Chapter 3

1004 Words
Pagod na pagod siya sa maghapong iyon sa dami ng pasyenteng inasikaso at nilapatan ng lunas. Ngunit worth it naman para kay Joy dahil marami silang naisalbang buhay. Papasok na siya sa elevator nang makasabay si Kiel. Gustohin man nyang umatras ay huli na bumukas na ang elevator, pagabi na rin at gustong gusto na ng katawan nyang magpahinga. Kaya napilitan na syang pumasok kasabay nito. Nagulat din ng bahagya ang lalaki nang mapansin niya ang dalaga. She rolled her eyes when Kiel took a glance at her. Nagkibit balikat lang ang lalaki at pumwesto sa harap nya. Malaya niyang tinitigan ang katawan ng lalaki. Hhmm infairness macho ang bakulaw na ito. Well built ang pangangatawan, medyo tisoy din. Teka? Bakit parang pinagpapantasyahan ko na itong mayabang na ito? No way Samantha Joy erase arase... Sita ni Joy sa sarili. Pilit man niyang ikaila ay talaga namang nakakahubad panty ang taglay na kagwapuhan at karisma ng lalaki. Narinig rin niya ang mga bulungan ng mga katabi. "Ang hot." wika ng isang babae. "Yes braso palang ulam na." hagikgik naman ng kasama nito. Hinuha niya sa dalawa ay bumisita lamang sa isa sa mga pasyente sa hospital. Sumimangot siya sa narinig. Bumukas na ang elevator. Dali-dali siyang lumabas dahil ayaw niyang makasabay ang lalaki. Ngunit nagulat siya ng tawagin siya nito sa kanyang pangalan. "Nurse Joy." Hindi nagpatinag ang dalaga at patuloy lang ito sa paglalakad at hindi nilingon ang lalaki. Hinabol siya ni Kiel at hinawakan sa braso nito upang mapigilan sa paglalakad. Nakatingin sa kanila ang mga iilang taong dumaraan papasok at palabas ng ospital kaya bigla siyang nahiya. "Ano ba!? Close tayo? Makahawak ka." "Calm down okay I just want to.." biglang natahimik ang lalaki na parang hindi sigurado sa gagawin. "You just want to what Mister? Will you stop pestering me. I'm tired and I want to go home and rest." litanya ng dalaga habang salubong ang kilay. "I just want to apologize on what happened a while ago." Lalo namang naningkit ang mata ng dalaga. "Apologize mo mukha mo. Ang yabang yabang mo. Ni hindi mo man lang ako tinulungang pulutin 'yong mga nahulog ko tapos ngayon may pa apologize apologize ka pang nalalaman manigas ka!" Mahabang litanya ng babae. Napapangiti ang lalaki habang nakikinig sa sentimyento ni Joy. "Your so cute. You looks like a wife nagging her husbund." Natulala ang dalaga at sandaling napawi ang galit at inis sa binata. "Wow! Husbund agad? 'Di ba pwedeng ligaw muna tapos boyfriend bago husbund? Advanced." natawa ang lalaki sa tinuran niya. Lumapit si Kiel sa kanya at bumulong. "Why? do you want me to be your boyfriend?" agad namula si Joy at naitulak si Kiel. "Ihahatid na kita gumagabi na baka mapano kapa sa daan." banayad ngunit may otoridad na turan ng binata. Wow bilis mag switch ng mood kanina pilyo ngayon kung maka utis akala mo talaga boyfriend. Litanya ng dalaga sa isipan. "Ayoko nga. Kaya ko ang sarili ko at t'saka malay ko ba baka kung saan-saan mo ako dalhin." tutlo ng dalaga. "Kung balak man kitang dalhin kung saan tinitiyak kong masasarapan at masisisyahan ka." pilyong banat ni Kiel. "Anong masisisyahan at masasarapan?Hindi karin pala hambog 'no? Bastos at manyak ka din!" sigaw ni Joy. "Anong manyak? May mali ba sa sinabi ko kung dadalhin kita sa restaurant hindi kaba masasarapan sa mga pagkain doon?" paliwanag ni Kiel. Sumimangot si Joy na parang hindi kumbinsido. "By tbe way I'm Vince Kiel Guerrero. Just call me Kiel." pagpapakilala ni Kiel sa sarili. Nag aalangan parin siya pero tinanggap na rin ang kamay ni Kiel. "I'm Samantha Joy Castro. Joy for short." pagpapakilala niya sa kanyang sarili. "Nice to meet you Joy and I'm really sorry." Tumango ang dalaga bilang tugon. "Ang kamay ko, baka gusto mo nang bitawan. Nangangawit na." pagsususngit ulit ni Joy. Natawa naman ang lalaki "Ah sorry." "Kung pwede nga lang na Hindi na bitawan." bulong ni Kiel. "May sinasabi ka?" tNong ng dalaga. "Wala. hatid na kita promise mabait ako. Hindi ako masamang tao gaya ng iniisip mo. Kahit itanong mo pa kay Albie." Sandaling nag isip ang dalaga kung magko-commute siya maglalakad pa siya hanggang sakayan. Kaya tinanggap na lang niya ang alok ni Kiel. Nagkwentuhan saglit ang dalawa tungkol sa nangyaring pagguho at sinabi ng binata na paiimbestigahan ang nangyari. Mabait naman pala ang lalaki at interesting kausap. "D'yan na lang ako sa kasunod na kanto." turo ni Joy sa kanto malapit sa Bahay nila. "Dito na? Malapit lang pala ang bahay niyo sa Saint Jude hospital" "Oo isang sakayan lang. Actually nangungupahan lang kami dito kasama ang nanay at kaibigan ko." "Kaibigan? babae ba?" "Oo. Sige bababa na ako salamat sa paghatid Kiel naabala pa kita." "No, hindi ka abala sa akin. I'm sorry talaga about kanina." "Sorry too. Talagang nagmamadali lang talaga ako kanina at sorry din kasi nasigawan kita." "It's okay huwag mo nang alalahanin 'yon may kasalanan din naman ako." "Gusto mong pumasok muna at magkape?" "I'd loved too but I need to go, dadaan pa kasi ako sa oposina." "Sige ingat ka thank you ulit." Tumango ang lalake at sumenyas na pinapapasok na siya sa loob. Tila kinilig naman si Joy sa simpleng gesture ng binata. Pagpasok sa bahay ay nakasalubong niya si Jane papasok na rin siya sa trabaho. "Wow beshy! naka kutsi, yayamanin." "Yayamanin ka d'yan hinatid lang ako ni Kiel." "Kiel? Sino 'yon?" "Bukas ko na ikukwento male-late kana." "Promise ha kwento mo ha?" "Oo na". Pumasok na siya sa loob ng inuupahang bahay ay nag mano sa kanyang ina. "Anak sino yung naghatid sa'yo." "Si Kiel po inay bago ko pong kakilala." Pinaupo na siya ni aling Marina sa hapag kainan para kumain ng hapunan habang kumakain ay ikinuwento niya ang mga nangyari at kung paano niya nakilala si Kiel. Pati ang paninigaw at pag susuplada niya sa binata ay hindi niya inilihim sa ina. Natawa na lamang si aling Marina dahil likas sa kanyang anak ang pagsusuplada lalo na kapag gutom ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD