EnjoyReading?
Yna's POV
Kahit hindi ako nakatulog at parang bugbog sarado yung katawan ko. Tumayo ako para makapagluto na ng agahan ni Ainsley.
Papasok kasi yun ngayon sa opisina. Baka magwala yun at saktan nanaman ako kapag hindi nanaman ako nakapagluto.
Humalik ako sa anak ko at kinausap siya kahit natutulog palang siya.
"Anak wag ka munang iiyak ah. Patapusin mo muna akong magluto para kay daddy tapos pwede kanang mag ingay tsaka umiyak. Pero ngayon si daddy muna ah." Sabi ko at humalik sa noo niya.
Gumalaw naman siya at tumagilid ng higa. Kinabahan ako baka magising siya at umiyak nanaman. Kaya tinapik tapik ko ang pwitan niya.
Lumabas ako ng guestroom. Napangiti ako ayos nadin na pinaalis kami ni Ainsley sa kwarto namin kaysa naman mag uwi nanaman siya ng babae dito sa condo.
Nang makababa na ako ay nagmamadali akong magluto para mabalikan ko si Kyla sa taas.
Nang tapos na ako nagluto sakto namang bumaba si Ainsley at pumasok dito sa kusina. Nakakatakot nanaman ang expression ng muka niya. Tila pinagsakluban ng langit at lupa.
"Kain kana tataas lang ako para tignan si Kyla." Sabi ko at aalis na sana ako ng pigilan mo ako.
"Sabayan mo akong kumain. Wala ka na ngang kwenta. Sana naman ito maibigay mo sa akin." Bored na sabi niya at naupo na.
Hindi ako pwedeng magtagal kasi wala sa crib si Kyla baka hindi ko marinig na umiyak siya mahulog siya sa kama.
"Kukunin ko nalang muna si K------"....."Tsk di mo talaga maiwan yang anak mo sa lalaki mo." Sabi niya at nagsimula ng kumain.
Ako naman hindi ko pinansin yung sinabi niya at naglakad na papunta sa hagdan para tumaas sa guestroom.
Nang makita kong nakamulat na yung mga mata ni Kyla binuhat ko na siya at pinadede oara may laman yung tyan niya tapos bumaba ako papuntang kusina.
Nakita ko si Ainsley na may katext o kachat ata.
"Magbihis ka at iwan mo si Kyla sa mga kaibigan mo. Sumama ka kay Garred, sayang naman binayad niya sa akin." Sabi nito at tumayo.
Nanginig naman ako dahil sa sinabi niya.
Ginawa nanaman niya.
"Ainsley hindi kapa ba titigil? Grabe naman na yung ginagawa mo. Binebenta mo na ako." Sabi ko at hindi ko na napigilan na umiyak sa harapan niya.
"Wag mo kong artehan tsaka sayang naman ibabayad niya dito. Dagdag pampakain ko sayo. Ito nalang maiaambag mo sa akin wala naman kwenta yang propesyon mo. Tsaka palamunin kayo ng anak mo. Wag kang maarte na para bang ito ang first time mo. Wag kang pavirgin. Walang maniniwala sayo, muka mo palang kitang kita ng madami ng nakagalaw sayo. Pinagsawaan ka nga ni Kian diba?" Sabi niya at tumalikod na at umalis sa kusina.
Nanghihina nanaman akong napaupo sa pinakamalapit na upuan at umiyak nanaman.
Tumingin ako sa phone ko ng tumunog ito. May nagchat sa akin.
Pag tingin ko napangiti ako dahil kahit papaano nirerespeto ako ng mga kaibigan ni Ainsley.
Garred Ong: Magbihis kana, pumunta ka sa mall nagchat ko na si Hayila. Magpakasaya ka ngayon araw, hayaan mo na yung asawa mo tsaka yung binayad ko. Mapilit kasi asawa mo kung ibenta ka niya akala niya gamit ka. Sige na wag mo ng isipin yung perang binigay ko kay Ainsley. Pakasaya ka deserve mo yun.
Yna Molde: Salamat Garred. Pangalawang beses na niyang ginawa ito. Una kay Jr ngayon naman sayo. Salamat kasi hindi niyo ginagawa yun sa akin.
Sabi ko at pinupunasan ang luhang tumutulo sa mga mata ko. Napatingin naman ako kay Kyla na titig na titig sa akin.
Garred Ong: Hanggang sa makakaya namin gigisingin namin sa kadiliman yung asawa mo. Hindi na tama ito. Sumusobra na siya.
Hindi na ako nagreply at inayos na yung mga pinggan na nagamit. Uurungan ko pa ito kaya inayos ko si Kyla. Maliligo ako para puntahan si Hayila. Sa wakas makakalabas ulit ako ng condo.
Gala kasi ako noon. Kung saan saan ako oumunta at sumasabay sa uso pero ngayon. Hindi na, make up artist ako pero sarili kong muka hindi ko maayos.
Nasa kalagitnaan ako ng pagbibihis ng pumasok sa walk in closet si Ainsley. Buti nalang nakadamit na ako ng pambaba at nakasuot na ako ng bra.
Si Ainsley naman bored na kumuha ng damit at lumabas din agad. Napabuntong hininga naman ako at lumabas na sa walk in closet para umalis na kasi tapos ko nadin naayusan si Kyla.
Kumuha kaya ako ng katulong para kahit paano may papalit sa akin para alagaan yung anak ko.
Pero nakakahiya kasi nakikita niya kung anong meron kaming buhay ni Ainsley.
Wag nalang malapit naman ng lumaki si Kyla. Magkakaayos din kami ni Ainsley. Binuhat ko na si Kyla at kinuha na yung medyo may kalakihan kong shoulder bag. Kasi na dun yung dedean ni Kyla. Nakakahiya naman kung magpapabreast feed ako sa mall.
Lumabas ako ng kwarto para magpaalam kay Ainsley na paalis na din. Hindi na ako magpapahatid kasi baka mapagsabihan nanaman niya ako ng kung ano anong masasakit na salita.
Hindi ko na alam kung paano ko lulunukin lahat ng sinasabi niya sa akin. Pero wala ng mas sasakit sa pagbebenta niya sa akin.
"A-alis na kami Ainsley." Sabi ko sa kanya. Nakaupo kasi siya sa sofa at nagsasapatos.
"Excited ka masyado no. Tigang na tigang ka sa lalaki. Sige na umalis kana naiirita nanaman ako sa pagmumuka mo." Sabi niya kaya naglakad nalang ako at napatigil ako ng magsalita si Kyla.
"Da.....dad.....dada." natigilan ako sa sinabi niya kaya napatingun ako sa kanya at napatingin din kay Ainsley na malalaki ang matang nakatingin din kay Kyla..
Duon ko nakita ang mga reaksyon na hindi ko na nasisilayan mula sa kanya.
Gulat
Pagkasabik
Pagmamahal?
"Narinig mo yun? Tinawag ka niya." Nakangiti kong sabi at ngumiti naman si Kyla at nakita ko ang iilan na ngipin niya.
Bigla namang naging blangko ang ekspresyon ng muka ni Ainsley at nagsalubong ang makapal niyang kilay..
"Umalis na kayo. Hindi naman ako ang tatay niyan." Sabi niya kaya nahirapan nanaman akong huminga.
Ayaw ko ng makarinig pa ng kung ano ano. Tuwing bubukas aksi ang bibig ni Ainsley puno ito ng mapanglait na mga salita sa akin.
Hirap na hirap akong makuha ang kapatawarang halos isang taon ko ng inaasam.
Nakakapagod pero kakayanin para naman ito sa ikagaganda ng pamilya ko. Si Ainsley at Kyla nalang ang pinangkukuhanan ko ng lakas para gumising at bumangon kahit ang sakit sakit na.
Lumabas ako at niyakap ang anak ko.
"Anak nagtatampo na ako ah. Bakit si Daddy mo lang binigkas mo kanina. Dapat 'mommy' yun eh 'mama'." Sabi ko at hinagod siya sa likod niya.
"Dada." Napailing iling nalang ako at napangiti.
Soon anak makukuha din natin yung atensyon ni daddy mo. Hindi pa ngayon pero pipilitin ni mommy na bago ka magkaroon ng muwang sa mundo at magkaisip sa lahat ng bagay. Pipilitin ni mommy na hindi mo maramdaman ang pagtataboy sa atin ni daddy mo.
Nang makasakay kami sa elevator tumunog yung phone ko kaya kahit hirap kong kunin sa bag. Pinilit ko padin kasi baka importante.
Si Aliyah lang pala.
"Hello Mahal." Pagbati niya sa akin kaya napangiti ako.
"Hello Mahal, bakit ka napatawag?" Tanong ko sa kanya habang yung anak ko naman tahimik lang na nakatingin sa akin.
"Alam mo na sasama ako sa gala niyo ni Hayila. Bwisit yang asawa mo ah. Naiinis na ako sa kannya." Sabi nito. Kaya napabuntong hininga nalang ako.
Napailing nalang ako dahil pipilitin annaman ako ng mga ito na makipaghiwalay na kay Ainsley.
Hindi ko kaya.
Tsaka ipaglalaban ko ito para kay Kyla. Ayaw kong lumaki siya ng walang kinikilalang ama.
"Sige sa mall nalang tayo magkita. Pasensiya pero kasama ko nanaman si Kyla eh. Wala kasing mag aalaga sa condo." Sabi ko sa kanya.
Nahihiya na nga ako kasi tuwing pumunta kami sa mall lagi kong kasama si Kyla. Hindi kami makaenjoy dahil may kasama akong baby.
"Ano kaba ayos lang. Malapit na kami sa building kung nasan condo mo labas kana lang. Kasama ko din naman si Tyronia tsaka yung kambal. Kasama din ni Hayila si Hayen. Diba para may bonding nadin tayo sa mga anak natin." Sabi niya kaya napangiti ako.
"Salamat." Sabi ko at pinatayan na siya ng tawag kasi umiyak nanaman si Kyla. "Baby makisama ka naman kay Mommy. Wag matigas ulo." Pagkausap ko nanaman dito.
Nang makababa kasi sa firstfloor at makalabas. Sakto naman nakita ko yung sasakyan nila Aliyah kaya lumapit ako.
"Pasok kana mahal." Sabi nito kaya pumasok ako sa backseat.
Nandun si Tyronia habang yung kambal naman buhat buhat ni Aliyah sa harapan. Si Twain naman maingat a nagdadrive kasi siguro kasa kasama niya yung mga anak nila ni Aliyah.
Masaya ako kasi masaya na si Aliyah. Mabait anman talaga siya.
"Hello tita Ganda." Nakangiting bati sa akin ni Tyronia.
Ngumiti naman ako sa kanya.
"Hello baby kong maganda." Pagbati ko din dito...
Nakangiti naman siyang nakipaglaro kay Kyla na ngumingiti na.
Nakakainggit si Hayila at Aliyah. Masaya na sila samantalang akong ginagawa ang lahat para maging masaya. Miserable ang buhay kasama ng taong mahal na mahal ko.
Mga pangako na ako nalang ang patuloy na bubuo.
Tinalikuran na kasi ako ni Ainsley. Tinalikuran niya ako dahil sa sakit na binigay ko sa kanya.
Pero patuloy ko lang tinutulak ang sarili ko kay Ainsley. Lahat gagawin ko para bumalik kami sa dati. Marami pa kaming oangarap na kailangang buuin at tuparin.
Nakakapagod pero kakayanin ko.
"Thank you sa paghatid sa amin ng mga bata." Sabi ni Aliyah at humalik sa labi ni Twain.
Nakangiti namang humalik si Twain sa noo ni Aliyah.
"Para sa reyna ko bakit hindi? Tsaka tawagan mo lang ako kapag nahihirapan kana sa pag aalaga sa kambal. Dadating agad ako." Malambing na sabi ni Twain kay Aliyah.
Umiwas naman ako ng tingin at binuksan na yung pinto. Naiinggit lang ako sa kasweetan nilang dalawa.
Nakakainggit at miss na miss ko na yung mga panahong ganyan kami ni Ainsley.
"Sweetheart pagod kana. Iuuwi na kita diba marami kapang aasikasuhin bukas?" Sabi ni Ainsley habang tinutulungan niya akong ligpitin lahat ng make up kit ko.
May inayusan kasi akong ikakasal. Hindi ko naman alam na isang battalion naman pala ang aayusan ko. Edi sana nakapagready ako.
Pero ayos lang dagdag kita naman. Tsaka hindi konpa gagalawin lahat ng perang iniwan sa akin ng mga magulang ko. Hanggang sa maaari gusto kong hindi magalaw para sa future namin ni Ainsley may maiaambag naman ako.
"Sige na sandali nalang ito." Mahinang sabi ko pero papikit pikit na ako dahil sa antok.
Nagulat naman ako ng binuhat ako ni Ainsley at pinaupo sa sofa.
"Rest. Ako na mag aayos." Sabi niya.
Nandito pa kasi kami sa hotel kung saan ko inayusan yung buong battalion. Grabe hindi ko manlang natawagan si Hayila oara may assistant naman ako kahit papaano. Si Hayila din kasi magaling mag ayos.
Napangiti ako at nilabas yung phone ko sa bulsa ko at kinuhanan ng picture si Ainsley na ang cute tignan dahil kaseryosong lalaki naghahawak ng make up.
Napailing iling ako at pinikit ang mga mata ko.
Paggising ko nakaunan na ako sa braso ni Ainsley at magkatabi na kami sa iisang kama.
Ang amoy ng buong kwarto ay alam ko. Nasa condo ako ni Ainsley.
Inuwi niya nanaman ako sa condo niya.
Tatayo sana ako ng biglang may yumakap sa akin ng sobrang higpit.
"Sleep. Pagod ka wag ka ng tumayo tsaka ayaw kong maghiwalay mga balat natin sweetheart." Malambing nitong sabi at hinalikan ang noo ko.
Pero pinilit kong kumawala sa pagkakayakap niya at siya ang pinaunan ko sa balikat ko.
Mas gusto kong ganito ang ayos namin pag nagkakatabi kaming dalawa. Humigpit naman ang yakap niya sa akin kaya natawa ako.
"I love you." Bulong ko sa kanya at hinalikan ko siya sa bunbunan.
"I love you too Sweetheart." Malambing niyang sabi kaya pumikit na ako at babalik na sabi sa pagkakatulog ng magsalita pa si Ainsley.
"Hindi ko hahayaan na maging malungkot ka sa piling ko."
Pangakong napako.
Please READ, VOTE & COMMENT
?