EnjoyReading Yna's POV Nakapikit akong niyakap si Ainsley sa tabi ko. Naramdaman kong gumalaw siya at humalik sa noo ko at narinig ko nanaman ang mahinang urok niya. Minulat ko ang mga mata ko at tinignan si Ainsley na mahimbing na natutulog. Umupo ako at napangiti lalo ng makita kong nakaunan naman sa kaliwang braso niya ang anak namin. Hinalikan ko sa noo si Ainsley ganon din ang prinsesa namin at tumayo na para makaligo at makapagluto sa mag ama ko. Kagabi kahit na nadadala na ako aa init ng katawan namin ni Ainsley dahil sa pagkasabik aa isa't isa. Nakapagpigil padin si Ainsley at sinabing magpahinga ako dahil napuyat ako sa pinanood namin. Napansin ko na maitim ang ilalim ng mga mata ni Ainsley at halatang hindi nakakakuha ng sapat ng tulog at oakiramdam ko lagi itong pagod at kul

