Chapter 3

1363 Words
Buhat buhat parin ako ni Kristian hanggang mapadpad kami sa parking lot at sinakay nya ko sa loob nang kotse nya. " San ba tayo pupunta? Tska andito si Kuya Jerome baka nag-aantay na yun " siya na yung nagsuot ng seatbelt ko at pagtapos umikot na siya para pumunta sa driver seat. Aba hindi nya pa ko sinasagot ah " San ba kasi tayo pupunta? Si Kuya Jerome dun. Kawawa yun " pangungulit ko sa kanya. Siya naman poker face lang. Ang hirap talaga kapag abnormal ang asawa mo. Naging tahimik ang byahe namin kung saan man kami pupunta pero mukhang pabalik na kami sa resort dahil yung ibang daan na nakikita ko natatandaan ko pa. " Don't call him kuya, you two are not relative. At ano bang ginagawa mo sa mall? At tska sino kasama mo? " walang gana nyang sabi habang nagmamaneho. " Look naboring lang ako kaya nagpunta ako ng mall. Tska dahil mas matanda sya sakin Kuya ang tawag ko sa kanya, wala naman masama dun diba? At isa pa wala akong kasama " nakabusangot ko sabi, sa daan na lang ako tumingin at pinagmasdan ang paglubog ng araw. Mag-gagabi na pala napatagal ata ako sa pamamasyal kaya galit na galit sakin ang asawa ko. Pero anong ginagawa nya sa mall? Tska ano yung dalawang malaking box na nakita ko back seat? Para sakin ba yun? Tss ako bibigyan ng regalo ni Kristian, asa pa Ailee. " Tss " mahina nyang sabi. Ilang sandali kang nakarating na kami sa tapat ng resort. Dali dali akong bumaba dahil bumaba na rin si Kristian, kinuha nya muna yung dalawang box at binigay niya yun sakin. " Teka.... Anong gagawin ko dito " medyo naout-balance ako pa ko dahil bigla niya na lang binigay sakin yun buti na lang mabilis reflexes ko. " Carry it " simple nyang sagot at naunang maglakad. Ano ba yan, may dala pa nga akong dalawang paper bag tapos pabubuhatin nya pa ko ng malaking box, pero infairness hindi gaano mabigat yung box huh. Ano kaya laman nito at sobrang gaan pero sobrang laki naman ng box. Hayaan na nga. " Oy Kristian, wait mo ko " tumakbo na ko para mahabol ko si Kristian na kasasakay lang ng elevator. Aba hindi ako hinintay. Walang kwentang asawa. Walang kwentang lalaki. Sa kabilang elevator na nga ako sasakay. Piste! Pagbukas na pagbukas ng elevator sumakay na kagad ako, pipindutin ko na sana yung close button nang may humarang na kamay doon. " Wait up " sabi ni kuyang gwapo. Pumasok na sya sa loob at tumabi sakin. Pinindot ko na yung close button at pinindot ko na rin yung button kong sang palapag yung room namin. " Mister anong floor ka bababa? " sabi ko kay kuyang gwapo. " Ahmmm, 5th floor" parehas lang pala kami ng bababaan. " You need help? " napapansin rin pala ni kuyang pogi na nahihirapan ako. " No thanks " nang makarating kami sa floor na bababaan namin, lumabas na ko. Grabe sobrang na ngangalay na ko. Ang laki ba naman kasi nitong box na to. Hindi ko na nga makita yung dinadaan ko at dahil nga sa hindi ko makita yung dinadaanan ko natapilok ako. Pumikit na lang ako para mas damang dama ko yung pagbagsak pero bakit parang hindi naman ata ako bumagsak " Now you need help? " bakit hindi pa umaalis tong si Kuyang pogi. " Okay " umayos na ko ng tayo at binigay lahat ng dala dala ko sa kanya. Hindi naman sya umangal, natawa pa nga eh, la parang baliw. " What's your name? " tanong nya sakin. Ihahatid na nya daw ako sa harap ng room ko. Kasi malapit lang din daw yung room nya dun. " Ailee Aguilar, and you? " medyo malapit na kami sa room ko, isang liko na lang at nandun na kami " Amiel John pero AJ na lang for short " nakangiti nyang sabi. Lumiko na kami at malayo pa lang ako tanaw ko na si Kristian na nakatayo sa pinto. Mukhang hinihintay nya ko kasi yung isang box na daladala nya nakalapag sa may gilid. " Sino sya? Kuya mo?" tanong nito. " Ahmmm hindi -- " " Ailee halika na " hinawakan ako sa kamay ni Kristian na mahigpit halos madurog na yung kamay ko sa sobrang higpit " Aray ko Kristian, bitawan mo ko " nagpupumiglas ako pero sobrang higpit parin ng pagkakahawak nya. Hinila ako ni Kristian papasok sa loob pero humawak ako sa may pinto para hindi ako makapasok. Yung mga dalahin ko kasi hindi ko pa nakukuha. " Pare, ayaw nung babae. Bitawan mo na " hinawakan ni Aj yung balikat ni Kristian para pigilan ito pero tinabig lang 'yun ni Kristian. Binitawan na ko ni Kristian at humarap sya kay Aj. Bakas sa mukha nya na galit sya. Teka! Bakit ba sya nagagalit? Akala ko susuntukin na ni Kristian si Aj pero kinuha nya lang pala yung bitbit ni Aj at yung isa pang box na nasa gilid. " Salamat sa paghatid sa Asawa ko " at sinarado nya na yung pinto. Gusto kong kiligin dahil sa pagsabi nya ng Asawa ko pero syempre sakin na lang baka makahalata pa yung ASAWA KO. Nilagay nya sa kama yung dalawang box at yung mga pinamili ko. " Who the hell is that? " inis nyang sabi sakin. " Hmmmm. Aj " mahina kong sabi. Kinuha ko yung mga pinamili ko at kinuha ko yung baby shoes na binili ko. " What the! May anak kana! Kailan pa? Bakit hindi ko alam! Alam ba to nila Tito at tita? Sino ang ama! " teka teka! Ano bang pinagiisip nitong si Kristian. Kinuha nya yung baby shoes. " Oy! Oy akin yan " pilit kong inabot yung baby shoes pero tinaas nya pa yun sa ere. Bakit kasi matangkad tong si Kristian? Kainis!! " Sagutin mo muna yung mga tanong ko, bago ko ibigay sayo to " wala na kong ibang choice kundi ang tumungtong sa kama at talunan sya. Tumungtong na ko sa kama at bumwelo muna ko at tumalon ako sa kanya. Napalakas ata ang pagtalon ko kaya napaatras sya. " Ailee! Baba! " inis nyang sabi pero hindi ako nakinig at sumampa pa lalo ako sa kanya at pilit na inaabot yung baby shoes na binili ko. " Ayoko! Akin na muna 'yan! " umikot ikot na sya para malaglag ako pero mas lalo akong kumapit sa kanya. Ayoko ngang mafall, wala naman sasalo sakin. " Ailee! " hindi ako nakinig sa kanya at pilit inabot yung baby shoes na binili ko na na nasa likod naman nya ngayon. Lalo pa syang umikot ikot at hindi nya at napansin na malapit na kami sa maleta namin. " Kristian yung mal--- " huli na para balaan ko pa sya kasi natisod na sya at bumagsak kami sa sahig. At ang pwesto namin ay nasa ibabaw sya at ako ang nasa ilalim. Hindi naman ako masyadong nasaktan kasi yung kamay nya nakayakap sakin, pero yung ulo ko medyo masakit. Tinignan ko yung mga mata na Kristian na mukhang nagaalala at humihingi nang sorry kaya nginitian ko na lang sya at ngumiti din sya. WOW!! Ngayon ko lang nakitang ngumiti si Kristian lagi kasi syang nakasimangot at naka poker face. Ilang sandali pa kaming nagtitigan at maya maya, onti onti syang pumikit at nilapit nya yung mukha nya sakin. OMYGOD!! Hahalikan nya ba ko? What to do? What to do? Should I close my eyes? Sige na nga. Pinikit ko yung mga mata ko at ilang sandali naglapad na ang mga labi namin. Nagsimula na syang gumalaw at syempre sinabayan ko sya. *Tok.Tok.Tok.Tok* Napabalikwas kami nang may kumatok. Umupo ako sa sahig at kinuha ko yung baby shoes na hawak hawak parin ni Kristian pero nung kinuha ko hindi na sya pumalag. " Buksan mo na yung pinto magCCR lang ako " sabi ko at tumakbo ako papunta sa Cr at agad na sinarado yung pinto at nilock. Shit! Anong nangyare? Waah! Kinikilig ako! Kinikilig ako! Hinawakan ko yung labi ko at Waaaaaaaaaahhhh! Kinikilig talaga ako! My first kiss is my husband.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD