Sa isang Filipino restaurant dinala ni Red si Joy. Simple ngunit eleganteng tingnan ang loob ng restaurant. Ang mga disenyo at pailaw sa loob ng kainan ay masasabing hindi ordinaryo at halatang mamahalin.
Habang kumakain ay nagkwentuhan sila tungkol sa mga buhay nila at napag alaman niyang tulad niya wala na ring ama si Red ang kaibahan lang nila ay namatay ang papa ng binata sa sakit na cancer, samantalang siya ay hindi niya alam kung nasaan ang ama, kung buhay ba ito o patay na.
"Joy may gusto sana akong sabihin sa'yo."
"Ano 'yon?"
"Ah, Joy pwede ba kitang ligawan?"
"Ha? Red 'di ba't parang ang bilis naman, kailan lang tayo nagkakilala."
"Joy hindi naman nasusukat sa kung gaano mo na katagal kakilala ang isang tao e. 'Yong special feelings ko sayo kusa kong naramdaman 'yon at hindi ko pinilit." sinserong pagtapat ni Red.
"Red ano kasi, hindi pa ako handanh makipag relasyon."
"Joy hindi naman kita minamadali, handa akong maghintay. Hayaan mong patunayan ko ang sarili ko sa'yo."
Hindi nakaimik si Joy at tumango na lamang ito. Ayaw niyang sirain ang gabing ito para kay Red. Pero kung siya ang tatanungin, tanging pagkakaibigan lamang ang mai-o-offer sa binata at wala ng hihigit pa doon. Pagkatapos kumain ay nagkwentuhan pa saglit bago napagpasyahang umuwi dahil may trabaho pa sila kinabukasan. Hinatid siya ng binata sa kanilang bahay. Pagakapasok sa bahay ay nagpaalam muna siya sa ina na matutulog na ito.
Pumasok siya sa kwarto at nakitang gising pa si Jane.
"O beshy, ang bilis naman natapos ang date n'yo?"
"Beshy hindi 'yon date okay? Para sa akin friendly date 'yon." paliwanag ni Joy habang nagbibihis.
"Ano yun kumain kayo sa labas as a friend?"
Umiling na lang siya sa tinuran ng kaibigan nakakahalata na talaga siya. Parang may pagtingin ito kay Red base sa kinikilos niya. Sunud-sunod na text message ang na recieve niya. Mula kay Kiel at kay Red nauna niyang binasa kay Red at sinabing nasa bahay na raw ito. Sunod ang kay Kiel.
Nakauwi kana ba?
Did you arrived safe?
Tulog kana ba?
Napakagat labi ang dalaga sa simpleng text message lang na 'yon napapangiti na siya.
Agad naman niyang ni replyan si Kiel.
Yes I'm home. matutulog na ako.
Pagkasend n'ya ng kanyang reply ay wala pang sampung minuto ay tumawag na Ang binata sa kanya.
Napapikit ang dalaga ng makita ang pangalan ni Kiel sa screen ng phone niya nakiusyoso naman si Jane.
"Kiel?" takang tanong ni Jane ngunit sinenyasan siya ni Joy na manahimik at sinagot ang tawag.
”On mo 'yong speaker " bulong ni Jane at sinunod naman ni Joy.
"Hello Kiel."
"Hello naistorbo ba kita."
"H-hindi naman bakit ka napatawag?"
"I just want to know if you arrived safe."
Kinagat ni Joy ang ibabang labi para mapigilang ang pag ngiti habang si Jane ay panay ang sundot sa tagiliran niya. Kilig na kilig habang nakikinig sa usapan nilang dalawa.
"Yes, don't worry nakauwi ako nang ligtas walang labis walang kulang." Pagbibiro ng dalaga
" Okay. Good then. Uh Joy, can I fetch you tomorrow after your duty. I just want to invite you for dinner, if it is okay with you pero kung hindi ok lang "
"Okay, hintayin kita." sagot ni Joy habang pigil ang pag ngiti.
"Really? thank you, good night please dream of me." nagulat si Joy sa sinabi ni Kiel.
"Goodnight." tanging nasabi ni Joy at agad pinatay ang tawag.
Nagkatinginan silang magkaibigan at gustong magtitili ngunit nag takip sila ng kamay sa bunganga para mapigilan ang mga bibig nila dahil gabi na rin at tulog na ang karamihan sa kapitbahay.
" Sino siya? Kwento mo dali!" excited na usisa ni Jane sa kanya.
Kwinento naman ni Joy kung paano sila nagkakilala ni Kiel.
"OMG! Vince Kiel Guerrero! one of the hottest bachelor in the country!" hindi makapaniwalang Saad ni Jane.
"Boses mo naman baka naman paki hinaan beshy." saway niya sa kaibigan
"Iba din ang ganda mo ha? Pinipilahan."
"Anong pinipilahan ka d'yan? Tumigil ka nga at tsaka hindi pa naman nanliligaw 'yong tao eh."
"Hindi pa? So umaasa kang liligawan ka nya? Uy beshy luma-lovelife." tukso nito.
Napaisip si Joy. Umaasa nga ba siyang liligawan siya ni Kiel?
"Ikaw, may hindi ka ata sinasabi sa akin,"
"Huh? Ako?" sabay turo ni Jane sa sarili.
"Hindi 'yang katabi mo, beshy maang-maangan ka pa e."
" Ano nga? Diretshahin mo."
"Tapatin mo nga ako. Kilala mo na ba dati pa si Red?" direktang tanong ni Joy kaya hindi agad nakaimik si Jane. Napakamot ito sa kanyang ulo.
"Beshie I'm waiting." taas ang kilay na tinitigan n'ya si Jane.
"Beshie ano kasi..... Sige na nga,, naalala mo iyong kinukwento ko dati pa na crush ko na laging bumibili ng kape sa coffee shop na pinagtatrabahuan ko?"
Natutop ni Joy ang labi. Napatango naman si Jane bago magsalita.
"Si Red 'yon beshy nalaman ko lang ang pangalan niya noong nakita natin siya sa mall."
"OMG! Bakit hindi mo agad sinabi sa akin 'di sana tinanggihan ko yung offer niyang dinner bakla ka."
"So wala kang nararamdaman sa kanya?"
"Bakit kailangan ba meron? T'saka hindi ko siya type 'no."
"E sinong type mo si Mr. Guerrero?" panunukso ni Jane.
"Beshy tulog na wag kang ma issue d'yan."
"Oo nga pala matulog kana para you will dream of him hahaha." panunukso parin ng kaibigan.
"Tulog kana rin para mapanaginipan mo si Pula."
"Huh Pula?"
"Oo Pula tagalog ng Red."
"Hahaha waley."
Samantala hindi dalawin ng antok si Kiel paulit-ulit na nag fla-flash back sa isip niya ang mukha ni Joy. Sa tanang buhay niya ay hindi pa niya naranasan ang pumasok sa isang serious relationship. Tanging fling or one night stand lang. Lagi niyang nililinaw sa mga nakaka fling nya na he is not into a serious relationship, no string attach. Its only pure l**t. Pero iba ang nararamdaman niya para kay Joy.
"Ito na ba 'yong sinasabi ni Albie na puma pag-ibig." kausap niya sa sarili. posible bang maramdaman ang pag-ibig even in a short period of time? At kung gano'n din ang nararamdaman niya para sa akin, matatanggap kaya niya ang tunay kong pagkatao? Mga katanungan ni Kiel na gumugulo sa isip n'ya. Kiel committed car accident during his 4rth year in high school. Na damage ang lower part ng katawan niya at muntik nang malumpo. Nag hire ang Daddy niya ng pinakamagagaling na doctor at therapist para matutukan ang kanyang kalagayan. Matapos ang ilang buwan ay nakapaglakad ito bumalik na sa normal ang kanyang buhay. Ngunit mayroon siyang nalaman, ayon sa doktor dahil sa damage na natamo ng ibabang bahagi ng katawan bunga ng pagkaka aksidente ay naapektuhan ang kanyang reproductive organs. Dahil dito, wala na siyang kakayahang magakaroon ng anak. Sa madaling salita baog si Kiel. Matinding depression ang dinanas niya. Sa tulong nila Albie at Alice ay nalampasan niya ito. Lagi siyang dinamayan ng mga ito.