EnjoyReading Third Person's POV. Mabilis na napatayo si Ainsley sa kinauupuan niya sa loob ng bar ng mabasa niya ang text ni Yna sa kanya. Biglang oarang hinahabol ng kabayo ang puso niya dahil sa bilis ng t***k. "Hoy saan ka pupunta?!" Sigaw sa kanya ni Crakky dahil palabas siya sa VIP room kung saan bar silang pumunta. Ayaw niyang makihalo sa tumpok ng mga tao sa dancefloor at baka mapatay niya ang sarili niya dahil baka magkasala siya kay Yna. "Pinapapunta ako ni Yna sa bahay niya." Masayang sabi niya at bubuksan na sana niya ang pinto ng magsalita si Twain. "Sigurado ka ba Bud? Baka lasing kalang at naduling ka jan sa cellphone mo." Sabi ni Twain kaya binasa niya ulit ang text sa kanya ni Yna. Halika dito sa bahay. Sorry kanina masama lang talaga yung pakiramdam ko. Halika na di

