EnjoyReading Third Person's POV Kanina pa nakauwi si Ainsley. Galaw siya ng galaw sa higaan niya. Hindi niya makatulog kakaisip sa anak niya. Iniisip niya din si Yna wala itong pinagbago. Maganda padin. Gustong gusto niya itong yakapin pero wala naman siyang karapatan. Hindi naman niya pwedeng sumbatan ang dating asawa dahil wala na siyang karapatan. Kahit sinong lalaki ay pwede na nitong samahan dahil una sa lahat wala ng bisa ang kasal nila at matagal ng napawalang bisa. Kinuha niya ang cellphone niya at inopen ang i********: account. Baka may post si Kian at hindi nga siya nagkakamali nagpost si Kian kung saan sila nagdinner at iilang mga litrato. Kapansin pansin ang hindi pagtingin at pagngiti ng anak niya sa camera. Alam niyang may problema kay Kyla dahil pala ngiti ang anak niya

