EnjoyReading Yna's POV Nagdadalawang isip ako kung tatawagan ko si Ainsley ngayon. Hindi ako nakatulog kagabi dahil iniisip ko kung anong gagawin ko kay Kyla. Paano ko ipapaintindi lahat lahat sa kanya. Syempre ayaw ko naman siyang pahirapan. Hindi maganda sa isang bata ang hiwalay ang mga magulang alam ko naman yun pero hindi din maganda kapag ipipilit pa namin ni Ainsley magkabalikan. Ngayon pa na maayos na ako at tinanggap ko na ang lahat lahat. Paano kapag nandiyan padin si Annika? Laging inuuna ni Ainsley si Annika noon. Napaka duwag ni Ainsley at hindi niya ako iniisip kapag nagdedesisyon siya. Napailing iling nalang ako at napabungtong hininga. Gustong gusto ko ng makasama si Kyla. Hindi ko naman ipagkakait sa kanya ang anak namin. Pwede naman siya dumalaw anytime he want. Ama

