EnjoyReading Yna's POV "Sa tingin mo tatagal pa ako sa mundo?" Napatingin ako kay Gio dahil sa tanong niya sa akin. "Ano ba yang tinatanong mo?" I asked to him. Para kasing tanga bigla nalang magtatanong ng ganon. "Kung nakakamatay lang ang tingin kanina pa ako nakahandusay dito." Sabi niya at malakas na tumawa kaya napailing iling nalang ako. "Ayaw ata ako ng ex-husband mong nandito sa bahay mo." Sabi niya sa akin kaya napatingin ako kila Kyla at Ainsley na nasa garden at masayang nagbabadminton. Sabi ko noon tsaka lang ako papayag na magsama kami sa iisang bahay kapag sa bahay ng mga magulang ko kami titira. Na si Ainsley ang lilipat dito. Nagdalawang isip din siya pero di kalaunan pumayag nadin kasi nga para sa anak namin. "Bahay ko ito at wala na kaming relasyon. Wala siyang

