ikaw ... ay ang daya mo talaga Candice!." busangot pang anas niya.
"Ang cute mo Rizza, nakakatawa ka talaga. Lapit ka nga dito ng makurot ko singit mo para kang bata, alam mo ba yon!?" natatawa ko pang sabi sa kanya.
Nang may lumapit na sa aming nurse kaya tumahimik na muna kami.
"Sorry to disturb po, Okay na raw po pwede na po kayong umuwe. heto po yung bill, bayad na po yan nung kasama ninyong lalaki kanina. And ito rin po vitamins maam, bayad na rin yan!". ang sabi ng nurse na lumapit sa amin at napaawang ang bibig ko sa kanyang tinuran na binayaran ni Marvin ang bill ko.
Nagkatinginan kaming apat at nagkibit balikat na laang. Lumabas na kami ng klinika at naglakad na patungong paradahan ng jeep.
"So paano uwi na tayo? gabi na eh! baka nag aalala na mga kasama natin sa bahay." basag ni Donna sa katahimikang namayani sa amin kanina habang naglalakad.
"Pero Candice may utang ka sa aming kwento ha, dahil gabi na di ka na muna namin kukulitin, bukas na lang." paalala na naman ni Julie na ikinatango ko naman sa kanya.
"Sige na madaya, sakay ka na rin para makapagpahinga ka na. Bukas na lang uli, bye!" utos ni Rizza na pinasakay na ko ng tricycle dahil malapit lang naman ang sa amin. Sila kase ay sasakay pa ng jeep pauwe.
"Bye mga bru, ingat kayo sa byahe. Salamat uli ng marami sa inyo." pagpapaalam ko na may kasama pang pagkaway.
Pagpasok ko ng bahay ay naabutan ko sina Nanay at tatay na nanonood pa ng tv sa sala.
"Ginabi ka na, Nag over time ka ba?" salubong na bati sakin ni Nanay. "Mano po Nay, Tay." bati ko sa kanila.
"Hindi po Nay, may nangyare lang po kanina pero okay naman po ako. Si Kate po?" ang sabi ko.
"Nasa taas na, tulog na ata yon!. Ang sabi ay maaga rin siyang papasok bukas at magrereview daw muna siya sa library habang maghihintay ng oras ng pasok niya." sagot naman niya.
"Kumain ka na ba?" tanong ni tatay.
"Hindi pa nga po eh!, gutom na nga po ako." saad ko pang sabi.
"Sige umakyat ka na muna at magpalit ng damit mo. Ipaghahain na kita, agad kang bumaba ng makakain ka na." utos sa akin ng nanay ko.
"Opo nay, thanks po!" at umakyat na ko upang makapagpalit ng damit.
Napaupo ako sa kama ko at naalala ko ang pagkikita namin ni Marvin kanina. Iniisip ko ngayon kung dapat ko pa bang ipaalam sa mga magulang ko o wag na lamang ang nangyare.
Alam kong nasaktan din kase sila sa nangyare noon lalo na 't tinanggap nila si Marvin bilang nobyo ko kahit na bata pa kami noon.
Maayos naman nilang pinakikiharapan at pinakikisamahan si Marvin kapag nasa bahay siya at nagtiwala din sila sa kanya pero kahit na ganoon ay nagawa pa rin niya kong iwanan.
"Nak, bumaba ka na at kumain na rito." pasigaw na tawag sa akin ng nanay ko, na nakapagpabalik ng diwa ko mula sa malalim na pag iisip.
"Opo nay, bababa na po ako." agad kong tugon sa kanya at pagkababa ko ay nakapatay na ang tv siguro ay matutulog na sila tatay.
"Matutulog na po ba kayo ni tatay, Nay? hindi n'yo na po ba ko sasamahan dito kumain?" tanong ko sa kanya.
"Oo, pumasok na ng kwarto namin ang iyong ama at maaga raw siyang mamamasada. Ihahatid ka na rin daw niya bukas ng umaga sa pabrika
kaya agahan mo ang gising. Matutulog na rin ako. Ikaw na ang bahala diyan ha! hugasan mo yang pinagkainan mo at pagkatapos mo ay matulog ka na, may pasok ka pa bukas. Wag ka ng magpuyat pa." mahabang litanya ng aking mahal na ina.
"Sige po Nay, ako na po ang bahala rito. Good night Nay, tulog na po kayo." sabay yakap ko sa kanyang baywang at paglalambing ko pang saad at ikinaalis naman niya agad ng kusina nang tanggalin ko na ang pagkakayap sa kanya.
Nang mapag isa ako ay na isip ko na mabuti na sigurong hindi ko na lamang sabihin sa kanila at siguro naman ay hindi na uli kami magkikita pang muli ni Marvin.