EnjoyReading Yna's POV "Hindi kaba uuwi ngayon? Baka naghihintay sayo si Annika." Sabi ko kay Ainsley ng ibinaba niya si Kyla na mahimbing ng natutulog. Buti nalang at nakapagbihis na ito at nakapanood pa kami ng pambata na gutos nitong panood nila. "Pwede ba akong makitulog dito?" Tanong niya sa akin kaya natingilan ako sa pagaayos ng kumot ni Kyla at napatingin kay Ainsley. "Baka sumugod yun dito dahil lagi lagi kana lang nandito sa bahay. Ayaw ko ng gulo Ainsley." Mahina kong sabi at inayos ang pagkakahiga ng anak namin sa kama. "Yna kung iniisip mo na may relasyon kami ni Annika. Kahit mamatay pa ako ngayon wala kaming relasyon. Alam mo naman na nakunan siya kaya hindi ko siya mapaalis sa condo ko oero pangako kapag medyo ayos ayos na siya paalisin ko na siya at sasabihin na wag n

