Chapter 4

1261 Words
Dumaan lang saglit si Kiel sa kanyang office para pirmahan ang mga mahahalagang papeles at pagkatapos ay umuwi na sa kanyang bahay. He is the president and acting CEO ng Guerrero corporation. Pag-aari nya ang 50 percent ng share sa kumpanya 25 percent ay sa kanyang ama na si Vincent Guerrero. Pinamana sa kanya ang 25 percent ng kanyang ama kaya naging pag aari niya ang kalahati nito. The rest 25 ay pag-aari ng mga iba pang investors at member of the board ng kumpanya. May mga pag-aari din siyang hotels and resorts sa iba't-ibang panig ng bansa. At a young age masasabing isa siya sa mga pinaka successful na businessman sa bansa. Mag-isa lamang siya sa kanyang bahay. Bumukod siya ng bahay at namuhay mag-isa. Pumupunta lamang ang katulong dalawang beses sa isang linggo upang maglinis sa bahay niya. Mula noong nag-aral siya sa kolehiyo ay mas ginusto niyang mamuhay ng mag-sa . Although sinusuportahan pa rin s'ya ng kanyang Daddy ay mas pinili niyang tumira sa kanyang condo habang nag-aaral. Magmula noong nag asawa ulit sa pangalawang pagkakataon ang kanyang ama pakiramdam ni Kiel ay balewala na lamang siya sa pamilya. Namatay ang ina niya noong ipanganak siya. Nagkaroon ito ng kumplikasyon na sanhi ng pagkamatay nito. Nakapag asawa ulit ang ama at ito ay si Miss Amanda Guerrero. Ang ina ni Albie katulad ng kanyang ama ay biyuda na rin ito. Namatay ang ama ni Albie sa isang car accident. Nagkaroon ng anak ang kanyang ama at si Miss Amanda, si Alice. Mabait na bata si Alice mabuti na lamang at nagmana ito sa daddy niya dahil kung kay Miss Amanda ito nagmana ay siguradong may attitude din ang kapatid niya. Albie and Kiel are friends too. They are not blood related pero magkapatid ang turingan sa isat-isa. Kakapasok pa lang niya ng main door ng kanyang bahay nang mag ring ang kanyang telepono. Agad namang sinagot ng makitang si Albie ang tumatawag. "Yes bro?" "Bro where are you?" pasigaw na tanong ni Albie maingay ang kanyang kinaroonan, mukhang nasa bar ito. "Sa bahay why?" "Common bro let's chill samahan mo ako dito." Mukhang may pinagdadaanan ang kaibigan. Alam na alam niya ang ugali nito. Laging si Kiel ang nag-aaya kay Albie sa inuman. Nag-aaya lamang si Albie kapag may pinag dadaanan kaya once na magyaya ito alam na nya. "Okay just send me the place where you are. I'll be there in a few minutes." Albie cut it and send the bar's name where he is. Kiel took a quick shower before going to the bar where Albie is. Pagpasok sa bar ay namataan agad ni Kiel ang kaibigan. Nasa counter ito at mag-isang umiinom mukhang hindi pa naman ito lasing. Lumapit siya at tinapik sa balikat "Hey bro." "Yeah thanks for coming bro." Sinenyasan naman ni Kiel ang bar tender upang bigyan siya ng inumin. "Anong nangyari bakit ka naglalasing?" Umiling lang si Albie. "Colene ." "What about Colene?" "She wants me to set her free." "Set her free? But why?" ”She choose her career over me." Nagulat naman ang binata sa ipinagtapat ni Albie Colene is Albie's long time girlfriend balak na nga niyang mag propose at pakasalan ito pero mas pinili ng dalaga ang karera kesa sa matagal nang pinagsamahan nila ng kaibigan niya. "Wala tayong magagawa d'yan bro iyon ang pinili niya e. Desisyon n'ya 'yon, maybe Colene is not yet ready to settle down. You need to wait anyway kung magiging kayo talaga ang para sa isat-isa gaano man 'yan katagal magiging kayo talaga." Dinamayan niya ang kaibigan hanggang sa malasing ito at hinatid sa kanyang condo bago umuwi. Nakahiga na siya nang maalala niya ang masungit na nurse, napapangiti siya habang inaalala ang pagsusungit nito. Ang pagsalubong ng mga kilay at ang pag laki ng medyo bilogan n'yang mga mata. "Sh*t." mura niya sa sarili dahil hindi pala niya nakuha ang numero ni Joy. Kiel immediately grab his phone agad in-open ang social media account at hinanap ang pangalan ni Joy. Ni-add niya ito sa social media bago mapagpasyahang matulog. Samantala, sandaling nag browse si Joy sa kanyang social media account habang hinihintay si Red na kasalukuyang um-order ng pagkain nila. Pang umaga na ang shift nito at lagi na niya itong kausap at kasama kapag kumakain ng tanghalian. Nagulat pa siya nang may nag pop up sa kanyang sss account may nag add sa kanya sa f*******:. "Kiel Guerrero? Hmhhm bakit ka naman nag add sa akin?" Tanong niya sa sarili. In-accept n'ya ang binata at agad nag message ito sa kanya. Kiel: Did you eat already? Ang simple ng chat niya pero bakit nakakakilig saad ng dalaga sa isipan. Me: I'm still eating. Sagot naman ni Joy sa binata. Kiel: Okay, you eat first and kindly send me your mobile number when your done eating? Nagtataka man ngunit sinagot na lamang niya ang binata at ibinigay ang phone number nito. Dumating na si Red at tahimik silang kumain. Pabalik na sila sa nurse station nang may unknown number na tumatawag sa kanyang telepono. Agad siyang nagpaalam sa kasama at sinagot ang tawag. "Hello sino to?" "Joy, it's me Kiel." "Kiel bakit ka napatawag?" "Uh I just wanna invite you for dinner." Sandali siyang nag isip nang maalalang naka oo na pala siya sa imbitasyon ni Red. "Ahm, Kiel sorry pwede next time na lang. Red invites me, naka oo na kasi ako sa kanya e pasensya na." Sandaling natahimik ang kabilang linya kapagkuway nagsalita ito. "It's okay I'll just call you some other time." "Okay. Bye ingat ka" "Ikaw din ingat ka." Tinapos na niya ang tawag. Hindi man niya nakikita ang reaksyon ni Kiel pero alam niyang dismayado ito. Maging siya ay ganoon din. Kung hindi lang talaga naka oo ang dalaga kay Red papayag naman siya. Parang kabastusan naman kung babawiin niya 'yon kay Red at sasama kay Kiel. Pagkauwi ng bahay ay agad hinanap ang ina. Nasa kusina ito at nagluluto ng hapunan. "Nay magpapaalam po sana ako." natigil ang kanyang Ina sa paghahali ng niluluto sa kalan at napalingon sa kanya. "Saan ka pupunta anak?" "Nay susunduin po ako ng katrabaho ko si Red po 'yong nakita natin sa mall noong nakaraan." "Ah, naalala ko na sige mag ingat ka anak huwag kang masyadong magpapagabi ha." "Opo inay salamat po." agad niyang tinungo ang kwarto para makapag ayos usapan nila ni Red na susunduin siya ng alas sais ng hapon. "Beshy may lakad ka?" tanong ni Jane "Oo beshy inimbita ako ni Red na mag dinner sa labas." nagulat bigla si Jane at nahalata iyon ni Joy. "Ah gano'n ba sige ingat ka." Hindi pa man nakakasagot si Joy ay lumabas na si Jane ng kwarto. Nagkibit balikat lang si Joy at nagtuloy sa banyo upang makapag shower. Eksaktong alas sais nang may kumatok. Pagbukas ni Jane sa pintuan ay nabungaran si Red. Simpleng polo at denimn pants lang suot nito ngunit nangingibabaw parin ang kagwuapuhang taglay ng binata. Napatulala si Jane nagising lamang siya sa lihim na pagpapantasya sa binata nang magsalita ito. "Excuse me, Jane right? "Ah y-yes pasok ka tatawagin ko lang si beshy u-upo ka muna." agad namang pumasok ang binata. Sh!t self bakit ka nauutal Kastigo ni Jane sa sarili. Agad niyang kinatok sa kwarto si Joy "Beshy, nandiyan na 'yong ka date mo." "Date ka d'yan friendly dinner lang 'yon beshy ano ka ba?" Nagpaalam na ang dalawa. "Nay aalis na po kami." "Sige mag-ingat kayo." Tumango lang si Jane sa dalawa at umalis na ng mga ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD