Pag-gising ko. Matinding sakit kagad ng katawan ang bumungad sakin. Ganito ba talaga kapag first time? Masakit? Para naman akong binugbog ng sampun katao nito.
Kahit nahihirapan pa akong gumalaw mas pinili ko ang bumangon kahit mabagal ang pag galaw ko. Pagtayo ko sa higaan dun ko lang napansin na wala na pala si Kristian sa tabi ko. Akala ko naman siya kagad bubungad sa umaga ko, hindi pala.
Nasaan nanaman kaya 'yung lalaki na' yun? Ang aga-aga gumala na kagad tapos di pa nagpapaalam. Kinuha ko na lang yung bathrobe ko at sinuot iyon. Pinulot ko na rin yung mga damit ko na nagkalat sa sahig.
Di ko maiwasan ang mamula tuwing naiisip ko 'yung mga nangyari kagabi.
" s**t " napamura ako ng makita kong may dugo sa bed sheet ng kama. Nakakahiya naman sa mga maglilinis nitong bed sheet kapag umalis na kami dito bukas.
Pumasok na ko sa loob ng banyo nang paika-ika. Sobrang sakit ng down there para binabanat na kung ano. Saglit lang ang ginawa kong paliligo at nag-bihis na. 10 na ng umaga at wala pa kong kain simula kagabi.
Bumaba ako sa baba para sa restaurant na lang ako kakain. Ayoko naman mag pa room service kasi baka makita nila yung stain sa bed sheet namin. Pagkapasok ko sa resto umupo kagad ako sa high chair kung saan tanaw na tanaw mo yung dagat.
Pineapple juice at burger lang ang inorder ko kahit gutom na gutom talaga ako. Gusto ko sana mag rice kaso tinatamad naman ako umorder.
Pagtapos ko kumain naglakad lakad muna ko sa sea shore, para lumanghap ng sariwang hangin. Hindi ko pa pala masyadong nalilibot tong buong resort. Kung simulan ko na kaya ngayon? Tama. Buti na lang at naka shorty shorty ako at white shirt at slippers ako ngayon.
Una kong pinuntahan yung pool area na di kalayuan dito. May apat na pool dito. Yung una pangbata medyo malaki sya. Yung pangalawa medyo malalim lang sya mas malaki naman to kesa sa isa. Tapos yung pangatlo, medyo maliit sya na square na may nakalagay na jacuzzi. At yung last napaka laki, may slides na rin sya.
Pagkatapos ko sa pool sa may outdoor activities naman ako pumunta na medyo kalayuan dito. Pagdating ko sa field kong saan lahat ng outdoor activities nandon. Pwede ka mag golf, mag basketball, at volleyball at kung ano ano pang outdoor games. Konti lang ang tao dito at karamihan puro babae at bakla, naglalaro sila ng volleyball.
Yung ibang parte naman nitong resort malayo na. Kailangan mong rent ng golf cart para mapuntahan 'yun. Kaya sa dagat na lang ako pupunta napansin ko kasi na may duyan sa dulo nun.
Pagdating ko sa beach pumunta kagad ako sa may dulo nun kung saan may lumang kubo at sa may bandang coconut tree naman may duyan at sakto walang nakaupo dun. Humiga kagad ako sa duyan at tinukod ko yung paa ko sa buhangin para gumalaw galaw yung duyan. Buti na lang at may puno dito kundi baka matusta ako sa sobrang init.
" Sayang hindi ko dala yung camera ko " madami pa naman akong nakikitang bata sa dika layuan na nagtatakbuhan. Ang sarap siguro maging bata ulit nuh, yung wala kang problemang iisipin, wala kang pakielam sa mundo at paglalaro lang ang iisipin mo. Yung tipong nasugatan at napagalitan ka lang ng magulang mo kaya ka umiiyak at candy lang ang nakakapagpasaya sayo. Memories
Pagtapos ko mag muni-muni sa may duyan nagpunta na uli ako sa resto para kumain. 12:12 na kasi at sakto nagugutom narin ako. Kung kanina nasa loob ako ng resto, ngayon naman nasa labas ako kung saan may mga pang apatan na tables.
Chicken soups at strawberry lime juice lang ang inorder. Habang kumakain ako nag ring yung cellphone ko, tinignan ko yung ID caller nung tumatawag at si Kristian yung tumatawag? Bakit kaya?
" oh bakit? " humigop ako ng mainit init na soup.
[Pack your things, uuwi na tayo]
" Teka bakit? Asan kaba? "
[ I'm on the way, I explain it to you later ]
" Teka kristian..... " tinignan ko yung cellphone, aba! Binabaan ako. Bastos.
Inubos ko na yung pagkain ko at pagtapos bumalik na ulit ako sa room namin. Dahil sa hindi ko naman masyadong nilabas yung gamit ko hindi ako nahirapan sa pagligpit ng mga gamit.
Pagtapos ko ayusin yung mga gamit ko at gamit na rin ni Kristian nakatanggap ako ng text mula sa kanya.
From: Kristian
I'm in the lobby, may pinapunta na ko jan para tulungan ka.
Pagtapos ko basahin yung text nya bigla na lang may nag door bell kaya pumunta ako sa may pinto at binuksan yun.
" Hi Ma'am Ailee. Ako po si Jericho. Nandun na po si Sir Kristian sa baba. Ako na po magdadala nang mga baggage nyo. " tumingin sya sa likod ko. Siguro hinahanap nya yung mga baggage namin.
" Upstairs " binigay ko sa kanya yung susi ng room namin at umalis na rin ako. Pagkababa ko sa elevator. Pumunta na kagad ako sa lobby nitong resort at luckily natanaw ko na kagad sya.
" Kristian " tumingin sya sakin kaya binilisan ko yung paglalakad ko. Kasabay nang pagupo ko sa tabi nya ang pagdating ni Jericho dala yung mga baggage namin. Tumayo na si Kristian kaya tumayo na rin ako at sumunod sa kanya.
Hindi nya ko pinagbuksan ng pinto kaya nagkusa na lang ako. Ungentleman. Pagkatapos ilagay ni Jericho yung mga gamit namin. Nagpaalam na kami at umalis. Naging tahimik ang byahe namin kaya nagsalita na ko.
" So.... Bakit nga pala napa aga yung uwi natin? " tinignan ko sya pero mukha wala ata syang sa mood sagutin yung tanong ko " Okay.... Wag mo na l---- "
" Napaaga yung business trip namin ni Daddy sa Texas kaya uuwi na kagad tayo " teka aalis nanaman sya. Hindi pa nga kami nakakapag bonding masyado, tapos aalis nanaman sya
" Teka kailan alis mo? at ilang araw ka dun? " sigurado naman na tatagal sya dun lalo na at kasama nya si Tito..
" Mamayang gabi na ang alis ko, siguro mga 1 or 2 months " napanganga naman ako sa sinabi nya akala ko naman mga weeks lang tapos months na pala. " Dun ka muna matulog sa bahay nila Tita Andrea hanggang sa makauwi ako. Pag nakauwi na ko dun na tayo tumira sa bahay na pinagawa ng mga magulang natin " oo nga pala. May two storey house na pinagawa sila, para samin daw yun. Kaso hindi pa masyado tapos, kulang na lang yung mga furniture kaya hindi kami nag honey moon dun.
" K. " tumingin na lang ako sa bintana at naiglip
--------------------
" WAAAAAAAAAHHH!! Ailee Be! Gising na kakain na " nagising ako sa paguyog sakin
" Bakit ba kristian? Inaantok pa ko " nagtaklob ako ng kumot at isang malakas na tawa ang narinig ko. Kelan pa tumawa ng malakas si Kristian?
" Lalaki ka na pala Avril eh. Sige gisingin mo pa. Pero boses lalaki naman " bakit ang iba pang tao dito sa kwarto namin ni Kristian? Tapos pamilyar pa yung boses.
" Kalirkey ka kuya huh! Pero sige. EHEM EHEM Wifey it's time for dinner.... "
" Galing mo Ril ha! " sa sobrang inis ko dahil mukhang pinagtritripan nila ako. Bumangon ako
" Putangna yan Kris--- " napahito ako sa sasabihin ko ng mapansin ko na wala ako sa room namin at hindi si Kristian ang kaharap ko ngayon. " Kuya Aids, Ate Avril. Anong ginagawa nyo dito sa palawan diba dapat nasa maynila kayo? " isang malakas na batok ang nakuha ko kay Ate Avril at tumatawa naman si Kuya Aids " Aray! " napakamot naman ako sa ulo ko. Ma sa kit
" Anong palawan palawan ka jan! For your information you are in MANILA! You heard it right MA-NI-LA " ginaya nya pa yung boses ni Yaya dub nung kausap nya si Cindy " At porket nasarapan ka sa Palawan eh iniwan mo na rin dun yung utak mo " dun lang na rehistro sakin na umuwi na pala kami ng maynila ni Kristian. Pero asan sya?
" Asan si Kristian? " tanong ko sa kanila
" Aba ewan, inuwi ka na lang nya dito ng walang malay, ang akala nya ni Mother Moon eh nasagasaan ka daw kasi tulog ka. " tumingin ako sa side table ko kung asan yung alarm clock at muntik na ko malaglag sa kama
" OMYGOSH! 8 na!! " pano na yan. Hindi ko na ihatid si Kristian sa airport ang alam ko mga 7 or 6 ang flight nya.
" Oh ano naman meron sa Eight? " takang tanong ni Kuya Aids habang nakasandal sa pintuan ng kwarto ko.
" Hindi ko na ihatid si Kristian sa airport. Baka magalit sakin 'yun "
" Ay oo nga pala bunso, kami ang sumundo sayo sa airport, diretsyo Texas na daw kasi sila ni Tito. Eh masydo ata napahaba ang tulog mo kaya ngayon ka lang nagising " para naman na lungkot ako, hindi man lang ako nakapag-paalam.
Kelan kaya sya uuwi? At bakit sobrang tagal naman ng meeting niya dun? Bakit di niya na lang ako sinama para naman kahit papaano makapag bonding kaming dalawa.
Lumabas na sila Kuya at ako naman ay dumiretsyo sa banyo para maghilamos. Bumaba na din kagad para sumabay sa kanilang kumain.
" Kamusta naman ang honeymoon mo anak? Maganda ba sa resort nila?" tanong ni daddy.
" Okay naman po daddy, malaki po yung resort kaya kulang ang isang araw para libutin 'yun sa sobrang laki" sabi ko.
" Buti naman at halatang nag-enjoy ka anak" sabi ni daddy at nagpatuloy na sa pagkain.
" Girl asan pasalubong ko? Asan na yung papabels na pinapahanap ko sayo?" tanong ni kuya Avril.
Shock! Nakalimutan ko bumili ng souvenirs! Si Kristian naman kasi nagmamadaling umuwi. Ang plano ko pa naman sana is bukas ng umaga bumili dahil bukas naman ng hapon yung flight namin. Kaasar
" Hehehe, wala kuya eh " nahihiya kong sabi. " Biglaan kasi yung uwi namin kaya nakalimutan kong bumili ng souvenirs sa resort"
" Hala! Ako din anak wala?" tanong ni mommy. Ngumuso pa ito kaya natatawa itong hinalikan ni daddy sa pisngi.
" Stop pouting love" mahina nitong bulong pero rinig na rinig naman namin. Tinignan ko yung mga reaksyon ng kuya ko at kanya kanya sila ng ginagawa.
" Eh kasi si princess ko sabi ko bilhan ako ng pasalubong hindi naman bumili" sabi ni mommy.
" Mom may binili ako para sayo, ikaw lang nabilhan ko eh. Pasensya na mga boys, wala pa kong allowance"
Masaya kaming kumain habang nagkwekwentuhan. Pagtapos namin kumain nagyaya si mommy na manuod ng movie sa sala kaya walang nagawa yung mga kuya ko dahil si mommy ang batas dito sa bahay.
" Umusog ka nga dun Adrian masyado mo na kong sinisiksik dito" sabi ni Kuya Alex kay kuya aids at tinulak ito.
" Ay may tulakang nagaganap? Kung pag-jombagin ko kayo dalawa gusto niyo?" sabi ni Kuya Avril dahil silang tatlo ang magkakatabi habang nasa gitna ako nila mommy at daddy.
" boys manahimik na kayo, magagalit ang mommy niyo sa inyo" saway ni daddy sa kanilang tatlo.
Horror kasi ang naisipang panuodin ni mommy at etong si Kuya Adrian masyado itong duwag pagdating sa mga horror kaya siguro dikit ito ng dikit kay Kuya Alex na halatang inis na inis na.
Pagtapos namin manuod nag kanya kanya na kaming balik sa kwarto namin para matulog.
Kinuha ko kagad yung cellphone ko at nagbabaka sakali na baka may text si Kristian pero wala. 17 hours pa naman ang flight nun kaya sigurado nagpapahinga 'yun ngayon.
Nag compose na lang ako ng message para sa kanya.
To: Kristian
Hi! Kumain na kami ng dinner and I hope you too. Goodnight
Sent