EnjoyReading?
Yna's POV
Natatawa ako dahil sa pinagsasabi ni Hayila. May nakasalubong kasi siyang babae na kung tignan siya mula ulo hanggang paa. Akala mo ay may ginawang hindi maganda.
"Dukutin ko mata nun eh." Sabi nito. Buti nalang nasa playground ng mall yung mga bata naglalaro. Kaming tatlo lang ang naguusap.
Kaming tatlo lang ang nagkakarinigan at pinapanood yung nga batang naglalaro. Pero si Kyla naman ay tulog na kaya ayos lang. Hindi pa nito kaya makipaglaro. Pati anak ni Hayila at Aliyah na halos kapapanganak lang din lalo na yung kay Hayila.
"Si Ainsley bayun?" Biglang sabi ni Hayila at tinuro pa ito.
Napatingin ako dun at nakita nga si Ainsley na may kasamang ibang babae at nagtatawanan sila. Napakagat nalang ako sa ibabang labi ko.
Si Annika ba yun?
Kung hindi ako nagkakamali si Annika yun. Isa ito sa naging ex ni Ainsley.
Nakabalik na pala siya.
"Aba ang kapal din pala ng muka ng asawa mo. Lantaran kung makipaglandian sa kabit niya.
Lalapit na sana siya ng pigilan ko siya. Magkakagulo lang. Hindi ko hahayaan na magkakagulo pa sa pagilan Ng asawa ko at sa mga kaibigan ko.
"Mahal hayaan na natin." Nagmamakaawang sabi ko sa kanya. Baka sasaktan nanaman ako ni Ainsley mamaya pag nagkita kami
"Yna ano ba?! Bakit kaba ganito! Nakikita mo ba yang sarilo mo?! Kung manamit ka ngayon parang dinoble mo yung edad ko. Yang muka mo ang putla putla. Hindi ka naman ganyan dati. Noon kung mag ayos ka parang ikaw lang ang pinaka maganda sa mundo. Ngayon ano na?!" Inis na sabi ni Hayila sa akin kaya napatingin ako kay Aliyah na nakatingin lang sa amin.
Alam ko kasi kung anong pwedeng gawin si Hayila. Kilala ko siya makikipag away siya kapag ganito siya. Baka lapitan nito si Ainsley.
"Hayaan na natin Hayila. Away nila ito. Please pinag titinginan na tayo dito." Bulong ni Aliyah sa kakambal niya.
Masama namang tumingin si Hayila sa kakambal niya.
"Alam mo kahit magkampihan kayong dalawa. Yang si Annika yan yung pinagseselosan mo noon hindi ba? Yan yung ex ni Ainsley na mas pinili yung career kaysa kay Ainsley. Anong ginagawa niya ngayon? Akala ko ba karesperespeto yang babaeng yan? Bakit kung makaligkis sa asawa mo daig pa sawa." Inis na sabi ni Hayila habang masamang nakatingin kay Ainsley at Annika.
Buti nalang hindi kami nakikita ni Ainsley sa pwesto namin.
Ang sweet nilang tignan.
Nagulat ako ng maglakad si Hayila papalapit kay Ainsley.
Nagmamadali akong humarang sa dinadaan niya kahit bigat na bigat ako kay Kyla.
"Ano ba mahal! Wag naman." Kinakabahang sabi ko.
Si Aliyah din humarang na kay Hayila.
"Wag matigas ang ulo mo. Wag mo namang pahirapan si Yna." Sabi ni Aliyah sa kakambal niya.
Masaya akong hindi din sinasangayunan ni Aliyah si Hayila.
Minsan kasi dalawa sila laban sa akin.
Masama namang tumingin sa amin si Hayila bago tumalikod. Nagpaalam na din ako kasi pagod na ako kakabuhat kay Kyla.
Hinatid ako at si Hayila ni Twain hindi na tinawagan ni Hayila yung asawa niya kasi si Twain na ang maghahatid sa amin papauwi.
Nagpasalamat ako at pumasok na sa loob ng building at sumakay na ako sa elevator papuntang condo namin ni Ainsley.
Nangako siya sa akin na patitirahin niya ako sa isang magarang bahay. Pero hindi na yun natupad dahil sa nangyari.
Nahihilo ako ng magising ako sa hindi pamilyar na kwarto. Nagulat nalang ako kasi hubad na ako.
Malalaki ang matang napatingin ako sa lalaking nakayakap sa akin.
Kian!
Tatayo na sana ako ng bumukas ang pinto at niluwa nun si
Ainsley.
Malalaki ang matang nakatingin siya sa akin at kay Kian. Kinabahan na ako dahil bigla siyang lumapit sa akin at hinatak ako pababasa kama. Mabilis ko namang hinablot yung kumot para takpan yung katawan ko.
Nagising naman si Kian na nakaboxer dahil sa malakas na suntok ni Ainsley.
Naiiyak na ako dahil sa nagyari. Sinubukan kong pigilan si Ainsley pero hindi ko magawa kasi iniisip ko kung paano nangyari sa amin ni Kian iyon.
Paano yung kasal namin ni Ainsley!?
Dalawang araw na hindi nagpakita sa akin si Ainsley bago siya kakatok sa bahay ko noon at sinabing ikakasal kami.
Nakakagulat kasi akala ko hindi na kami ikakasal kasi aatras siya. Tinanong ko siya kung galit siya sa akin pero hindi niya ako kinikibo.
Hindi ko naman alam na pahihirapan niya ako ng ganito.
Binaba ko na crib niya si Kyla at buti naman at hindi siya umiyak at nagmuryot. Bumaba ako para magluto ng makarinig ako ng tawanan papunta sa kusina kung nasan ako.
Nakita ko si Ainsley at Annika na nagtatawanan. Parang isang milyong kutsilyo ang tumarak sa puso ko dahil dito pa mismo sa condo.
"Nakaluto kana ba?" Tanong sa akin ni Ainsley.
Madilim ang muka niyang nakatingin sa akin. Kaya nagbaba ako ng tingin.
"Nakaluto kana ba?!" Galit na nitong tanong sa akin.
"Mahal kumalma kanga. Ako na lang ang magluluto. Oh kaya ipagluto mo ako. Namiss ko mga luto mo eh." Malambing na sabi ni Annika kay Ainsley.
Natahimik naman kami ng ilang minuto. Pinigilan kong maiyak dahil nakakahiya sa kanila lalo na kay Annika. Hindi ko akalain na mangyayari ito sakin.
"Gusto mong ipagluto kita?" Tanong ni Ainsley kay Annika. Puno ng lambing yun.
Napakagat ako sa ibabang labi ko bago ako nagpaalam sa kanilang dalawa. Kailangan kong makita yung anak ko. Kasi panghihinaan nanaman ako ng loob.
Pero narinig ko pang nagsalita si Annika at Ainsley.
"Ipagluluto mo ako mahal?" Tanong ni Annika.
"Oo naman mahal." Sabi ni Ainsley sa pananalita niya nakangiti siya at puno ng saya ito.
"I love you." Malambing na sabi ni Annika.
Duon na bumagsak ang mga luha ko ng sumagot si Ainsley.
"Mahal na mahal din kita. Ikaw nalang sana ang naging asawa ko."
Umakyat ako sa kwarto namin ni Ainsley na mabigat ang pakiramdam. Hindi ko na alam ang gagawin ko.
Nang makapasok ako lumapit ako sa pwesto ni Kyla at natutulog ito.
Napakagat ako ng labi ng maalala ko ang mga pinagsasabi ni Ainsley oanina.
Kung si Annika padin ang mahal niya edi sana hindi nalang niya ako pinakasalan. Mahal na mahal ko siya. Hindi nalang niya Sana ako pinakasalan.
Naaawa ako sa anak ko. Kung iiwan ko si Ainsley anong mangyayari sa amin ni Kyla. Anong sasabihin ko sa kanya kung lumaki siya.
Napatayo nalang ako ng bumukas yung pinto at pumasok si Ainsley. Dere deretsyo siya sa walk in closet namin para magbihis. Kaya nagmamadali akong pinunasan yung luha sa mga mata niya at sinundan siya.
"Ainsley bakit kailangan pa dito sa condo natin mo idala yang babae mo?" Hindi ko mapigilang itanong sa kanya.
Pwede namang sa ibang bahay nalang.
"Wag mong sirain ang gabi ko. Tsaka natin? Kailan pa naging sayo itong condo ko?" Tanong niya sa akin habang nagbibihis.
"Simula ng ikasal tayo." Sabi ko sa kanya.
Napangisi naman siya dahil sa sinabi ko at umiling iling na tila hindi niya nagustuhan ang sinagot ko sa tanong niya.
"Na pinagsisihan ko." Sabi nito na nagpatikom sa bibig ko. "Alam mo ngayong nandiyan na si Annika maghiwalay na tayo. Hindi ako masaya sa piling mo Yna. Lalo na kasama natin yang anak mo k-kay K-kian." Sabi niya.
Nagulat ako sa sinabi niya kaya lumapit ako lalo sa kanya.
"Ainsley wag naman ganito." Nahihirapan na sabi ko.
Hindi ko kaya. Hindi pwedeng mawalan ng tatay si Kyla.
May kinuha siya sa closet niya tapos binigay sa akin.
"Anulment papers natin. Permado nayan. Aalis ako at sasama kay Annika. Ikaw na ang mag asikaso habang wala ako. Gusto kong maging masaya Yna." Sabi nito sa akin.
Hindi ko na napigilan na umiyak ng malakas at lumuhod sa harapan niya. Sa tanang buhay ko hindi ko inisip na luluhod ako sa isang tao.
"Ainsley maawa ka naman sa akin." Umiiyak na sabi ko kay Ainsley na nakatingin sa akin.
Nakatingin lang talaga sa akin.
"Tumayo kajan." Sabi niya sa akin. Parang nahihiraoan siyang nakatingin sa akin.
Pero hindi ako tumayo. Umiyak lang ako ng umiyak. Bakit ko ba nararanasan lahat ng Ito.
"A-Ainsley n-nangako k-ka
" nahihirapan kong sabi habang nakaluhod sa harapan niya. "S-sabi mo m-magiging masaya ako s-sa p-piling mo. N-nangako k-ka sa puntod n-ng mga magulang ko. H-hindi din naman a-ako naging m-masaya s-sayo. Ainsley naman." Umiiyak na sabi ko habang nakaluhod sa kanya.
"Ikaw din naman. Nasaktan mo ako. Ikaw ang nauna. Hindi ba't niloko mo ako?" Sabi niya sa akin na puno ng galit.
Mas humagulgol ako sa sinabi niya sa akin. Hindi ko naman maalala yun.
"A-Ainsley isang pagkakamali lang yun. Nag iisa lang yun. H-hindi pa ba s-sapat y-yung pananakit m-mo sa akin? H-hindi padin b-ba sapat yung h-hindi mo tanggap si K-Kyla?" Umiiyak na tanong ko sa kanya.
Hinawakan naman niya ako sa balikat ko at pinatayo bago ako niyakap. Ito ang kauna unahang pagkakataon na yayakapin niya ako mula ng ikasal kami.
Niyakap ko siya ng mahigpit at duon humagulgol sa balikat niya.
"Palayain mo na ako Yna. Maging malaya kana din sa sakit na tayo mismo ang gumagawa." Sabi nito sa akin at kumalas na sa pagkakayakap sa akin. "Permado ko na yan. Ikaw na ang bahala" sabi nito sa akin at hinalikan ang noo ko.
Aalis na sana siya ng niyakap ko siya mula sa likod.
"Maghihintay ako." Umiiyak na sabi ko habang nakayakap ako sa likod niya. "Maghihintay ako sa pagbabalik mo." Sabi ko sa kanya.
Kinalas niya ang pagkakayakap ko sa kanya at lumabas na sa walk in closet namin.
Sumunod ako ganon nalang ang gulat ko ng makita ko siyang nakatingin kay Kyla at hinawakan niya ang pisngi ng anak namin.
"Hey Baby. Aalis na ako, bantayan mo si mommy mo. Sorry kung hindi mo man lang ako naramdaman. Hindi kita kayang hawakan at tignan kasi ikaw yung bunga ng kataksilan ng mommy mo sa akin. Sorry kung nahihirapan kadin. Magkikita pa tayo Baby. Magkikita pa tayo." Sabi niya bago lumabas ng kwarto namin.
Duon na ako bumagsak sa kinatatayuan ko.
Ainsley.
Maghihintay ako.
Third Person's POV
Umalis si Ainsley at sumama kay Annika sa ibang bansa. Married padin ang nilagay niya sa status. Hindi padin naman nawalang bisa ang kasal nila ni Yna..
Oo, nasaktan siya ng makitang lumuhod sa harapan niya si Yna.
Yumakap sa kanya si Annika katatapos nilang magtalik dalawa. Niyakap niya din ito dahil inaamin niya namimiss niya si Yna pero masaya na siya kay Annika.
Tinatanong niya yung mga kaibigan niya pero ni isa sa kanila walang sumasagot kung kamusta na sa pilipinas. Kung kamusta na si Yna at Kyla. Pero ni Isa sa mga chinachat niya. Walang nagseseen kapag si Yna na ang pinag uusapan. Nagemail pa siya.
"Mahal kailan tayo magpapakasal? May singsing ka ng binigay. Kasal nalang talaga." Sabi ni Annika. Hinalikan niya Ito sa noo.
"Maghintay kalang mahal. Uuwi ako sa pilipinas para tanungin si Yna." Sabi ko sa kanya at niyakap siya ng mahigpit.
"I love you Mahal. I trust you." Malambing na sabi nito sa kanya.
"I love you too Mahal." Sabi niya dito.
Pumukit siya at inalala lahat lahat kung saan ba nagsimula ang lahat lahat at pagdilat ng mga mata niya ay
Apat na taon ng lumipas
Please READ, VOTE & COMMEMT
?