Chapter 4

1871 Words
Pagtapos ko maligo, lumabas na ko ng banyo. Nasaan na yung lalaki na yun? Paglabas ko kasi wala na sya . Tinignan ko yung wall clock na nasa may gilid at 5 na ng hapon malapit na palang mag gabi. Umupo muna ko sa kama at pinapatuyo ko yung buhok ko gamit yung twalya. Tinignan ko yung box na dala dala ko kanina. May nakalagay na sticky notes dun kaya kinuha ko at binasa. " Open the box and wear it, i'll meet you in Bar'Letizia. 7 o'clock in the evening" -Kristian. Binuksan ko yung box at isang pulang long dress na may spaghetti strap ang bumungad sakin. Kinuha ko yun at tinaas. Halatang mamahalin yung tela kasi kapag tinapat mo sa liwanag kumikinang yung tela. May high heels na din na kulay Red sa box at pouch na kulay Red din at yung mga accessories meron din at lahat yun kulay red. Para namang birthday ko ata ngayon kasi puro pula. Pero saan naman kaya kami pupunta? At bakit ganto yung suot ko? Hayaan na nga. Mas maigi na siguro na mag-ayos na ko kesa sa mag-isip ako ng kung ano ano. Tatanungin ko na lang si Kristian kapag nagkita kami mamaya. Nagsimula na kong ayusan yung sarili ko, buti na lang at tinuruan ako ni Kuya'Ate Avril kung pano magmake up. Simpleng make-up lang ang ginawa ko sa sarili ko at yung buhok ko ginawa ko lang bun na medyo mababa at nilagyan ko ng maliliit na sticky diamond yung buhok ko, medyo inabot din ako ng 6:30 sa pagaayos ng buhok ko at sa pagsuot ko ng damit, sapatos at mga kakikayan inabot ako ng 6:45 kaya nagmadali na ko. Paglabas ko ng room ko halos matipalok ako sa heels ko dahil tinakbo ko na papunta sa elevator buti na lang at nakahawak ako sa pader kundi dapa na ko ngayon. Pagpasok ko sa elevator sa ground floor ang punta ko. Pagbaba ng pagbaba ng elevator pumunta kagad ako sa may entrance nitong resort. Paglabas ko nakita ko na kagad si Kuya Jerome sakay ng isang Golf cart. Teka dito lang din ba yung Bar'Letizia? " Magandang gabi Ma'am Ailee. Sakay na ho kayo dahil kanina pa po kayo hinihintay ni Sir Kristian " tinignan ko yung orasan at Waaaaaaaaaahhh! Ilang minuto na lang at seven na kaya sumakay na ko sa may back seat nitong Golf cart. Pwede pala maggolf dito? Akala ko puro pang beach lang yung mga activities dito. Dumaan kami sa malapit sa dagat kaya damang dama ko yung malakas na ihip ng hangin. Hindi naman kami ganun katagal bago nakarating sa Bar na pupuntahan namin. " Salamat po Kuya Jerome " nakangiti kong sabi pagkababa ko. Maglalakad pa ko ng konti para makapasok sa loob ng bar. " Walang anuman Ma'am Ailee. Mauna na po ako at magenjoy po kayo sa gabing ito " nakangiti nyang sabi at tumango na lang ako at umalis na sya. May mga pasikot sikot pa kong dinaanan bago ako nakarating mismo sa harap ng Bar na to. Sa labas pa lang rinig na rinig ko na yung kanta na pinapatugtog sa loob at medyo na aamoy ko na yung alak. Medyo malayo pa ko pero kitang kita ko na si Kristian na naka Gray tuxedo at nagaabang sa labas ng bar kaya lumapit ako sa kanya. " Bakit ang tagal mo? At late ka na " inis nyang sabi kaya tumingin ako sa wrist watch ko kung late ba talaga ako pero may 2 minutes pa naman bago mag seven. OA ah parang di nalate sa buong buhay niya. " Hindi pa kaya ako late. Tignan mo " hinarap ko sa kanya yung wrist watch ko " May 2 minutes pa ko " tinabig nya yung kamay ko pero mahina lang at hinawakan yun. " Tss " pumasok na kami sa loob ng bar at sa pagpasok namin makapal na usok kagad ang bumungad samin. Pero onti onti din yung nawala ng mag lakad ulit kami. Marami-rami na rin ang tao na nasa loob at halos lahat sila naka dress at naka tuxedo at mukhang galing sila sa mayayamang pamilya at may mga nakikita din akong ilang personalities na madalas kong makita sa tv. Sosyal naman pala ng party na to. " Bro! Mabuti naka punta yang asawa mo. " sabi nung lalaki na bigla na lang lumitaw sa harap namin " Pakilala mo naman ako " dagdag nya pa. Tinignan ko si Kristian at nakatingin din sya sakin. Ayiiiieeeee kinikilig ako. " Jerald si Ailee my wife and Ailee si Jerald bestfriend ko nung Highschool " nagshake hands kami dalawa at pinaupo kami nung Jerald sa VIP nitong bar. Iniwan muna ako ni Kristian dito kasi may gagawin lang daw sya, hindi naman ako nagalit kasi nandito naman si Jerald at sobrang ma kwento sya. " Bakit pala hindi ka nakasama nung sinundo ako ni Kristian sa Airport? " sabi nya sakin welcome back party daw to para sakanya. Pagtapos na pagtapos nya kasi sa highschool pumunta na daw sya sa Japan para dun mag-aral " Huh? Kelan ka sinundo ni Kristian? Wala naman sya sinasabi sakin " " Kahapon lang. Medyo ginabi na nga sya umuwi kasi hindi ko pa sya pinaalis. Oy sorry huh " kahit hindi ko masyadong nag sink in sakin yung sinabi nya tumango na lang ako at ngumiti. " Nag iinom kaba? " tanong nya " Hindi eh " sagot ko " Bakit naman? Sige na try mo lang kahit onti lang. Tska welcome gift mo na rin sakin to " may nilagay sya sa baso na alak at nilapag yun sa harap ko kasama yung lemon na hiniwa hiwa. " Baka magalit sakin si Kristian " tinignan ko yung baso na nasa harap ko. Anong gagawin ko dito? Baka magalit talaga sakin si Kristian. " Hindi yan, ako bahala sayo. Tska welcome party ko naman kaya okay lang yan sa kanya. " hindi na ko tumanggi kasi sya naman daw bahala sakin. Tska welcome gift ko na rin naman to. Ininom ko yung baso na may alak at sumipsip kagad ako sa lemon. Medyo naweirduhan pa ko sa laso ng alak pero nung sinabayan ko ng lemon medyo masarap sya pero lasa paring alak. " Isa pa nga " sabi ko kay Jerald. Nginitian nya na lang ako at nilagyan nya pa ng alak yung baso ko. Ininom ko ulit 'yun at simipsip ulit sa lemon. Medyo uminit na yung tyan ko at yung lalamunan ko pero hindi pa naman ako nahihilo. Di pa naman ako nag didiner kaya siguro ganito nararamdaman ko. Hingi lang ako ng hingi kay Jerald hanggang sa mahilo na ko. Ganto pala yung feeling na nalalasing parang umiikot yung paligid. Aminin ko NEVER pa kong uminom ng hard drinks in my whole life pero syempre nainom lang ako ng mga beer and light drinks. Sabi kasi sakin ng mga kuya ko wag daw ako uminom ng mga hard drinks kung may kasama akong lalaki baka daw kasi may gawin sakin masama pero kapag babae naman ang kasama ko pwede naman pero light lang dapat. Ang hirap talaga maging bunso kasi overprotective sayo yung mga kuya mo pero syempre thankful parin ako kasi may kuya ako at mahal na mahal ako. " Ano okay ka lang Ailee? " tinignan ko si Jerald at Wow may kambal pala sya " Hindi mo *hik* sinasabi *hik* may kambal *hik* ka pala? " tinuro turo ko pa yung kambal nya " Hindi ka na nga okay " " May *hik* sinasabi ka ba? " tumayo sya at nagsimulang maglakad " O-oy! *hik* Jerald san ka *hik* pupunta? Iwan mo ma dito *hik* yung kambal mo! " sigaw ko sa kanya. Iiwanan ba naman kasi ako dito.... At ako lang magisa. Hindi nya pa iiwan yung kakambal nya. " Tatawagin ko lang si Kristian at ipauuwi na kita " at umalis. Ano daw sabi? Sinong Kristian? At bakit pinapauwi nya na ko? Ayaw nya ba ko dito? " Bala ka jan " buti na lang at nung umalis na sya eh may dumaan na waiter na may dalang mga alak kaya kumuha ulit ako. Medyo iba na yung lasa nito kasi yung kanina medyo mapait pero eto naman may pagkatamis-tamis. Anong alak kaya to at nang mabili. Naubos ko na yung isang bote pero walang Jerald parin na dumating kahit yung kambal nya wala. Kinuha ko yung huling alak na meron sa baso pero may humawak sa kamay ko kaya hindi ko nakuha yun. " Tama na yan. Umuwi na tayo " at hinila nya ko pero humawak ako sa lamesa para hindi nya ko mahila. Sino naman tong lalaki na to! " Ayoko pang umuwi! *hik* gusto ko lang dito " kahit anong paghila ko sa kamay ko na hawak nya ayaw nya parin akong bitawan. " Sino kaba? " huminahon na lang ako at tinignan sya ng maiigi. Medyo blur yung nakikita ko kaya nilapit ko yung mukha ko sa mukha nya " Kristian " mahina nyang sabi. Kristian? May Kristian ba kong kilala? Ay! Oo yung asawa kong moody na daig pa ang babae kung makaarte. " Ahhhh.. Si Kristian yung asawa ko. Ikaw pala yun. *hik* hihihihihihi. Halika Hubby inom muna tayo. Tara " hinawakan ko yung kamay nya at hinila pabalik dun sa table na nakaupo ako kanina. " Bakit hubby? Ayaw mo ba? " napansin ko kasi na kahit anong hila ko parang hindi naman sya nagalaw. " Uwi na tayo lasing kana " mag rereklamo pa sana ako pero binuhat nya na ko ng parang bagong kasal. " San *hik* moko dadalhin? " tanong ko sa kanya pero hindi nya ko sinagot. Naramdaman ko na lang na nilapag nya ko sa malambot na bagay at bigla na lang sya nawala. Sa pagkakatansya ko nasa kotse nya kami. Amoy pa lang ng sasakyan nya lalaking lalaki na. Ilang babae na kaya ang nakasakay dito? At pang ilan ako? Umidlip muna ko at maya-maya, narinig kong may sumarang pinto at nagbukas yung pinto sa may gilid ko. At ilang saglit nakalutang na ko sa langit. I mean buhat buhat na ko ni Hubby ko. Nagsimula na syang maglakad at maya-maya pa. Naramdaman ko na lang na nilapag nya ko sa malambot na bagay. " Ang hirap mo rin pala kapag lasing nuh! " inis nyang sabi sakin. Kahit nakapikit ako na iimagine ko na namumula na yung tenga nya. Ganun kasi sya kapag naiinis o nagagalit namumula yung tenga niya. Tumahimik ang buong lugar at tangi yung aircon lang ang naririnig ko. Narinig kong nagbukas yung pinto at ilang saglit nagbukas uli yun at nagsara. Gusto ko man idilat yung mata ko para tignan kung sino yun pero ayaw. Naramdaman ko na lang na may malamig na bagay ang dumadampi sa mukha ko. Medyo idinilat ko yung mata ko at mukha kagad ni Kristian ang nakita ko. Yung maamo nyang mukha. Yung mga ilong nya na matangos at yung mga pilik mata nya na mahaba. Bakit ang gwapo nitong lalaki na to? Tapos... Tapos yung mga mapupula nyang labi na kahit hindi maglipstick ang pula pula. Parang gusto ko tuloy tikman yung labi nya. Inilagay ko sa leeg nya yung kamay ko at inilapit ko yung mukha nya sa mukha ko at hinalikan ko sya. Nung una hindi sya gumalaw pero ilang sandali tinugon nya na yung mga halik ko. Hindi ko alam kung anong sumapi sakin at mas lalo kong diniin yung mga labi nya sa labi ko. Nakakaadik Naramdaman ko na lang yung kamay ni Kristian papunta kung saan saan sa parte ng katawan habang yung mga halik nya pababa ng pababa hanggang sa leeg ko. " Take me please " sabi ko sa pagitan ng mga halik nya. " I will " sa isang iglap wala na kong kahit anong dami sa katawan pati yung bra ko wala na pero yung underwear ko nandito pa. Para akong nahimasmasan nang hubarin nya yung damit na suot nya. Tama ba to? Hindi naman ata to masama dahil magasawa na kami. Hinalikan nya uli ako at tinugon ko iyon. And we make Love....... NO, this isn't love We just make LUST in the moonlight....
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD