"Wow! may himala, nanaginip ata ako. Julie, paki hampas nga braso ko pero wag masakit ha!" pang iinis na naman ni Donna nang makita akong nasa loob na ng pabrika na sinamaan ko naman siya ng tingin.
"Aray ko naman! ang sabi ko si Julie ang hahampas sa'kin hindi ikaw Rizza." angal ni Donna dahil malakas ang pagkakahampas na iyon ni Rizza sa braso nya.
"Ang arte nito, hindi naman masakit yon!, Ano naman pinagkaiba namin ni Julie kung siya ang hahampas sayo pareho lang naman ah! Pati wag kang epal Donna, ako ang mas malapit sayo kaya wag kang ano diyan!. Sakalin pa kita diyan eh, ano gusto mo?" pang aasar pang birong turan ni Rizza sa ikinaaangal ni Donna sa malakas niyang pag hampas rito na ikinaismid na lamang ni Donna sa kanya. Knowing Rizza malakas talaga siyang humampas. Sa aming apat siya ang mapanakit at mabilis ang kamay.
"Ang aga n'yo tumirada ng asaran tumigil na kayo ha!" pagrereferee na naman ni Julie sa dalawa.
Sabay sabay silang dumating at di makapaniwalang na una akong pumasok sa pabrika kesa sa kanila.
Maaga akong pumasok dahil hindi rin naman ako nakatulog ng ayos kagabi. Nagpabaling baling lang ako ng higa sa kama buong magdamag.
"Bakit ang aga mo ngayon?" sitang tanong ni Julie sa akin na nag cross arm pa.
"Bakit? bawal ba akong maaga pumasok ng pabrika? Naunahan ko lang kayo, big deal na sa inyong tatlo. Baka mamaya n'yan di kayo makatulog ng ayos ha!?" balik kong tanong sa kanya na sinamahan ko na rin ng pagbibiro.
"Bru, hindi kami sanay sa totoo lang!" ani ni Julie.
"Yeah, i know right!? maganda ako eh!" sagot kong may pang uuyam pero napahagikhik na rin ako ng tawa dahil talagang malaking isyu sa kanilang tatlo ang pagiging early birds ko ngayon.
"Maaga ka lang pumasok Candice, nabaliw ka na. p'wet mo lang maganda." pikong sabi ni Julie na pinalo pa ang puwetan ko.
"Hala Candice, wag mong sabihing hindi ka nakatulog kagabi? ang laki ng eye bag mo eh!" pansin ni Donna.
"Ilayo n'yo nga sa akin yang babae na yan Julie. Baka di ako makapagtimpi. Ingungudngod ko yan!" utos kong sabi na naiinis na kay Donna.
Nakita na ngang puyat ako aasarin pa talaga.
"Eh sa totoo namang ang laki ng eye bag mo. O itong salamin tignan mo pa yang mga mata mo. Hindi naman kita niloloko eh, tunay naman na ang laki ng eye bag mo." wika pa ni Donna na iniaabot ang salaming hawak niya na ayaw pa talagang tumigil.
"Madonna Arce, please lang tantanan mo muna ako pwede ba?, kase masakit ang ulo ko.
So please!, Nahalata mo naman na di ba na kulang ako sa tulog kaya, magbiro ka na sa sa bagong gising, wag lang sa kulang sa tulog, Okay!" pakiusap ko pa sa kanya na tantanan ako.
"Hindi ba dapat, magbiro ka na sa lasing, wag lang sa bagong gising? mali ka naman Candice eh!" pagtatama pa ni Rizza sa sinabi ko na ikinaface palm ko na lamang.
"Tara na Julie masisiraan ako ng bait sa pakikipag usap sa kanila, kapag hindi ko pa nilayuan ang dalawa na yan.hay naku ewan lang talaga!" malakas kong pagbuntong hininga.
"Sandali lang dito na muna tayo, maaga pa naman Huwag mo na lang pansinin yang dalawa. Lakas nang trip mang inis mga yan ngayon kaya hayaan mo na!" sabi ni Julie na pinatigil ako sa paglalakad.
"Hindi ka ba nakatulog, kase iniisip mo si Marvin? wag kang mag deny halata naman sayo." seryoso ng tanong ni Donna.
"Sabi mo wala na kayo di ba?, bakit ang sabi niya girlfriend ka pa rin niya?" curious din na tanong ni Rizza.
"Bakit nga ba kayo naghiwalay ni Marvin, bru? " dagdag pang tanong ni Julie.
Eto na, sinasabi ko na nga ba eh! di nila ako titigilan sa mga tanong nila.
"Hep hep!, nag iisa lang ako tatlo kayo, mahina ang kalaban. makaratrat naman ng tanong eh! isa isa lang." natatawa ko pang sabi sa kanila.
"Sagutin mo na lang. Ang dami mo pang sinasabi diyan. Dali na kase, magkwento ka na!" naiinis na ring sabi ni Julie. Masyado kaseng seryoso lagi sa buhay kaya mabilis mapikon.
"Oo, di ako makatulog kagabi naiisip ko ang nangyare kahapon. Dahil wala namang break up na nangyare sa pagitan namin bru. Ang totoo iniwan niya kong walang sinabing dahilan basta na lamang siyang nawala." isa isa kong sagot sa tanong nila.
"Yan ha nasagot ko na, happy na kayo?" dugtong ko pa.
"Kaya pala ganon na lang ang galit mo sa kanya kagabi ng makita mo sya." ani pang wika ni Julie at yumakap sa braso ko.
"Mahal mo pa ba?" tanong ni Rizza na di ko alam ang isasagot.
"Maybe? Siguro hindi na. Ang totoo, hindi ko alam eh!" sagot ko.
"Ay bakit hindi ka sure? matagal ng nangyare yon di ba? kaya dapat naka move on ka na." pagtataka ni Donna sa isinagot ko.
"Baka naman kase mahal mo pa, kaya nang makita mo siya uli ay bumalik ang sakit sa puso mo? kase sa tingin ko sayo hanggang ngayon di ka pa rin nakalimot. Pwede naman mag move on bru!" saad naman ni Julie na hinampas pa ang braso ko at sabay pa silang nagsitawanan.
"Sapalagay ko tama si Julie, sa mga sinabi niya akala ko rin nakapag move on na ko, pero akala ko lang pala talaga. Pero sa kung mahal ko pa rin ba si Marvin hindi ko alam. Hindi nga ako sure di ba o baka naman kailangan ko na rin ng closure o i need an explanation mula sa kanya." ani ko pang turan.
"I think dapat kayong mag usap na dalawa, Tanungin mo siya kung bakit ka niya iniwan." suggestion na sabi ni Rizza.
"Oo nga baka kase kaya may galit ka pang nararamdaman para kay Marvin kase di mo matanggap na ganun ganon ka na lang niya iniwan noon, di ba mga bru!? " litanya ni Donna na sinang ayunan naman namin.
"Eh paano ko naman siya makakausap wala naman siyang ibinigay sa inyo na contact diba? " Tanong ko sa kanila na puro iling ng ulo ang tanging sagot na nakuha ko mula sa kanila.
"Malay mo naman bru, isang araw bigla na lamang magpakita sa harapan mo si Marvin." ani pa ni Julie na ikinapagkibit balikat ko.
"Tara na nga sa loob, baka maunahan pa tayo ni Ms. Dimaano at matalakan pa tayo." pag aaya na ni Donna.
Nang may lumapit sa amin at sinabing mamaya raw ay magkakaroon ng meeting kasali ang lahat ng mga trabahador regarding sa napapabalitang pansamantalang pagsasara ng pabrika. At pinapupunta na kami sa mga pwesto namin dahil malapit na ang working time.