Linggo ng umaga nagsimba sina Joy at Jane kasama si aling Marina. Pagkatapos ng misa nagpasya silang mamasyal. Naglibot-libot sila sa mall at namili ng mga damit nang mapagod ay kumain silaa paborito nilang fast food chain. Katatapos lang nilang kumain nang may naisip si Jane.
"Nay, beshy manood tayo ng sine." suhestyon niya sa mag-ina.
"Sige gusto ko 'yan." sang ayon ni Joy
"Hay naku, gastos lang yan!" aling Marina
"Nay ngayon lang naman e. Sige na please" pangungulit ni Jane.
"Wag kang mag-alala Inay sagot ko naman eh." ani naman ni Joy
"Okay s'ya s'ya ano pa nga ba ang magagawa ko?"
"Wag ka mag-alala 'nay kikiligin ka sa panonoorin natin. Mamasa ang matagal ng tuyot na perlas ng silangan." pang-aasar ni Jane.
"Heh! puro ka kalokohan."
nagkatawanan lang ang dalawa at hinila na ang Ginang sa ticketing boot ng sinehan.
Matapos ang panonood ay napagpasyahan na nilang umuwi dahil may pasok na naman sila sa kani-kanilang trabaho kinabukasan.
"Joy!"
Napalingon naman ang dalaga nang marinig niyang may tumawag sa kanyang pangalan at nakita niya si Red na may kasamang babae na sa tant'ya ay nasa edad kinse.
"Hi Red, nandito ka rin pala?"
"Oo sinamahan ko itong bunso namin, bumili ng projects niya sa school. Sino'ng kasama mo Joy?"
Lumapit naman ang kanyang Ina at kaibigan.
"Ah kasama ko ang nanay ko at si Jane bestfriend ko. Inay, Jane si Red nga pala katrabaho ko." pagpapakilala ni Joy.
"Hi po, kumusta po kapatid ko nga po pala Denise." Red
"Okay lang iho. Hello iha ." tumango naman ang dalagita at ngumiti.
Hindi naman umimik si Jane at nakatitig lang sa mukha ni Red. Napansin naman ni Joy iyon kaya agad siniko ang kaibigan .
"Red una kami medyo gumagabi na."
" Sige bye ingat kayo."
Kumaway naman si aling Marina at kiming ngiti naman ang binigay ni Jane sa binata.
Hindi sila masyadong nakaka pag-usap ni Red dahil night shift ito samantalang siya ay pang umaga. Kung mag pang abot man saktong papauwi na siya at papasok naman ang binata sa ospital.
Nagtataka lang siya kung bakit biglang natahimik ang kaibigan nung nakita si Red samantalang nuknukan ito ng daldal. Gusto man n'yang alamin kung bakit ngunit ayaw niyang pangunahan ang kaibigan hihintayin nya na siya mismo ang mag-share ng mga saloobin nito.
Kinabukasan sa ospital. Lakad takbo ang ginawa ni Joy. May emergency at kailangan ang mga nurses sa iba't ibang department. Nagkaroon ng aksidente sa kalapit na building. Sa dami ng naaksidenteng manggagawa ay hindi na magkasya sa emergency room. Iyong mga hindi gaano kalala ang sugat ay sa lobby muna pansamantala, at 'yong mga grabe ang natamong sugat at dinala sa emegency room.
"Nurse Joy, pakuha naman ako ng karagdagang gamit panlinis sa sugat please." ani ni nurse Cathy
"Yes mam."
"Kumuha kana rin ng mga gamot sa pharmacy."
Tumango ang dalaga at patakbong kumuha ng mga kakailanganin.
Samantala hindi mapakali si Kiel habang nagmamaneho patungong ospital. Personal niyang aalamin ang kalagayan ng mga trabahador na nasugatan sa pagguho. Pagkaparada ng kotse ay nagmamadaling tinungo ang ER ng hospital nang may bumangga sa kanya.
Niyapos nya ang babaeng nurse para hindi ito matumba. Hindi katangkaran ang babae may kulay kremang balat bilugang mukha, balingkinitang katawan at mapupulang labi na para bang nag aanyayang hagkan ang mga ito.
Nagising ang binata sa pagpapantasya ng biglang itulak siya nito.
"Bulag kaba o sadyang tanga ka lang!? Gaano ba ako kaliit sa paningin mo para hindi mo makita!" hindi na mapigilan ni Joy ang mapasigaw dahil sa pinaghalong galit, pagod at gutom.
"Excuse me Miss ako pa ngayon ang tanga e ikaw itong bumangga sa akin. Takbo ng takbo hindi tumitingin sa dinadaanan."
Bigla namang natauhan ang babae pero naiinis parin ito.
"So, porke nabangga kita may karapatan kang yapusin ako gano'n? Hindi ka rin manyak ano?"
"Wow ako pa ang manyak ha? Pasalamat ka nga niyapos kita kung hindi, bagsak ka sahig mabalian kapa to tell you miss hindi kita type." pagkasabi ay iniwanan na niya ang dalaga.
" Grrrr antipatiko! Mayabang! Para sabihin ko sayo hindi ka gwapo!"
Agad nagkubli sa pasilyo ang binata upang panoorin ang galit na dalaga.
Sh*t why so beautiful even if you're angry baby.
Saad sa isip ng binata. Nakasimangot na yumuko ang dalaga habang pinupulot ang mga gamit at gamot na nagkalat sa sahig kanina nang nabangga ng walang hiyang lalake.
Pagyuko ng dalaga ay lumaylay ng bahagya ang kanyang damit at sumilip ng kaunti ang mabibilog niyang bundok.
"F*ck" mura ng lalaki habang napalinga-linga sa paligid kung may ibang nakakakita sa babae so far wala naman.
Why? I feel like, I'm possessive?
Nang masiguradong papaalis na ang dalaga ay tinungo na rin nito ang opisina ng kinakapatid at kaibigang si Doc. Albie Perez.
Patapos na si Joy sa panghuling pasyenteng nililinisan ng mga sugat at galos nang may mauliningan s'yang nag-uusap. Pamilyar sa kanya ang tinig na kausap ni doc Albie.
"Ang demonyo".
"Mam sino po'ng demonyo?"
Inginuso naman ni Joy ang papalapit na doctor at ang nakabanggaang lalake.
"Ah si sir Kiel mabait po yan mam siya po ang may-ari ng building na ginagawa namin. Sa katunayan nga po sagot niya lahat ng bayarin at gastusin namin habang nagpapagaling." kwento ni manong.
"Aba, dapat lang po ano? Responsibilidad ng demonyong 'yon na bayaran ang mga damages"
Natawa na naman ang trabahador "Mukhang napag tripan ho kayo ni sir mam ah."
So mahilig kang mang-trip? Okay sasakyan ko ang trip mo.
"Nurse Joy are you done? You can eat your lunch na."
"Ok po doc." isa-isa nang niligpit ni Joy ang mga gamit sa panlinis ng sugat pagkatapos ay tumayo. Inirapanan niya ang lalaki at ngumiti ng nakakaloka. Pagtapat niya sa binata ay pasadyang inapakan ang paa nito.
"Ouch f*ck". daing ni Kiel
"Ay sorry po hindi ko po sinsadya." paumanhin ng babae ngunit may pang uuyam na ngiti. Dali-daling umalis ang dalaga at hindi na hinintay ang sagot ng binata.
"Aray ko! Napaka maldita talaga ng babaeng yun!"
"Sino si nurse Joy? Mabait naman 'yon a, baka may ginawa ka?" at nagkwento na nga niya sa kaibigan ang mga pangyayari sa pagitan nila ni Joy kanina.
Napailing na lang si Albie dahil sa kapilyohan ni Kiel.