Chapter 1

2018 Words
EnjoyReading? Yna's POV "Baby don't cry na. Kailangan pang maglinis ni mommy." Pagkausap ko sa anak ko. Dalawang taon palang kasi niya. Baby palang at nangangailangan ng gatas galing sa akin. Mahirap magkaanak lalo na pag ramdam mong ikaw lang ang nagpapalaki sa kanya. Kahit nandito kami sa puder ni Ainsley ramdam ko ang layo namin sa isa't isa. Kasalanan ko din naman kung bakit nangyari ang bagay na ito. Hanggang sa dumating ang araw na mapagbayaran ko yung sakit na binigay ko kay Ainsley. Hindi padin tumigil yung anak ko kakaiyak. "YNA ANO BA?! PATAHIMIKIN MO YANG ANAK MO! KUNG AYAW PADIN! LUMABAS KAYO SA BAHAY KO AT WAG KANG PAPASOK HANGGANG HINDI TUMITIGIL YAN!" Sigaw ni Ainsley. Nandito kasi kami sa kwarto namin. Napabuntong hininga nalang ako at pinigilan kong umiyak dahil si Ainsley hindi man lang niya matignan si Kyla ang anak namin. Hindi man lang niya ito binuhat nung pinanganak ko ito. Iniisip kasi ni Ainsley na hindi niya anak si Kyla. Pero sigurado ako anak niya ito. Oo natatakot akong ipa DNA si Kyla kasi baka hindi nga si Ainsley ang tatay nito. Binuhat ko si Kyla at lumabas kami sa kwarto kung nasan si Ainsley na nagtratrabaho. Gabi na kasi at hindi pa ako nakakaluto dahil wala naman kaming katulong. Ayaw talagang tumahan ng anak ko kahit pinapadede ko na ayaw niya. Iniiwas niya yung bibig niya sa dede ko. Mahirap talagang magpalaki ng anak. Pinangarap kong bumuo ng isang buong pamilya. Masayang pamilya. Pamilya kami ni Ainsley. Kulang nalang yung saya. "Anak please baka sigawan nanaman ako ni Daddy mo.Stop crying na." Pagpapatahan ko sa anak ko. Kailangan ko pa kasing maglinis. Patutulugin ko muna si Kyla. Kasi baka aalis nanaman si Ainsley at iinom nanaman ng alak. Gabi gabi itong umuuwi, tinatapos niya muna lahat ng mga paper works na hindi niya natatapos sa opisina niya. "Yna nakaluto kana ba!?" Malakas na tanong sa akin ni Ainsley. Napatingin naman ako sa may hagdanan kung nasan si Ainsley na masama ang tingin sa akin. Kinabahan naman ako dahil alam ko ang mangyayari kapag hindi ko nagagawa ang gusto niyang gawin. Hindi ako marunong magluto sa aming dalawa siya ang magaling magluto pero ngayon kailangan kong matuto dahil hindi na ako pinagluluto ni Ainsley. Ibang iba na siya sa lalaking minahal ko noon pero ayos lang kasi alam ko pagdating ng araw magbabago ito at babalik sa dating siya. Kailangan ko lang magtiis. Kakayanin ko ito. "K-kasi s-si K-kyla------"..."Tsk yang anak mo ang arte arte iyak ng iyak akala mo naman nasasaktan ng sobra." Inis na sabi nito at tumaas na. Nasaktan ako dahil sa sinabi niya. Maluha luha akong napatingin kay Kyla na tumigil sa kakaiyak at titig na titig sa akin. Hinalikan ko siya sa noo. "Yan tahimik kana." Nakangiti kong sabi sa kanya pero tumulo naman ang mga luhang pinipigilan kong tumulo. Parang nararamdaman naman ng anak ko yung nararamdam ko kasi tinaas niya yung kamay niya at parang inaabot niya yun mga mata ko. Hinalikan ko nalang siya na noo at umakyat na sa kwarto namin ni Ainsley. Nakita kong nakabihis na ito. Aalis na ito para pumuntang bar. "Paki linis yung guestroom. May bisita ako mamaya." Cold na sabi nito sa akin. Bisita. Ibig sabihin babae niya. "A-ainsley wag naman dito sa condo natin." Nahihirapan na sabi ko sa kanya. Kunot noo naman siyang napatingin sa akin. "Condo natin? Sa pagkakaalam ko condo ko lang ito. Kung gusto mo ng pag aari mo bumalik ka sa condo mo. Panira ka sa buhay ko, malas ka." Cold na sabi nito at nilampasan na ako pero bago siya makalabas ay nagsalita pa siya. "Wag kang tatanga tanga at wag kang maarte ikaw ang katulong dito sa condo ko. Umayos ka kung ayaw mong masaktan ka nanaman." Sabi nito at pabagsak na sinara yung pinto. Pinatatag ko yung sarili ko dahil kung magiging mahina ako mawawala ang pamilyang iniingatan at gusto kong mabuo. Kailangan kong maging malakas para sa anak ko at kay Ainsley. Pinatulog ko naman si Kyla at tinitigan ang muka niya. Hindi ko na talaga kailangang ipaDNA si Kyla. Bakit kaya hindi makita ni Ainsley na kamuka niya ang anak namin? Hindi ba nito naaalala yunv muka niya noong bata siya. May anggulo na kamukang kamuka niya talaga ang tatay niya. "Promise anak ilalaban ni mommy ito. Babalik din si daddy at mararamdaman mo na ligtas ka sa bisig niya. Pero sa ngayon, si mommy muna kasi inaayos ko pa ang relasyon namin. Mahal na mahal kita." Mahinang pagkausap ko sa anak ko. Iniwan ko siya at nagsimulang maglinis. Kakain din ako maya maya kasi nawalan man ako ng gana kailangan kong kumain kasi nagdedede pa sa akin si Kyla. Nakadepende ang bitaminang makukuha niya sa akin. Hindi pwedeng hindi healthy ang kainin ko kasi yung anak ko yung mahihirapan. Napatingin naman ako sa cellphone ko ng tumunog ito. Isa nanaman ito sa kambal. Lagi kasi nilang tinatanong kung kamusta kami ni Kyla. Tama nga ako kasi si Hayila yung tumatawag. Masaya din ako kasi kakakasal lang nila ni Crakky. Sa wakas masaya nadin si Hayila. Nakikita ko na ang tunay na ngiti niya na matagal niyang naitago. "Hello." Pagbati niya dito. "Nandiyan ba asawa mo?" Bungad agad sa akin ni Hayila. "Umalis siya." Mahinang sabi ko at nagsimulang magpagpag ng mga unan sa sofa. "Yang asawa mo talaga dakilang hayop! Iniwan nanaman kayo ni Kyla? Yna naman! Halos Kapapanganak mo palang wag mong sabihin sa akin na nagtratrabaho kana agad jan sa impyernong condo ni Ainsley?!" Masungit na tanong nito sa akin. "Alam mo wag ka ngang highblood. Tsaka malakas na ako wag kang mag alala sa akin." Mahinang sabi ko. "Tsaka oa ka naman isang taon na si Kyla kaya ayos na ako." Sabi ko pero puno ng kasinungalingan ang mga sinabi ko. Mahirap, nahihirapan talaga akong mag alaga kay Kyla. Kailangan kong maglinis, maglaba, magluto at alagaan si Kyla. Muryutin si Kyla lalo na pag madaling araw. Hindi na ako nakakatulog ng maayos. Pero anak ko yun eh. Anak ko yun kaya worth it naman lahat kasi makita ko lang siya ayos na ako. Puno na agad ako. Siya na lang ang pinanghahawakan ko ngayon. Siya ang dahilan kung bakit lumalaban ako sa buhay ko. "Yna bukas ang bahay namin para sa inyo ng inaanak ko. Please Yna intindihin mo naman yung sarili mo. Nangako ako kila tita na hindi kita pababayaan. Please naman iligtas mo naman yung sarili mo." Pakiusap sa akin ni Hayila. "Wait lang Mahal ah. Umiiyak si Kyla balik ako mamaya." Sabi ko at pinatayan siya sa tawag. Hindi ko na kasi alam ang sasabihin ko. Tinuloy ko yung ginagawa ko bago ako pumunta sa kusina at kumain. Hindi ko na lilinisan yung guestroom kasi nalinisan ko na yun kagabi. Tumaas nalang ako at pumunta na sa kwarto namin ni Ainsley. Nandun din yung crib ni Kyla. Kapag umiiyak si Kyla sa umaga hindi man lang ito pinapansin ni Ainsley kahit maaga itong nagigising. Yung nagbirthday si Kyla kami lang nila Aliyah. Tatlo lang kami kasama ang anak ko at mga anak nung kambal na nagcelebrate. Binugbog pa ako ni Ainsley nun kasi gabi na akong umuwi. Hindi naalala ni Ainsley na birthday ni Kyla. Ang pinagdarasal ko bago tumanda at umintindi si Kyla gusto kong nagbago na si Ainsley. Gusto kong babalik siya sa dati. Kasi masasaktan yung anak ko kapag naramdaman niyang hindi siya mahalaga sa tatay niya. Nahiga ako sa kama namin ni Ainsley at pumikit at inalala kung ano nga ba ang nangyari noong gabing nagsira sa mga pangarap ko. Sa mga pangarap namin ni Ainsley. "Mahal Cr lang ako. Nandiyan si Aliyah. Wag kang uminom ng marami." Sabi sa akin ni Hayila at nagpaalam para magcr. Masakit na ang ulo ko kaya sinandag ko yung ulo ko at buong likod sa sofang kinauupuan ko. May naramdaman akong umupo sa tabi ko. Alam ko yung pabangong yun. Iisang tao lang ang sinabihan kong wag magpalit ng pabango. "Kian anong ginagawa mo dito?" Tanong ko sa kanya habang nakapikit. "Ikaw ah may lihim ka talagang pagtingin sa akin. Hindi mo pa nga ako nakikita alam mo na agad na ako ito." Natatawang sabi niya sa akin. Natawa naman ako at umiling pero nagsisi ako dahil mas naramdaman ko yung hilo. Shet! Tatlong araw nalang ikakasal na kami ni Ainsley. Lagot ako dun kasi hindi ako nagpaalam na lalabas kami nila Hayila. Si Aliyah buti tapos na yung honeymoon at nakisama sa amin. May tiwala naman kasi yung asawa niya dito. "Lasing ka? Kasama mo ba si Ainsley?" Tanong nito sa akin at hinawakan ang kamay ko. "Hindi ko siya kasama. Lagot ako dun pero wag mo kong isumbong ah. Hayop ka bubugbugin kita." Biro ko sa kanya. "Kung di ka lasing magenjoy na tayo since malapit na yung kasal mo. Alam ko namang invited ako grabe sinasaktan mo talaga feelings ko. Binasted mo ako nun naalala mo? Grabe." Sabi nito at may inabot sa aking inumin. Tinanggihan ko yun dahil umiikot na ang paningin ko. "Gago kaba kala ko ba ayos na yun! Tsaka binubully mo ako noon tapos niligawan mo ako gago ka ungas kapa. Tsaka sorry ka sumabay manligaw yung fiance ko tsaka siya ang type ko no." Sabi ko at pumikit. Natahimik naman si Kian kaya napatingin ako sa kanya. Nakayuko ito kaya nagulat ako. Hala! "Hoy! S-sorry!" Kinakabahan na sabi ko. Tapos nagulat ako ng biglang tumawa si Kian at ginulo yung buhok ko. "Joke kang siraulo ka. Matagal na akong nakamove on no! Ang panget mo kaya! Hindi ko din alam kung bakit nagkagusto ako sayo." Tumatawa nito sabi kaya sinuntok ko siya ng ilang beses. Tumawa naman siya at binigay na sa akin yung alak. "Inumin mo na. Last na ito grabe aalis na ako diba." Sabi nito sa akin at nakapout. Kinuha ko naman yun at nilagok lahat. Last naman na ito at uuwi na ako.. Pero mas nahilo ako at mas kumirot yung ulo ko. Mas naging malabo an paningin niya at inaantok din ako. Narinig ko nalang ang huling sinabi Kian sa akin. "I'm so sorry. Naipit lang ako." Mahinang sabi nito at puno yun ng kalungkutan. Napamulagat nalang ako ng may marinig akong malakas na katok at umiiyak na din si Kyla. Natataranta akong binuksan yung pinto at isang malakas na sampal agad ang bumungad sa akin. Nanginig yung panga at pisngi ko. "BAKIT NAKALOCK YUNG PINTO NG KWARTO KO?! SAYO BA ITO!" Sigaw ni Ainsley sa harapan ko."PUTANG INA YNA YANG ANAK MO!" sigaw ni Ainsley kaya magmamadali akong binuhat si Kyla. Amoy na amoy ko yung alak na nanggagaling kay Ainsley. Nagulat ako sa dilim ng pagkakatingin niya sa akin at hinatak niya ako sa braso at malakas na tinulak papalabas sa kwarto niya. "Ang ingay niyang anak mo! Tsaka ayaw kitang katabi. Bwisit ka." Sabi niya muntik pa akong matumba dahil sa pagkakatulak niya sa akin papalabas. Malakas na sinara niya yung pinto si Kyla naman iyak lang ng iyak. Napakagat ako sa ibabang labi ko para pigilan na umiyak. Inayos ko sa bisig ko si Kyla at pinadede na. Buti nalang at tinanggap niya at tumahimik siya. Naglakad ako papunta sa guestroom at umupo sa kama at inayos ang paghihigaan ko kay Kyla. Nang maayos ko na at tulog na yung anak ko. Binaba ko na siya duon at nahiga na sa tabi nito. Unti unting nagsilaglagan ang mga luha sa mga mata ko. Hinahampos ko yung muka ng anak ko. Unti unti na akonh napaghihinaan ng loob. Hindi malakas ang loob ko. Mahina ako sa lahat ng bagay. Kaya nung nawala yung parents ko halos magpakamatay nadin ako kasi hindi ko kaya. Tapos dumating si Ainsley at binigyan niya ako ng rason para maging masaya. Pero siya din ang humahatak sa akin pailalim ngayon. Pero yung anak ko. Alam ko hindi niya ako iiwan. Hinalikan ko siya sa noo at pinikit na ang mga mata ko. Bukas, Panibagong pagdurusa nanaman. Please READ, VOTE & COMMEMT
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD