Chapter 2

1930 Words
Nagising ako nang may naramdaman akong mabigat na bagay sa binti ko kaya bumangon kagad ako. Si Kristian lang pala na mahimbing na natutulog. Teka pano sya nakapasok dito kung nasakin yung susi ng kwarto? May lahi ba syang magnanakaw ? Hindi naman pwede kasi mayaman naman sila. (Tska hello self uso ang humingi ng duplicate sa front desk) Well hayaan na nga at least nandito na sya. Anong oras kaya sya umuwi at hindi ko namalayan. Sa sobrang antok ko ba naman malamang di ko talaga mamamalayan 'yan. Sumasakit nga ang braso ko dahil di ata ako gumalaw sa kinahihigaan ko sa buong gabi. Tinignan kong ng maigi ang maamong mukha ni Kristian, bakit parang ang lambing ng mukha nya kapag natutulog? Pero kapag gising mukhang gwapong halimaw. Hinawi ko yung mga buhok na nakaharang sa mga magaganda nyang mata. Bakit parang mas mukha syang babae kesa sakin? His pinkish kissable lips, and the long slight curl lashes and the pointy nose. Gaadd! Why his perfect? No hindi pa pala sya perfect, he is not a perfect husband to me. Geez! Bakit ang drama ko naman? Back in real life Ailee, come on! Isa kang strong independent women na nabuhay sa mundo ng 23 years para lang mahibang sa iisang lalaki. Bakit na naman kasi ang bait ko nung kabataan ko, kung alam ko lang na matatali ako ng ganito sa lalaking hindi naman ako mahal edi sana naghanap ako ng boyfriend na mas hot at gwapo kesa sa lalaki na to. Tse! Matapos ko pagpantasyahan ang gwapo kong asawa, naisipan ko na maligo muna at maglakad lakad sa labas. Pagtapos ko maligo, two piece bikini lang ang suot ko ko para sa undergarment and some loose shirt and a Shorty shorty. Nagdala na rin ako ng Camera and Shades dahil medyo maaraw na sa labas. Hinalikan ko muna sa noo si Kristian bago tuluyang lumabas. Pagbaba ko sa baba kinuhaan ko kagad ng picture ang entrance nitong resort. Lahat ng makita kong maganda pinicturan ko even it's a flower and stone. Medyo malakas yung ihip ng hangin dito sa may beach kesa dun sa may pool. Picture doon, picture dyan. Basta lahat ng makita ko pinipicturan ko. Pipicturan ko sana yung puno ng niyog nang may napansin akong pamilyar na babae na nakatayo dun. Nang rumihestro na sa utak ko kung sino yun, dali dali akong lumapit sa kanya habang tinatawag sya. " Missy!" lumingon sya sakin, nung una nakakunot yung noo nya pero nung makilala nya ko, sinalubong nya ko. " Hi Ailee girl. Long time no see " niyakap nya ko at nakipagbeso beso sya. " Oo nga Girl eh, so how was France? " kalahati kasi ng college nya ay sa france na sya nag-aral, sabi ng iba kailangan daw pero para sakin kaya sya lumipat ay para magmove-on. Naka move naba sya kay Kristian? " It's nice, ikaw kamusta ka? " naglakad lakad kami in the seashore. " Eto okay lang, kelan ka pa pala dumating? " sinisipa ko yung mga maliliit na bato na nadadaanan ko. " Actually kagabi lang. " napatigil naman ako sa paglalakad, hindi kaya, umalis si Kristian kagabi para sunduin si Missy sa airport? No baka naprapranning lang ako. " Bakit pala dito ang diretsyo mo at hindi sa manila? " sumabay na ko sa kanya " Well, namiss ko ang bora kaya dito na kagad ako, tska mga 3 or 4 day lang naman ako dito " nanadya ba sya o sadyang tadhana lang na sa isa sa mga araw na yun uuwi na rin kami ni Kristian. Speaking about kristian, alam nya na bang kasal na yun sakin? Maybe not, maybe yes. " Okay " napatigil kami ni Missy sa paglalakad ng may tumawag sa pangalan ko. " Ailee! " sigaw nya pa lang natatakot na ko. Pano kapag nakaharap ni Missy si Kristian, babalik kaya sila ulit sa dati? Babalik kaya yung pagmamahal ni Missy para kay Kristian? Pero nawala ba talaga yung pagmamahal na yun? Wala akong ibang magagawa kundi ang lingunin sya at hayaang magkita ang dalawa. " Kanina pa kita hinahanap san kaba galing! " mukhang hindi nya napansin si Missy na nasa tabi ko dahil galit sya sakin. " Naglakad lakad lang ako. Tska kristian si.... Missy " napatingin naman sya kay Missy. Aba't nagtitigan pa silang dalawa. Yung mga mata nila para nag-uusap. " Tara na Ailee " hinila ako ni Kristian palayo kay Missy. " See ya around na lang Missy " nagwave ako sa kanya at nginitian nya na lang ako at umalis na rin sya. Hatak hatak parin ako ni Kristian at hindi ko alam kung san kami pupunta. " Kristian, san tayo pupunta? " tanong ko habang naglalakad kami at hila hila nya parin ako. " Kakain " simple nyang sagot. Hayzt! Akala ko naman ay ikukulong nya ko sa room namin at gagahasain ako. What the! did i say Gahasain. Ang dumi naman ng utak ko. Ako gagahasain ni Kristian. No way! Ako kasi gagahasa sa kanya hahaha. Nakarating narin kami sa Resto habang hatak hatak parin ako ni Kristian. Geez..... Ang hapdi ng pagkakahawak nya sakin. Naupo kami sa isa sa mga vacant table at umorder. Isang American Breakfast lang ang inorder ko habang si Kristian Kape at Sandwich lang. Tahimik lang kaming dalawa hanggang makarating na yung order namin. At habang kumakain kami tahimik parin. " About pala dun kanina..... " pagbasag ko sa katahimikan. Sasabihin ko pa sana yung sunod kong sasabihin nang magsalita sya " kung tungkol lang kay Missy to, wag mo nang ituloy dahil wala ako pakielam " sabi nya at ininom nya yung kape nyan ako naman kinain ko na lang yung pagkain ko. Hanggang matapos kami kumain hindi parin kami nag-imikan. " Mauna kana may pupuntahan na lang ako " hinalikan nya ko sa noo at umalis " Teka Kristian saan ka pupunta..... " malayo na sya kaya hindi nya na siguro narinig yung sinabi ko. Ano naman ang gagawin ko ngayon? Lagi niya na lang ako iniiwan. Mag shopping na lang kaya ako? Pwede rin. May binigay naman sakin si Kristian na credit card kung may gusto daw ako dalhin. Ayon na lang gagawin ko pang tanggal ng inip sa maghapon. Tinawagan ko si Kuya Jerome para sunduin ako, buti na lang at may sariling sasakyan si Kristian dito at hindi nya na kailangan si Kuya jerome para maghatid sundo sa kanya. Bago muna ko umalis nag bihis muna ko sa room namin ng fitted na pantaloon at loose blouse. At pagkatapos ko magbihis bumaba na rin ako kasi nagtext si Kuya Jerome na nasa labas na daw sya ng resort. Pagbaba ko pa lang nakita ko nakagad yung itim na sasakyan na ginamit namin kagabi kaya pumunta na ko dun at sumakay sa back seat. " Saan po ang punta natin Mrs. Aguilar? " parang ang sarap naman at pakinggan yung Mrs. Aguilar. " Sa malapit na mall lang po " tumango na lang si Kuya Jerome at nagmaneho na paalis sa resort. Tumingin ako daan at pinagmasdan ang mga bawat daan na dinadaanan namin. San kaya pumunta si Kristian kagabi? At bakit anong oras na syang umuwi. Teka diba kasama nya si Kuya Jerome kagabi? Oo tama! Tatanungin ko na lang si Kuya Jerome kung saan sila nagpunta kagabi " Ahmmm. Kuya Jerome, san kayo galing ni Kristian kagabi? " tumingin muna sya sakin at ngumiti " Sa Airport po Ma'am, pero hindi ko na po alam kung saan na ulit sya pumunta pagkagaling nya sa Airport kasi po pinauwi nya na ko " ano naman kaya ang ginawa nya sa Airport? Di kaya sinundo nya si Missy? Hindi.... Hindi pwede kasi mukhang nakamove on na si Kristian sa kanya, dahil nung pinagusapan namin sya kanina at ang sabi niya wala siya pakielam. Tumahimik na lang ako hanggang nakarating kami ng Mall mas malaki tong mall na to kesa sa mga mall nakakikita ko sa maynila. Sinabihan ko si Kuya jerome na magikot ikot na muna siya dahil medyo matatagalan pa ko. Pagpasok ko sa mall, dumirestyo kagad ako sa Disney Store para bilhin yung mga gusto ni Mama na Ariel ng Little Mermaid. Ewan ko ba kay mama kung bakit yung isdang yun pa ang nagustuhan samantalang nanjan naman si Cinderella at Belle, Si Jasmine at Mulan. Ang sabi nya sakin Ariel daw dapat ang pangalan ko pero mabuti na lang at nakatulog nung mga panahon na 'yun si Mama at Ailee ang pinangalan sakin ni papa kung hindi Ariel talaga ang pangalan ko kung nagkataon. But Ariel is not a bad name after all. I find it cute actually kaso mas trip ko ang pangalang Ailee. Nang mapadpad ako sa section ni Ariel kinuha ko na kagad lahat ng makita ko, nang mabayaran ko na lumabas na ko at naglibot libot. Napadpad ako sa Baby's Clothing kaya pumasok ako. Ang cute cute ng mga damit ng baby lalo na yung mga damit at yung mga tiny shoes. Kelan kaya ako magkakababy. " Ilang months na po si Baby Mommy? May mga size po kami " sabi nung sales lady. Tinignan ko yung hawak ko na Baby pink na sapatos na may ribbon sa unahan. Kung bilhin ko kaya to. Pero para saan naman? Souvenir? Pwede rin. Sige bibilhin ko na lang to in case na magkakababy kami ni Kristian..... Parang nalungkot naman ako ng maisip ko na kahit kailan hindi kami magkakaroon ng baby. " Sige eto na lang " binigay ko dun sa saleslady yung cute na sapatos at nagtungo kami sa counter. Pagtapos ko mabayaran naglibot libot muna ko hanggang napadpad ako sa isang tagong Resto. " Wow nagtitinda pala sila ng Ramen dito " nabasa ko kasi sa may gilid na nagbebenta sila ng Ramen. Pero hindi naman to mukhang Japanese Resto. Matry ko kaya. Pagpasok ko sa loob isang pamilyar na babae ang nakita ko. At nang makilala ko sya nilapitan ko kagad sya " Hi Missy " umupo ako sa harapan nya at sya naman mukhang nagulat o nabigla. Teka? Bakit? Napatingin ako sa harapan ko at may plato dun at baso na may onting laman ng kinain nila. Siguro kasama nya yung boyfriend nya. So naka move on na talaga sya kay Kristian. " H-hi A-ailee Girl " halata sa boses nya ang kabado, teka bakit ba? Hindi naman ako multo. Nginitian ko sya at sabing " Anong ginagawa mo dito? Akala ko pa naman nasa resort ka. Tska sino pala kasama mo? " " Hmmm, namasyal lang kami ng boyfriend ko " may boyfriend na pala sya. Sino naman kaya? " Asan yung Boyfriend mo? " parang chismosa ko naman " Nag Cr lang " nginitian nya ko. " Ganon ba, sige kita na lang tayo sa resort baka nakakaistorbo na ko DATE nyo " inemphasize ko pa yung Date kasi baka talaga nakakaistorbo na ko. " Sige bye " nakipagbeso beso muna ko at umalis na ko. Busy ako sa pagkalikot sa Cellphone ko nang mabangga ako. " Aray " hinimas himas ko yung bewang ko na tumama sa sahig dahil sa mabilis na magkakabungo sakin " Damn! Watch we're you going " hindi ko pa tinitignan yung mukha niya alam ko na kung sino sya " Kristian " naging estatua na sya at halata sa mukha nya ang pagkagulat. Bakit ba lahat ng tao dito mukhang nagugulat " Oy! Oy! Teka lang " sa isang iglap buhat buhat nya na ko habang yung dalawang paper bag naman na pinamili ko ay hawak hawak ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD